"Ahahahaha.. Ang pangit ng joke mo bro.." umalingawngaw ang boses agad ni kuya Lance sa labas. Kumalas si Ate Cath sakin saka nilingon ang pintuan. Hindi nga ako nagkamali. Sunod sunod nang pumasok ang buong barkada ni Jaden. Maging sina kuya.
"Uy Bamby, andito ka rin pala?.." nilapitan ako ni Bryle. Saka sinipat mula ulo hanggang paa. Nakauniform pa ako. Saka nilingon si Jaden na nakangisi na. Lumapit Ito sa kanya at umakbay. Nakita kong bumulong pa sya na naging dahilan ng pagkakatalim ng titig nito sa kanya. "Hahahahaha..bawal magsungit bro. Baka hindi ka nya magustuhan.." hagalpak ni Bryle. Maging si Billy at Ryan nakisali na rin sa kanila. Kinaladlad pa sya papuntang kusina. Si Bryle akbay pa rin sya. Habang sina Billy, Ryan at Paul tulak tulak sya. Taka ang makikita saking mata. Anong ginagawa nila sakanya?.. Ang weirdo nila ha?..
"Kamusta rides mo?.." umupo si kuya Lance sa armrest ng sofa. Saka inlagay ang kamay sa likod ko. Mismong sinasandalan ko.
"Ayos lang naman.."
"Hindi ka nag-enjoy?.." tukso pa nya. Mabilis ko syang inirapan. Malaki pa ang kanyang ngisi.
"Or I should say, overjoyed?.." mabilis ko syang sinapak dahilan para humagalpak ito ng tawa. Inagaw pati ang atensyon nina Ate Cath at Kuya Mark. Ehem!. I smell something fishy cracky here.. Like I'm gonna love you.. Ayiee!.
"Ang sama mo talaga.. hahaha.." turo pa nito sakin. Lumabas si Niko galing kusina na may hawak ng tray na may lamang tinapay. Ang cute nyang serberidor.
"Ano nga kasi?. Curious pati si Papa sayo e. Hinanap ka kanina.."
"Bakit mo kasi ako iniwan?.."
"E kasi nga nirequest ni Jaden.." hininaan pa ang pangalan na binanggit. Damn boy!. Nang-aasar na naman. Sa mismong bahay pa ng tao. Ampusa!. Wala talagang hiya.
Irap lang ang tangi kong sagot sa kanya. Dahil kapag nagsalita pa ako. Baka mabuko na talaga ako.
"Magandang gabi po tita." bati nila kuya sa matandang babae na lumabas galing kusina. Gaya ni ate Cath. Maputi ito. Matangkad. Atsaka mahaba rin ang buhok na may iilan nang puti.
"Kain na. Tara dun.." Anya. Saka tumingin sakin. Nahihiya akong lumapit at nagmano dito.
"Tita, bunso po namin. si Bamby.." si kuya Lance ang nagpakilala sakin. Akbay ako. Minuto muna ang lumipas bago sya ngumiti sakin. Mas nakakatakot pala sya. Kaysa mahalin ang anak nya. Damn!..
"Welcome sa munting bahay namin hija.." hinanda nya ang mga bisig. Nagsasabing yakapin ko sya. Kaya kahit nahihiya ako, yumakap ako.
"Maraming kwento ang anak ko tungkol sayo hija.. Sana lagi kang pumunta rito.." Yung hiya ko napalitan ng gulat at pagtataka. What?. Oh hell s**t!.. Really?.. Ako topic nya dito sa bahay nila?. Kaya ba ganun nalang reaksyon ng kapatid nya?.. O well. Now I see..
"Mukhang nagulat kita.. haha.. Tara na dun. Baka gutom ka na.." hila hila nya ako palabas ng kusina. Patungo sa isang malaking kubo nila. Parang rest house sa bakuran nila. Hindi makikita galing sa labas. Parang gusto ko na nga Yung suggestion ni tita. Na laging pumunta diyo. Wah!...
Para kang tala, Jaden. Abot kamay na kita...
"Anong feeling pre, sobrang saya mo siguro?. haha..." Yun ang dinig kong sambit ni Billy nang lumabas kaming kusina. May munting kubo na sa labas. Eksakto lang sa bilang namin. Nakaupo sila sa hilera ng mahabang upuan sa kubo nila. Gawang kawayan ang ito na pinagdikit dikit Ang poste Naman nito ay kahoy. At Ang bubong ay Nipa. Presko siguro dito kapag kapag o summer.
"Hi tita.." sabay nilang bati kay tita na itinaas lang ang kanang kamay sa kanila.
"Bakit po matagal kayong lumabas ni Bamby?.." etchuserang Paul. Nakangiti pa sakin. Kumuha ng baso at nilagyan ng juice saka binigay kay Jaden. Hindi na maipinta ang mukha ni Jaden. Binabalewala lang ni Paul.
"Nag-usap pa kami e.. Bakit namiss mo sya agad?.." sabi ni tita habang inaayos ang lamesa sa gitna ng upuan. Tapos tumawid ng tayo at namaywang sa tabi ko. Hilera nila Kuya Lance.
"Hahahaha!.. Hindi po ako tita.. may isa dyan, kanina pa di mapakali.. Hahaha.. Parang may uod sa pwet, hahaha.." humaglapk talaga sya. Hawak pa ang tyan. Nakipag-apiran pa kila Ryan, Paul at Bryle..
Yung dating di maipinta na mukha ni Jaden mas lalong lumala. Umasim at tumalim na tumingin sa kabarkada.
Nawala lang ang mata ko sa kanya ng may humawak sa buhok ko saka inipit saking tainga. Si Kuya Lance. "Ang sabi ni Papa, malapit na raw tayong umalis.." bulong nya. Mabuti narinig ko pa. Ang ingay kasi nilang nagtatawanan.
"Oh?. Bat parang di ka naman excited?.." Anya. Nagtataka sa hindi ko pag-imik.
"Ang bilis naman?.."
"Hahaha.. Parang ayaw mong sumama ah?.."
"Di naman.. Hindi ko lang inexpect na ganun kabilis naproseso ang papel natin.."
"Ang sabihin mo, kaya ayaw mong umalis kasi may ayaw kang iwan. ."
How I wish na meron nga akong ayaw iwan.. Tsaka, too fast to left home. I'm not yet ready. My heart don't want to let go of something that are not yet fulfilled. Gusto kong may development muna kami. Oh gosh!. I'm blushing!. Ampusa Bamby!. Si Papa mo yun, ipagpapalit mo sya sa kanya?. Don't know what to do now. Ugh!.
"Wala naman, parang di pa ready utak kong pumunta dun kuya.." tinaasan nya ako ng kilay.
"Hindi yang utak mo ang hindi ready. Yang puso mo ang nagdidikta nito.." tinuro ang kanyang sentido.
Natahimik bigla ang paligid. Namuo ang biglang kaba sakin.
"Lance, san kayo pupunta?.." si Paul. Habang kumakain na ng fries.
Maging si kuya natulala. Hindi agad nakasagot. Si Kuya Mark, na nasa gilid kanina lumapit Ito samin. Tumabi sa tabi ni Kuya Lance.
"Australia.."
"What!?.."
"Huh!?.."
"Ano!?..
"Bakit?.." sabay sabay na nagsalita sina Ate Cath, Jaden, Bryle at tita.
Bakit ito ang topic namin?. Birthday ito. Dapat masaya.
"Two months from now, aalis na kami.." si kuya Mark ang bumasag sa katahimikan ng paligid.
Yung dating init nang saya kanina, naglaho na parang bula. Napalitan ng lamig na naging yelo.
"Malapit na nga. Kayong lahat ba ang aalis?.." si tita ang bumasag sa nagyelong kapaligiran. Hindi magawang gumalaw ng aking mata. Natatakot may makita. Natatakot matagpuan ang kanyang matang nagtatanong. Di ko pa naman kayang sumagot kapag sya na ang nagtanong.
"Opo tita. Kaming lahat po.." sagot ni kuya Mark na nakiupo sa tabi ni Ate Cath na malungkot ang mukha. Hindi mawala ang tingin nito sa kanya. Hanggang sa pag-akbay ni kuya.
