"Good mornen' beautiful girl of section B.." masiglang bati ni Winly. Umakbay pa sakin.
"Morning.." ngiti ko dito. Sabay kaming pumasok ng room. Nadatnan namin sina Joyce at Karen na nag-aayos na ng mga upuan. Sa loob ng room ang area namin ngayong week.
"Good morning J, K.." tawag nito sa dalawa. Bumati rin ang mga ito sa kanya. Nginitian lang ako ni Karen pero si Joyce, nag-iwas agad ng tingin.
Hanggang ngayon di pa rin nya ako pinapansin. Gustong gusto ko nang magtanpo sa kanya pero di ko magawa. Ano kayang dahilan nya para ipagpalit ang pagkakaibigan naming dalawa?. Nasisiguro kong mabigat nga yun tulad ng sinasabi ni Mama.
Abala kaming lahat sa paglilinis. Hanggang sa matapos ang normal routine tuwing umaga. Flag ceremony.
Umatend pa ako ng dalawang subject bago ako inexcuse ni Ace. Nagtitili pa ang iba ng makita ang mukha nyang malinis at sobrang gwapo daw. Umaalingasaw pa ang pabango.
"Good morning Ma'am. May I excuse Bamby?.." natigil ang aming guro sa ginagawang pagsusulat sa board. Tumingin ito sakin bago kay Ace. "You may go.." she muttered. Mabilis kong kinuha ang mga gamit at bastang nilagay lahat sa bag.
"Are you ready?.." tanong agad ni Ace matapos kong magpaalam sa aming guro.
Nginusuhan ko lang sya.
"Hahaha..nervous?.. Don't be. Babantayan kita Bie.." sabay ng kanyang akbay. Luminga ako. Baka may makakita. Paghinalaan na naman kami. Nang wala akong makita. Tinanggal ko ang braso nya sa aking balikat.
Di ko magawang mag-isip ng matino. Ginugulo ng maingay kong puso.
"Di ko maiwasan e.."
"Ang alin?.." lito nitong tanong na nakapagpalito rin sakin. Yung intrams ang topic namin tapos di nya gets?. What the hell Ace!.
"Ewan ko sayo.." di ko maiwasang umirap. Naiinis sa kinikilos nya. So weird!.
"Ang sarap nitong kausap.." pasaring pa nya lalo.
"Aba!. Ikaw rin naman.." pailalim akong tumingin sa kanya. Lumabi lang ito.
"Ano pa't naging magkaibigan tayo kung di pareho takbo ng utak natin?. Haha.."
humalakhak pa.
"You're acting weird lately Double A." natigilan at tinitigan nya ako. Nagtama ang aming paningin. Nakita kong kumislap ng ilang segundo ang kanyang mata.
Bakit kaya?.
"Ikaw rin Bie.." di pa rin mawala ang titig sakin. Damn eyes!. Ass!.
Di ko alam kung gano katagal na kaming nakatitig sa mata ng isa't isa. Noon ko lang narealize na may pupuntahan pala kami ng may tumikhim. Si Denise. Nakataas na ang isang kilay. Nagtatanong. Nasa likod nya naman si Jaden. Blangko ang mukhang nakatingin samin.
Juicekupo!. Bamby!. What did you do?.
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko sa naisip.
"Anong ginagawa nyo?.." muli. Nagsalita ang kontrabida. Heck!.
Palipat-palit ang mata nya saming dalawa..Magkaharap kami ni Ace. Sa gitnang gilid namin sya at sa likod naman nya si Jaden na nakatalikod na. Naglalakad patungong hall. Dumikit sa kanyang likod ang pares kong mata. Nagtataka. Nagtatanong. Kung bakit sya umalis?. Na ako rin ang mismong sumagot. Malamang di nya ako gusto. Ganun kasimple ang sagot sa tanong mo Bamby. Kaya wag ng mag-aasume. Lihim kong pinaasa at sinaktan
ang sarili kong damdamin. Mabilis magpalit ang emosyon ko pagdating sa kanya. Sa taong, kahit nasa malapit, di ko man lang maabot.
