Chapter 22: Caught

1611 Words
"What no?!.." takip ang mga tainga ko habang tumitili. Panay lang ang hagalpak nya. "Hahaha.." ang sarap ng tawa nya. Abot mata ang ngiti ng kanyang labi. Hawak ang tyan sa kakatawa. Kamuntik pa kaming mabunggo dahil sa kaliwang kamay lang ang may hawak ng manibela. s**t!. "Can you please... stop laughing. Focus on driving.." turo ko ang kanyang harapan. Maraming sasakyang nag-uunahan. Inilingan nya lang ako. Di mawala ang ngiti. "Are you denying?.." "What no?!.." agap ko. Natawa na naman sya. Damn Bamby!. Focus!. "I mean, I am. He's not my c-crush.." "Oh little sister of mine. Stop denying. I caught all your actions.." natigilan ako sa mukha nyang masayang masaya sa ibinalita. Para tigilan na ako. Kailangan kong kagatin ang mga siansabi nya. May katotohanan naman kaya dapat ko lang tanggapin na may ibang tao nang nakakaalam na gusto ko nga ang taong yun.. But wait?. Paano nya kaya nalaman?. Sino kayang nagsabi sa kanya?. One big problem. May mga suspek ako. Either Joyce o Denise?. O di lang sila ang nakakaalam. Marami pa. Oh gosh!. That's hell!. Fierry hell for me. "Sumali ka ba sa patimpalak na yun para mapansin ka nya?.." "That's a big damn no kuya. Saan mo nalaman ang tungkol dito?." who is his source/s?. "Someone.." maikli nyang tugon. Iwas pa ang tingin. May something. I feel it. "Someone?. Whose he/she?.." taas ang aking kilay. Di maiwasang mang-usisa. Nagkibit lang ito ng balikat saka hinagod ang buhok. Pusa!. Feeling gwapo!. "No need to mention.." "Haist!.. Kung alam mo lang.." wala sa sarili kong sambit. Mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Bakit?.." interesado ang loko. Kumpirmadong may tagabalita nga sya. "Hindi ko gustong sumali ng intrams.." "Hah?!. E bakit kamo umatend ka ng meeting?. Ang gulo. " takang tanong nya. "Hindi ako sumali. Isinali lang nila ako. No choice dahil teacher na namin ang nagdecide ng final.." "Sun of a beach!." mura nya. "Asshole!.." mura ko sa kanyang mura. Bastos e. "Wala ka ngang pag-asang manalo kung ganung isinali ka lang. Magaganda pa naman kalaban mo. Baka di ka pa nya mapansin.." isang sapak ang natanggap ng bastos nyang bibig. Mabilis itong nagreklamo. Inirapan ko ang kanyang nguso. "Whatever. I don't mind.." yun ang sinabi ko upang itago ang sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi nya. He is off limit. Too loud. Walang pakialam sa feelings ng ibang tao lalo na ako. Masakit malaman ang totoo. Pero mas lalo palang masakit kapag nanggaling na ito sa mismong kapamilya mo. Para itong patalim, isinaksak sakin ng madiin. "Talaga?. You don't mind what will be his on mind?.." natigilan ako. Wala na ba akong pakialam?. E kanina nga lang na katabi ko sya. mukha na akong uod na nabudburan ng asin. Di mapakali. "Mahirap no?. One sided love?." biglang naging seryoso ang kanyang tinig. Di ako sumagot. Sinabi nya pa. Masakit na ngang umasa e. "Ganyan din ako noon. Mahirap umasa sa taong alam mong may mahal ng iba. Mahirap magmahal sa isang tao na minamahal na ng iba. Masyadong kumplikado kung makikisiksik ka pa.." makahulugang himig nya. Di ko inasahan ang pagiging seryoso ng taong may topak. Sa kanya ko pa nalaman ang ganuong bagay. Batay nga sa mga salaysay nya, may experience na sya. Sino kaya ang babaeng nagustuhan nya?. Malalim