"Yun kasi ang gusto ni Papa. Kaya wala kaming choice.." Kay ate Cath na sya nakatingin. Nagpapaliwanag. Ngunit hindi pa rin nagbago ang mukha ni ate Cath. Seryosong nakatingin kay kuya.
Mahabang katahimikan na naman ang bumalot samin. Muntik na akong nabingi kung di pa nagsalita si, O my gosh!. His voice!. Parang bumbilya, nagbigay liwanag sa nagdilim kong isip.
"Paano na ang pag-aaral nyo.." Anya. Dun lang rin ako nag-angat ng ulo. Eksaktong tumama pa sa kanya. Nagkatitigan kami. Damn his eyes!.. It's making me shiver. Really hard!.
Seconds. . .
Minutes later . .
Someone broke the electricity between ours.
"Ano ba kayo?. Birthday to ni Niko, dapat masaya tayo.. diba?. Di ba?.." tumayo si Billy sa gitna. Pilit pinapagaan ang paligid. Si tita, bumalik muli sya ng kusina matapos ayusin ang hapag.
"Oo nga.. Haha.. Paki-on na yung videoke. Kantahan nalang tayo. Habang wala pa sila Aron.." nakisama si kuya Lance kay Billy. Pumunta sila sa dulong bahagi. Pwesto nina Jaden. Dun nakatayo na ang machine. Binuksan nila ang karaoke saka pumili ng mga kanta.
Maya maya pa.
Dumating na sina Aron. Kasama si Poro at ang grupo. "Ang tagal nyo naman.." reklamo agad ni kuya Mark sa kanila. Nagtapikan ang mga ito.
"Pasensya na. Traffic kasi. Sinundo pa namin itong si Poro. Nakipagdate pa kasi e kahit malayo pa ang valentine ..haha.."
"Ang sabihin mo, inggit ka lang.." Ani Poro. Saka nakipag-apiran kay kuya Lance na galing sa may machine.
"Oh. Hi Bamby. It's nice to see you here...hehe.. Jaden, okay ka lang?..." si Aron. Matapos akong batiin. Bumaling naman ito sakanya na ipinagtaka ko ng todo. Ano bang meron?.. Gaya kanina, hindi na naman maipinta ang mukha nya. Umiwas pa sa mga bulong ni Aron. Natatawa lang ang kaibigan nya sa kanya. Ano to?.. Gusto ko ring matawa o kiligin. Pero paano?. Ayokong umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Lalo na sa tao, na pabago bago.
"Ayos naman ako." garalgal ang kanyang boses. Parang pinilit lang sumagot. Damn!. Bat ka pa kasi sumagot e. Sana ako nalang sinagot mo.. Hell s**t Bamby!. Will you please stop assuming!.. Stop...
"Happy birthday to you!.." may nag-umpisang kumanta. Si Ate Cath pala. Hindi ko man lang napansin ang pag-alis nya sa tabi ni kuya. Hawak nito ang cake na may kandilang nakasindi sa gitna. Karga ni Jaden si Niko na ngumunguya pa ng fries. Ayaw paawat sa pagkain. Ang cute.
Kinantahan ng lahat.si Niko. Maliban sakin. Masaya naman ako para kay Niko, wish ko pa nga, maging malusog at lumaki syang masunurin. Ngunit, may bahagi saking puso ang malungkot dahil sa nalaman kanina. Sabihin na nating it's complicated ang status ng isip ko ngayon. Dahil masaya ako na malungkot. Masaya ako dahil sa wakas napuntahan ko na rin ang bahay nya at nasakay pa sa kanyang motor. That's totally a dream come true for me. For my little foolish heart. Kalahati naman ng isip ko ay ang lungkot. Dahil dalawang buwan nalang simula sa araw na to, aalis na kami. Iiwan Ang lahat at magsisimula sa umpisa, ng hindi sya mkikita. Ampusa!. Ngayon palang, naiiyak na ako.
O my gosh!. Sana lang, kayanin kong iwan sya rito.