So near yet so far - my ultimate crush. Jaden Bautista.
Parang nakalutang pa rin ako hanggang ngayon. Di ko pa rin maatim ang nakita ni Jaden. Damn Ace!. Makatitig kasi. Bakit naman kasi tumitig ka rin Bamby!.
Shit!.
"Assemble.." pumalakpak na ang baklang magtuturo samin. Agad kong nilapag ang bag sa gilid ng hall. Tabi ng mga bag nila saka tumabi sa kaibigan kong weird.
"You look pale.." tumagilid sya ng kaunti tapos ibinulong ito sakin.
Pinandilatan ko lang ng mata. "Your fault."
Paismid itong tumawa. Nagsasalita na kasi yung magtuturo. Bad influence lang.
"Position. By year level. Sa harapan ang mga first year. Katabi ang second year. Sa likod ang third and forth." mabilis kaming kumilos. Kanya kanyang pumwesto.
Bumaba sya ng stage. Tiningala kami. Hawak ang baba gamit ng kanyang kamay. Nag-iisip.
Maya maya.
"Change position. Isang per year level sa harapan. Ace and Bamby sa harap. Denise and Jaden. Sa likod nila." pinalipat ang dalawa. Damn!. Paano ako ngayon kikilos neto?.
Yung iba pa naming kasama ganun rin ang ginawa.
"That's great. Then follow us.." tumunog ang radyo sa indak ng isang opm hit. Sinabayan nga namin sila hanggang sa pinaulit ulit samin. Pagod at pawis na ako ng sitahin ng nagtuturo.
"Bamby, more swag!.." hiniling ko ng oras na yun na sana higupin nalang ako ng sementong lupa. Ako pa talaga napansin nya. Suskupo!. I need oxygen now!.
Tinodo ko ang pagsayaw pero kulang pa rin anang trainor namin. Nakakapanlumo.
"Ang galing mo kanina ha.." si Ace. Inabot ang bottled water. Nakabukas na ito ng abutin ko.
"Wag mo nga akong lokohin. Di mo ba narinig yung sinabi nila kanina?.." mabigat ang loob kong sambit. Pinapanood ang ibang level na maingay sa kabilang dulo. Patuloy pa rin sa pagsayaw kahit oras na ng pahinga.
"Hinde e." sagot nya.
"Ginagawa ko naman ang lahat ng kaya ko. Pero bakit parang kulang pa rin?.."
"Maniwala ka sakin. Ang galing mo kayang sumayaw. Di lang nila nakikita dahil may iba silang pinapanood.." gusto kong maniwala. Pero paano?. Alam kong sinasabi nya lang iyon dahil kaibigan nya ako. Gustong pagaanin ang aking loob.
Mataman akong tumingin sa kanya. Nangiti sya lagi. Gwapong gwapo. Kahit pawsian na. Mabango pa rin. Kaya maraming humahanga sa kanya.
"Assemble.." tawag nila.
Ginulo nito ang buhok ko saka tinulungang tumayo.
Buong araw kaming sumayaw. At sa oras na yun. Lagi ko ring naririnig ang pangalan ko. Mali ako sa kaliwa. Sa kanan. Sa lahat. Special mention. Kaya ng matapos ang pagliligpit. Nakatungo akong lumabas ng hall.
"Bamby!.." si Kuya Mark. Bumaba mula sa kubo sa math park. Madilim na rin. Dun lang rin ako nag-angat ng tingin. Malungkot ang mukha kong nginitian sya.
"Tired?.." kinuha nya agad ang bag ko. Sinabit sa kanyang balikat. Saka ito umakbay sakin habang naglalakad.
"Sobrang pagod ha?." halakhak pa nya. Tumango ako kasabay ng pagnguso. Di ko kayang magsalita. Na-mute sa narinig sa ibang tao.