ang iniwan nyang bakas sa kapatid kong loko loko. Pagdating ng bahay. Nadatnan pa namin ang grupo ni kuya Mark sa may sala. Abala sila sa laptop at maraming papel. "Hey Bamby, kanina pa nag-aalala si Mama sa inyo.." bati nya sakin ng ibaling ng ilang sandali ang mata nyang tutok sa ginagawa. Naglakbay ang malikot kong mata. Hinahanap ang taong topic lang namin kanina. Wala sya. Mabuti nalang. Makakagalaw ako ng maayos. Kaya siguro ako nahalata ni Kuya Lance ay dahil di rin ako nag-iingat sa mga kilos ko tuwing andyan sya sa paligid. Damn!. Paano ba dapat kumilos tuwing nasa malapit ang crush mo ng di nahahalata nang ibang tao?. Maging estatwa?. Huwag huminga?. Pilit na ngiti?. At tipid na salita?. Ganun ba?. Sa isip ko palang ginagawa ang mga yun, kayhirap na. Paano nalang kung totohanin na?. Dobleng hirap na. "May hinahanap ka?." nakataas na ang sulok ng labi ni kuya Lance. Sinundan ako hanggang kusina. Nilagpasan ang mga taong nasa sala. I just glared at him. "Oh ho!. Haha.. chill ya.. Just asking.." nakataas ang dalawang kamay nito. Nakaharap sakin ang kanyang mga palad. Sumusuko. "Jusko!. Saang lupalop kayo galing mga bata?.." histeryang yakap sakin ni Mama saka hinila si kuya para sabay kaming yakapin. Tinulak pa ako ng kaunti ng magaling kong kapatid dahilan para mapaatras ako ng ilang dipa ke Mama. "Gumagabi na pero di pa kayo umuwi. Bakit?.." ako ang unang kumalas kay Mama. Tinignan nya ako ng may nagtatanong na mukha. Naiwan naman ang Mama's boy sa kanyang bisig. Nakapatong pa sa kaliwang balikat ni Mama ang baba nya. Naglalambing. Haist!.. "Hinintay ko pa sya Ma. Umatend pa kasi sya ng meeting kanina kaya natagalan kami.." si kuya ang nagsabi. Umupo ako sa may bar counter. Kumuha ng basong may lamang juice at nilagok. Matapos uminom. Kumuha ako ng isang pirasong biskwit at kinagatan ng maliit. "Para saan yung meeting hija?.." tanong sakin ni Mama. Nakaakbay na silang pareho sa kanilang mga balikat. Pareho ring nakatingin na sakin. "Kasali raw sya ng intrams.." hindi na normal ang laki ng mata ni Mama. Bumuka ito ng husto. As in. "Ma wag oa.. di ako nagvolunteer para dun.." agad kong paliwanag. Baka sumigaw sa tuwa e. Mabulabog pa ang walang imik naming kapitbahay. Kumurap kurap lang sya sakin. Alam ko na kung saan nagmana ang taong katabi nya. Sa kanya mismo. Kaya pala Mama's boy ang bata. "Sigurado kang kakayanin mong sumali dun anak?. Maraming manonood sayo sa stage.." nag-aalala ang kanyang himig. Alam kasi nya na mahiyain ako. Di sanay sa mata ng napakaraming tao. Kaya sinisiguro nya ako. "Wala akong choice Ma. Teacher ko na ang nagdesisyon.." "What about your decision?. Hindi ba mas mahalaga yun?.." Naisip ko rin yun. Pero mas nanaig sakin yung unang sinabi ni Winly sakin. I need to explore. I need to be out of my comfort zone. Oras na rin siguro to. Kaya kahit manginginig ako pagtayo ko ng stage, tatapusin ko ang sinimulan ko. "Desisyon ko pong sumali na talaga at wag nang kumontra. Baka ito na po yung oras para mawala na ang hiya ko. Hehe.." I laughed at the end to enlighten her mood. Para payagan rin ako. Ilang minuto pa muna bago sya tuluyang tumango at lumapit sakin. "Okay nak. I'll support you whatever you want to do..." "Salamat po Ma.." malaking puntos ang pagpayag ni Mama sa pagsali ko sa unang