Last subject na namin nang pumasok ang aming teacher.
"Bamby, you are excused. May meeting raw kayo. Sa conference hall.."
Agad ko ng inayos ang mga gamit ko, nagpaalam saka lumabas. Nilalagay ang hawakan ng aking bag sa balikat ko kasabay ng lakad.
"Hey, Bamby!. Wait!.." tawag ni Ace. Binagalan ko ang lakad. Dinig kong tumakbo sya para pumantay kami ng lakad. Nag-ayos pa ito ng kanyang buhok ng sumabay na sakin.
"Conference hall?.." sambit nya. Di ko matukoy kung tanong ba nya iyon o nasabi lang nya.
"Hmm.." tamad kong tugon.
Lumingon ito. Tumagal ang kanyang titig ng ilang minuto. Nakakailang.
"Bakit mo ginawa yun?.." tungkol sa kaninang umaga. Di ko yun gusto. Ayokong isipin ng iba na totoo nga ang iniisip nila.
"You're still into that?.." may ngisi pa sa kanyang labi.
Bwiset!.
Plok!!.
Isang hampas ng notebook ang tumama sa kanyang braso dahilan para sya'y magreklamo.
"Awww!.." hinawakan ang tinamaan.
Umirap ako't iniwan syang patuloy sa reklamo.
"Bamby!.."
Di ko sya pinansin. May kalayuan ang hall kaya mahaba ang ground na dinadaanan namin.
"Bamby!.." patuloy nyang tawag. Pero wapakels.
Nang matanaw ang hall, nagdahan dahan na akong naglakad. Nakayuko. Sa patag na semento nakatingin.
"Aray!.." nauntog lang naman ako kay Ace na nakatayo na sa harap ko. Agad nagsalaubong ang hiwalay kong kilay.
"Anong ginagawa mo dyan?.." seryoso ang mukha nya. Mas lalong nadepina ang maganda nitong mata. Kulay abo.
"Baka kasi madapa ka. Kaya humarang na ako. Baka sa iba ka pa kasi mauntog e. Masaktan ka pa.." yung salubong na kilay ko nadagdagan na ng kunot na noo. Kakaiba yung dating ng sinabi nya. Double meaning.
"Tsk. Wala ka na dun.." sa mata ko sya tinignan.
Seryoso pa din ang mukha nya. Nakakapanibago. Ako dapat ang ganun ang mukha e. Inunahan ako.
"Hindi ako mawawala dahil kahit saan ako magpunta... naaalala pa rin kita.." mahiwaga pa nyang dagdag. Ano kayang nangyayari sa taong to?.
Humugot ako ng malalim na hininga. Inaalis ang pilit sumisiksik na katanungan sa mga sinasabi nya. Ang weird nya gumalaw lately. So strange.
"Ano bang sinasabi mo dyan Ace?. Tara na nga. Gutom lang yan. Kumain ka ba kanina ha?.." nilampasan ko sya habang sinasabi ang mga yun. Ace ang tawag ko sa kanya tuwing ssryoso ako. Alam na nyang ayokong pag-usapan ang kahit na ano ngayon.
Pumasok ako ng hall. Maingay na. Andun na ang ibang mga grade level. Si Denise at Jaden, nasa unahang upuan. Magkatabi.
"There you go. Here Bamby, where's Ace?.." anang isang guro. Bakla rin.
"Sorry we're late.." biglang narinig ko ang boses ni Ace saking likuran. Tinaasan lang kami ng kilay ng guro saka itinuro ang aming upuan. Sa tabi ng naunag umupo. At sa mismong tabi pa ni Jaden. Damn!.
Ingat na ingat akong umupo sa silyang katabi nya. Pigil ang hininga.
"Hi.." bati nya sakin. Nginitian pa ako.
Sasagot na sana ako ng dinungaw ako ni Denise. Kaya isang pilit na ngiti lang ang kaya kong isagot dito.
Ayoko ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ko. Baka mahimatay lang ako.
Mabilis ang t***k ng aking puso. Para akong nakipaghabulan sa mga aso sa labas ng aming bahay dahilan para mamuhay ang kaba sa aking sistema. Maliliit na butil ng pawis ang namuo sa aking noo at ilong. Tanda ng pagkabalisa ko sa taong nasa aking tabi.
"Andito na ba ang lahat?.." kembot ang kanyang beywang sa bawat paghakbang.
"Yes sir.." sagot ng iilan. Ako. Wala akong lakas. Hinihigop nya lahat. Iba ang pwersang dinudulot nito sakin kapag ganitong magkalapit kami. Para akong plastik bag na kapag dinikit o nilapit sa nagliliyab. Tunaw.
"E bakit iilan lang ang dinig ko?. Nasaan ang iba?.." may halong sarkasmo ang himig nito. Na damn!. Sakin pa tumingin.
"Yes sir.." ulit naming lahat. Nakisali na ako para mabawasan man lang ng kaunti ang hanging di ko mapakawalan.
Tumango sya kasabay ng pagtaas baba ng kanyang kilay. Nakuntento sa narinig.
"Alam nyo naman na siguro kung bakit tayo narito noh?.." maarte nyang sabe.
"Yes sir.." kaming lahat. Pasimpleng nagnanakaw ng tingin ang makulit kong mata sa katabi. Di makatiis.
"Magme-meeting lang tayo ngayon. Bukas na tayo mag-uumpisang magpraktis. Ayos lang ba sa inyo yun?.."
"Yes sir.." ng lahat.
Pero may isang naiba. ang lakas pa ng pagkakasabi nya. Loko kahit kailan.
"Yes sir yes.." Ani Ace. Natigilan sya sa sinabi nya. Tinitigan ng mabuti si Ace. Ngumingiwi pa ang kanyang labi.
"Yes?. What grade level are you?.."
"First year po sir.." tumayo sya bago sumagot. Proper way to answer questions
Tumango na naman sya. "You're with them?. " nginuso kami.
"Yes sir.." yan kasi. Sumobra ka pa ng yes kanina. Special attention ka tuloy.
"Who among them is your partner?.." patuloy pa rin. Bwiset!. Pahamak ang kumag. Ang daldal kasi e.
"Sya po sir.." itinuro ako. Tumagal ng ilang segundo ang tingin sakin bago tumingin muli sa kanya tsaka bumalik ulit sakin. Di kaya sya nahilo?.
"Hmmm.. nice.. 'kay sit down. Yes sir lang ang kailangan ko ha. Huwag mo nang pasobrahin.." masungit nyang sambit.
Ang loko. Sumaludo pa. Naku!.. Di ako nakapagpigil. Kinurot ko ang kanyang braso sa likod.
Mas loko. Kinurot din ako sa pisngi. Shems!. Sa mismong harapan pa nya. What ya doin' Ace?!!....
Tumagal ng tatlompung minuto ang meeting. Ang dami nyang gustong gawin. Sana rin magawa namin. Ngayon palang kinakabahan na ako.
"Bamby!." may tumawag sakin pagkalabas ko ng hall. Si Dennis. Barkada ni Kuya Lance.
"Kanina ka pa hinahanap ng kuya mo. Galit na galit.."
"Bakit daw?.." papalapit na ako sa kanya. Nakataupo kasi ito sa loob ng kubo.
"Uwi na raw kayo kaso di nya alam kung asan ka..."
"Hindi ba sya nagtanong?.." bat di nya alam?. Dapat nagtanong rin sya. Engot kasi minsan e.
Nagkibit sya ng baliikat. "Dalian mo na baka iwan ka pa nun.. Kanina pa nagpapaulan ng mura e..."
"E ikaw?. Bakit ka andito?.."
"Natamaan lang naman ng lintik na mura nya. Kaya hinanap na kita. Ang engot rin kasi minsan. Di muna magtanong bago magdrama ng napakaoa."
Di ko maiwasang humagalpak sa kanyang sinabi. Tama nga naman sya. Yun nga rin ang tanong ko. Bakit di sya nagtanong?. Haist Lance Eugenio!. What going on?.
"Ganun ba. Sige. Salamat kuya. Mauna na ako.." paalam ko dito saka mabilis ng dumiretso sa parking lot. Pagkakita ko ng sasakyan namin pumasok na ako. Pinaandar nya agad ang sasakyan. Pinatakbo ng mabilis. Here we are superman!.
"Damn kuya!. Slow down.." sabay ng aking tili dahil sagad pa sa mabilis ang patakbo nya ng sasakyan.
Mamamatay ata ako sa kaba.
Busangot ang mukha. Kunot ang noo. Matalim na mata. At salubong na kilay ang ipinakita nito sakin ng lingunin ako.
Signs na galit na galit nga sya.
"Alam mo ba kung gaano na ako katagal duon?."
Anong magagawa ko?. Sa isip ko na lamang ito. Mahirap makipagtalo sa galit. Baka sumabog lang kami.
Hindi ako sumagot. May ideya ako pero ayoko ng gatungan pa ang galit nya. Mauuwi lang sa away.
"Nice Bamby. Good answer.." sarkastikong sabe pa nya sa pananahimik ko. Nakatingin sya sa daan pero yung galit nya nag-uumapaw. Tumatama sakin.
Bakit kaya ang init ng ulo neto?. Maghintay lang naman ang ginawa nya, galit na agad?. Di kasi marunong magtanong e. Tsk. Tsk.
"Kung alam ko lang na wala palang kwenta ang mag-antay ko sayo.." I cut him off.
"Bakit kasi di ka nalang umuwi?.."
"There.. Finally!. You spoke.." pasiring pang tumingin.
"E kasi pinangungunahan mo ako ng galit.." Lakas loob kong sabe. Bumagal ng bahagya ang patakbo nya. Biggest sign na pinakinggan nya ako.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid.
Paano nya maiintindihan ang paliwanag ko kung inuuna nito ang kanyang galit?. Yan ang hirap sa kanya, di marunong magtanong. Nag-aasume na kung anu ano tapos gagawa ng solusyon na di naman totoo. Sa madaling salita, gumagawa ng problema kahit wala naman talaga.
"Natagalan ako dahil umatend pa ako ng meeting.." paliwanag ko. Kita ko ang repleksyon ng kanyang mukha mula dito sa gawi ko. Yung noo nyang kunot. Bumalik na sa normal. Yung busangot nyang mukha, maayos na ulit. Yung kilay nyang nagsalubong, dumistansya na muli. At ang kanyang matang matalim, lumanlam na. Back to as he is now. Time for me to explain even more.
"Kasali ako sa intramuralssss..." tomodo ang haba ng huling pantig ng salitang binigkas ko dahil sa bigla nyang pagpreno. Damn boy!.
"What?!.." lumaki ang normal nitong mata. Base sa kanyang aksyon, hindi ito naniniwala. Ako rin naman. Napilitan lang.
Nasa gilid na ng kalsada ang sasakyan. Hawak ko ang noo-ng nauntog sa dashboard. Sya, nakaharap na sakin ng may death glare na tingin.
"Mag-ingat ka naman.." inis kong asik sa kanya. Himas pa rin ang nauntog.
Tumitig lang ito sakin. Walang sinasabi.
"What now?.. Akala ko ba gusto mo ng umuwi?.." ako naman ngayon ang galit sa kanya. Makapreno kasi, akala nya sya lang tao sa kanyang kotse. Di man lang naisip na may kapatid syang kasama.
"Sumali ka ng ano ulit Bamby?.."
"Pft..are you deaf or something or lutang ka na naman?.. I told you already. I hate repeating my words.."
"Don't get me mad again lil sis.." nagbanta pa. Di kaya ako takot. Ba'la sya dyan. Pinaikutan ko ito ng mata.
"You'll say it or I'll spill something fishy cracky?.." hindi na seryoso ang mukha nya. May nakaplater na ring ngisi sa manipis nitong labi.
Naloko na pinagtritripan na naman ako ng napakabait kong kapatid.
Mataman kong tinitigan ang mata nya. Inaaral ang bawat anggulo kung nagsasabi nga ba sya ng totoo o hinde..
"You wanna hear what em gonna say lil sis?." inilpait pa ang bibig saking tainga.
Umiling ako sa idinulot nitong kiliti. "Ano ba?. Stop it!. You're just trippin' me again.. Drive now.." tulak ko sa dibdib nya. Humagalpak lang ito. Saka umandar na muli ang sasakyan.
"I'm telling you. I'm serious.."
"Not asking.." walang kainteres kong sabe. Sa bintana na nakatingin.
"Really?. What will you do then if I'm telling you... the name of your crush huh?.."
"Like duh?. You don't know anything.."
"Na uh!. It's opposite.. I know everything.."
"Kuya!!?.." inis kong sigaw dito.
"Hahahaha... I knew it!. I knew it.. Hahaha.." hagalpak pa nya. Naisip kong posible ngang alam na nga nya ang tungkol sa pagkatao ng crush ko. Pero di pa rin mawala sakin ang magtaka. Paano jya naman nalaman?.
"You're just crazy.." kunyaring iling ko.
Tumawa pa ito ng malakas tapos tinuro ako sabay sabi ng "I'm not crazy. You are mad damn crazy in love to Jaden.. Hahaha.." Damn!. He got me now. What will happen next?.