"Bamby!.." may tumawag na naman saking pangalan. Favorite name of the day.
Sabay kaming lumingon sa boses na nasa aming likuran. Si Ace pala. Sa lalim ng pag-iisip ko. Di ko maidentify kung kaninong boses ang nagsalita. Ganun kapagod ang utak, puso at damdamin ko. Warak sa pagkapahiya.
"Ace?." takang tawag ni Kuya Mark sa kanya. Marahan itong tumakbo sa gawi namin.
"Kailan ka pa nakauwi?." nang tuluyan syang nakalapit.
"Last three months pa kuya.."
"What!?.. bakit walang sinasabi to?.." turo sakin ni kuya. Taka ang bumalatay sa mukha nya. Tamad ko lang silang nginitian.
"Hehe. Baka nakalimutan nya kuya. Marami ata syang iniisip.." tinaasan ako ng kilay ni Kuya.
"Oh Jaden?. Andito ka pa?." Damn!. Bakit dumating pa sya. Gusto ko nang umuwi e.
"May praktis kami para sa intrams kuya. Kasama namin si Bamby.." diretso nyang sagot. Huminto sa mismong harapan ko.
"Ganun ba?. Pauwi na ba kayo?. Sabay na kayo samin. Tsaka, Ace. Magpakita ka kay Mama. Hatid din kita sa inyo." walang preno ang bunganga nyang magsalita. Kokontra pa sana ako pero mabilis sumang-ayon ang mga ito.
At nakasabay ko nga syang umuwi. Nasa harapan kaming pareho ni kuya. Tapos likod yung dalawa. Mismong likod ko sya.
Maging sya, isinama ni kuya Mark sa bahay. Nilampasan ang bahay nila bago samin. Ang sabi pa. Sabay nalang daw nya ihatid silang dalawa. He's so great!. Naku!. Kung alam nya lang na kulang nalang di ako huminga sa loob ng kotse nya. Baka, humiyaw na ito sa takot at kaba. Baka pa nga, pababain nalang basta sa kung saang daan kahit madilim. Ganun. Kung si Kuya Lance ang bully ng buhay ko. Sya naman ang saviour ko. Kakampi ko sa lahat ng bagay kaya kami magkasundo. Di tulad ni kuya Lance.
"Ma?.." tawag nya agad kahit nasa garahe palang kami.. Nagmadali namang lumabas si Mama. Hawak pa ang tabo at bimpo.
"Ano yun?.." agad dumapo ang mata sakin ni Mama bago sa taong sunod na lumabas ng kotse. Si Jaden at ang huli ay si Ace.
"Aa!?.." malaki ang kanyang matang bigkas. Tumawa lang naman ang tinawag nya. Tumabi ako at pinadaan sya.
"Good evening tita.." bati nya saka humalik.
"Kailan pa kayo umuwi?.." nilapag sa semento ang tabo at nilagay sa balikat ang bimpong hawak saka nya niyakap ito.
"Last three months pa po.. hehe.."
Agad kumalas si Mama sa kanya. "Ano!?. Matagal ka na palang bumalik tapos di ka man dumalaw dito?.."
"Hehe.. sorry po tita. Busy po kasi ako sa school.." paliwanag nya na malaki ang ngiti. Si Mama, di pa rin makapaniwala. Bago kasi umalis ang mga ito. Nagpaalam nang dun na sila titira sa Australia. Tapos ngayon bigla silang bumalik. Ano kayang dahilan ng pag-uwi nila?.
"Ma, andyan na ba si Bamby?.." lumabas ang bulto ni kuya Lance sa pintuan ng garahe. Nakasuot ng itim na sando at pajama habang nasa loob ng bulsa ang dalawa nyang kamay. Nakipag-apiran pa kay Jaden bago bumaling rin kay Ace.
"Ace.." nagyakapan ang dalawa.
"Kuya. Long time no see." tawa nya. Nagtawanan silang dalawa.
"Pasok na muna tayo.." si Kuya Mark. Akay si Jaden. Ako, nagpahuling pumasok. Gusto ko na sanang humilata at magpahinga sa kwarto ko. Pero pano?. Nakakahiyang iwan ang mga bisita.
"Saang school ka nag-aaral hijo?. Bakit walang tawag ang Mama mo?.." di pa nakakaupo si Ace ay nagsalita na sya.
"Sa St. Mary School tita.." mabilis tumingin sakin si Mama. Nagtataka. Nagtatanong ang mga mata.
"Classmate sya ni Jaden Ma." yun lang ang naisip kong paliwanag.
"Alam mo!?." sambit nya. Pinagdikit ko ang aking mga labi bago tumango. Sinasalubong ang madilim na nyang mata.
"Ma, wala akong oras na sabihin sa inyo.." patuloy kong paliwanag.
"Tita, wala pong kasalanan si Bamby. Busy po talaga kami sa school." singit ni Ace. Nakangiti pa rin.
"Here we go again Mark. The Ace saviour of little Bamby..." tiningala nya si kuya. Nagtawanan ang dalawa kong kapatid na lalaki kasama ni Ace at Mama. Si Jaden, pilit ang ngiti ng nagtama ang aming paningin. Damn!. Go home Jaden. Now. Ako nasasaktan sayo dito e. Out of place ka e.
Mabuti nalang at tinanong sya ni Mama. Nakahinga ako ng maluwag.
"Classmate mo sya Jaden?. Bakit ngayon lang kayo umuwi?. Kamusta praktis anak?.." sabay talaga ang tanong nito sa isang salita. Ganyan si Mama. Multitalking. Lol.
Si Jaden ang unang sumagot. Sya unang tinanong e.
"Opo tita.."
"Bakit ngayon lang kayo?.. Gabi na.."
"Kakatapos po ng praktis namin tita.."
"Ng intrams?. Kasali ka rin?.." nagtataka na naman.
"Opo tita. Kami po nila Ace at Bamby at yung kaklase naming babae.."
Napalunok ako ng marinig ang pangalan ko mula sa kayang bibig. Ang sarap pakinggan. Para itong kanta na nagpaulit ulit saking tainga.
"Really bro?.." nakataas ang mga kilay na usisa ni kuya Lance. Sakin pa nakatingin. Damn you!. Kuya....
"Oo bro." inosenteng sagot nya sa kapatid kong may double meaning na sinabi.
"Wow..kaya pala.. haha.." hagalpak nya. Nang-aasar ang tinig. Ang sarap batuhin ng malaking bato!.
"Lahat ba kayo umuwi ng Pinas, Ace?." agaw pansin ni Mama. Binabalewala ang tawa ni Lance.
"Ako lang po tita. Naiwan silang lahat duon.."
"Ha?. Anong naisip mo at bumalik ka pa dito?. Tsaka sinong kasama mo sa bahay nyo?.." si Mama yan. Ang daming tanong e.
"Mas maganda dito tita. Mahirap dun. Wala kang ibang makausap kundi sarili mo lang. Bumalik ako dito dahil andito ang buhay ko..."
"Sinong andito Ace?. Swerte nya naman. Binalikan mo pa.." si kuya Mark.
"Hehe. Mas masaya dito kumpara duon kuya. Andito ang mga kaibigan ko.."
"E di ba't mas masaya sana duon dahil kumpleto kayo ng pamilya mo?.." si kuya Lance.
"Syempre masaya kapag kumpleto kayong pamilya. Pero, di ko talaga kayang tumira dun. Di pa ako handa.."
"Kailan ka naman magiging handa?." patuloy nitong tanong. Nakikinig lang ako. Ganun din si Jaden. Si Mama. Nasa kusina. Maghahanda raw ng hapunan.
"After high school grad kuya.."
"Hmm.." sa wakas natigil na rin sa pagtatanong ang loko. Nagmukha tuloy syang abugado.