patimpalak na sinalihan ko sa tanang buhay ko. Akala ko noon hinding hindi mangyayari sakin ang ganitong bagay. Pero ngayon, gosh!. Iniisip ko palang ang dami ng tao sa aking harapan plus si Jaden sa aking likuran. Damn!. Mawawalan ako ng hininga neto. Gabi palang, kinakabahan na ako. Anong gagawin kong talent?. Kakayanin ko kayang humarap sa napakaraming tao?. Mawawala ba ang hiya ko kung itutuloy ko ang pagsali?. Ang daming halo halong tanong ang gumugulo saking isipan. Puro balikwas ang nangyari sakin sa loob ng tatlong oras. Alas dose na ng madaling araw nang makaramdam ng antok ang diwa ko. Maya maya. Tumunog ang walang hiyang alarm clock. Pikit mata ko itong kinapa saka pinatay. Tumalukbong at pumikit muli. Nasa kalagitnaan na ako ng paghulog sa malalim na tulog nang may malakas na kumatok. Napapikit ako ng mariin sa pagbitin ng isa pang tulog. "Wake up sleepy head. Baka malate ka sa praktis nyo.." boses ni kuya Lance ang narinig ko mula sa likod ng nakasaradong pintuan. Yung kabang nawala pansamantala dahil sa himbing ng tulog, bigla nalang bumalik gamit lang ng isang pitik. Kumakabog na ng mabigat ang aking dibdib sa bawat hakbang na ginagawa patungong banyo. Praktis palang ang gagawin namin mamaya pero parang ito na talaga yung araw na simula ng pagbabago ko. Not literally change. Siguro, dito lang mahuhulma ang confidence kong matagal nagtago. "Bamby, hurry!. Kausapin ka raw ni Papa.." ang boses naman ngayon ni Kuya Mark ang kumatok. Mabilis akong nagbihis at nag-ayos. Dumiretso sa deck na kinaroroonan ng computer at mga gadget. "Good morning baby ko.." bumungad agad sakin ang mukha nyang balot na balot. "Good morning Pa.." nguso ko sa bansag nya. Matanda na ako. Tapos 'baby'?. Grabe!. Di naman na ako hinehele ni Mama, bakit baby pa?. "Ayaw mo ng baby?. Bakit anak?.. haha.." "E kasi Pa, matanda na ako. Paano nalang kapag may nakarinig na kaibigan ko o ibang tao?.." "Just like your crush?.. hmm?.." he just mouthed the word 'crush' para di marinig ni kuya Mark na abala sa kanyang laptop. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Eto yung part na pinakaayaw ko e. They always tease me about my special crush. Ugh!. "Hindi po." maikli kong sagot. Walang maisip na ibang sabihin. Nahiya ako bigla. "Narinig ko sa Mama at kuya Lance mo na kasali ka raw ng intrams?.." humigop sya sa kanyang baso habang umuusok pa ito. "Yes po.." kinakabahan ako. "Hmm.. nice to hear that. But you sure you want to join the pageant?." nag-aalala nyang himig. Alam kaai nilang lahat na sobra ang hiya ko sa ibang tao. Minsan pa sa kanila.  Tumango ako habang kagat ang labi. "Okay then. Don't mind those creepy eyes that are watching you ha. Just enjoy the show. And show what my little Bamby got!. Understand?.." Malaki ang ngiti ko sa mga sinambit nya. Binibigyan ako ng lakas ng loob. Salamat sa mga salita nya. Naging normal muli ang kabog ng dibdib ko. "Thanks Pa. Love ya.." "I love you more.." matapos nun bumaba na ako papuntang kusina at kumain. Hinintay pa ako ni Kuya Lance dahil hindi pa ako nakasapatos. Mabuti maganda ang gising ng loko. Di ako minadali. Sana rin maganda ang takbo ng buong araw ngayon. Lalo na at kasama ko pa sya. O my gosh!. Kaya ko ba to?. Kahit nasa paligid ko sya?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD