Chapter 24: Winner

1743 Words
Sa hapag na namin itinuloy ang kwentuhan. Di pa ako nagpalit kung di pa ako inutusan ni kuya Mark. "Magpalit ka na ng damit Bamby.." anya. Umakyat ako ng taas. Nagshower. Suot ang pajamang itim at malaking tshirt na pink. Ipit ang buhok sa taas. At konting wisik ng pabango. Pagbaba ko, nagtatawanan na sila. Dumiretso ako ng upo sa pagitan ng dalawa kong kapatid. Mismong harapan nya. Oh s**t!. Yung ngiti ko. Mukhang tanga. "Kain na.." ani Mama.. "Ace, sinong kasama mo sa bahay nyo?.." tanong nya. Nilalagyan ng kanin ang pinggan. Tapos inabot sakin bago nilapag. "Mga pinsan ko po tita. Si Sixto at Severino po.." Tinanguan nya ito. Yung kambal na anak ng kanyang tito. Kapatid ng Mama nya. "Hmm... kayong tatlo lang sa bahay?.." "Opo tita..." Ngumunguya kaming lahat. Di pa rin papigil sa interview si Mama. "Okay. Kung gusto mong matulog dito, may space pa sa kwarto ni Lance.." bumara ang pagkain sa lalamunan ko kaya agad kong nilagok ang juice na nakalagay na sa gilid ng aking plato. "Hehe. try ko po.." "Yon. Namiss ko nga yun Ace.." singit ni Kuya Lance. Nagtanguan pa ang dalawa. Nahiya ako bigla. Di kasi nila kinakausap si Jaden. Yumuko ako't inatupag nalang ang kumain. Nang lumipas ang oras, ang dami pang chikahan ang naganap sa pagitan nila. Ako tahimik lang. Nagulat nalang sa iniutos ni Mama. "Bamby, pakibigyan naman ng tubig si Jaden.." yung mata ko agad dumapo sa taong kaharap. Sa pagkain lang kasi ako nakatingin. Natameme sa mukha nyang nakatingin rin sakin. O!. Holysssshhhh!... Isang kurot ang naramdaman ko sa aking braso sa ilalim ng mesa. Nasa aking kanan. Dun nakaupo si Kuya Lance. Sinasabing dapat na akong gumalaw para kumuha ng tubig. Kahit nanginginig ang aking tuhod, pinilit ko pa ring tumayo ng tuwid. This is so, ugh!. I want to breathe fresh air!. Mama... Tinulak pa ako ng bahagya ni kuya Lance sa ilalim ng mesa para makausad. Di ko aakalain na ganun ang gagawin nya. Damn Bamby!. Sa ginagawa mo, mahahalata ka nga ng iba. Pumunta ako ng kusina kahit kapos ang aking hininga. Bakit naman kasi ako pa inutusan nya?. Pwede naman ang dalawa kong kapatid. Juicekupo!. Huminga muna ako ng malalim para pakawalan ang kanina pang nakakulong na kaba bago lumabas ng kusina at nagtungo ng dining. Maingat kong nilapag ang pitsel na may tubig sa harap nya bago umupo. "Thank you.." biglang naglaho ang lahat ng kaba, panlalamig at hiya ko sa pasasalamat nya. Nabura ng boses nyang sobra pa sa balong malalim. Ang lalim. Hindi peke ang ngiting iginawad ko sa kanya. Naging natural iyon nang dahil sa narinig mula dito. "Jaden.. sabay ko kayong ihatid ni Ace mamaya. Antayin nyo ako ha.." paalam ni kuya Mark. May tumawag kasi sa kanyang telepono. Kailangan daw nyang iemail ang isang part ng thesis nila sa isang kagrupo. "Sige kuya.." kay gandang pakinggan. Malamig sa pakiramdam. Parang nililipad ako kasabay ng ulap sa kalangitan. Masyado akong naaaliw sa boses nitong lumalim pagdating sakin. Grabe Bamby!. Wag kang anu dyan!.... Matapos kumain. Nagpresenta akong maghugas. Kausap pa ni Mama si Ace. Duon sa sala sila nakaupo naman ngayon. "Tulungan na kita.." isang boses anghel ang bumaba galing langit. Nagparinig sakin. Crazy me?. No!. I'm not. It's just my wild little heart!. Longing for his love and attention. Damn!. "Wag na Jaden." I stuttered. My gosh!. Fix your tongue Bamby!. Focus!. On him. Kahit sabihin kong di ko kailangan ng tulong nya, tumulong pa rin ito. Kaya ngayon, magkatabi kaming naghuhugas sa sink. At sasabihin ko ito ngayon. Not my cursed day. It's my lucky day!. Big time!... Nang ihatid ni kuya ang mga bisita. Para akong lobo na nakatakas sa kanyang tali. Naging malaya. Tinatangay ng malamig na hangin.  Kahit paulit ulit ko pang paalalahanin ang aking sarili na huwag na syang pansinin, tingnan, kausapin o gustuhin. Hindi ko pa rin ito masunod. Talo ng puso ko ang aking isip. Kapag ang puso ko na ang tumingin sa kanya. Blangko na ang aking isipan. Di na alam ang ginagawa. O ang kinikilos nya. "Handa na ba kayo?.." tanong ng aming guro. Tinitingnan kaming nag-aayos sa room. Nasa gym na ang lahat. Manonood. Kaming mga kasali nalang ang andito. Kasama ng mga taga assists. Inaayusan na ang buhok ko. Suot ang maikling shorts at isang tshirt na tinali sa bandang tyan. Two inches na heels lang ang suot kong sapatos dahil masyado na akong matangkad para isuot ang mas mataas pa. "O my!. Gurl!..." nasa bungad palang si Winly ng pintuan, humiyaw na ito. Pati tuloy si Ma'am nilingon sila. He's with Karen and Joyce. Tanging mata ko lang ang gumalaw para tingnan sila. "Ace, saan nakaupo yung bestfriend mo?.." tinawanan pa ang kanyang sinabi. Nagtanong pa sya. Kaharap na nga ako. Abnoy talaga.. Di ko maiwasang umirap sa kanya. Nginiwian pa ako kasabay ng tawa ni Ace. "Nakita mo na ba sya?.." dagdag pa ni Ace. Tapos na itong ayusan. Tumayo saking harapan. Inaayos ang numerong nakasabit sa kanyang bewang. "Muntik ko nang di makita pogi. Parang di sya si Bamby Eugenio. Sigurado akong maraming mabibigla pagtapak nya ng entablado.." maingay nitong binuksan ang pamaypay saka malakas na pumaypay kahit may electric fan. "Dati na syang maganda. Di lang iyon nakikita ng iba.." nag-init bigla ang pisngi ko. Di makita ni Ace ang nguso at kilay ni Winly na sumasayaw dahil abala pa rin ito sa damit. Khaki shorts at tshirt na kulay blue. Pareho kaming apat. "Ows!. So you mean, maganda sya para sayo ganun?.." Nag-angat sya ng tingin sakin. Kumibot ang kanyang labi bago nagsalita. "Hmm.. maganda naman talaga sya. Di ba Jaden?.." yung init ng pisngi ko, nagliyab na. Pakiramdam ko, sobrang pula pa. Humingi pa talaga ng opinyon kay Jaden. Ampusa!. Di nya ba alam ang naging epekto sakin ng ginawa nya?. O sssshhh!.... Di ako handa sa kanyang isasagot. "Maganda ba para sayo si Bamby, Jaden?.." Damn you Ace Agatep!. Ibalik kitang Australia e. Inulit pa ang tanong. Di na nga sumagot yung tao. Pikit mata kong hinintay ang kanyang sagot. Natatakot. Kinakabahan. Kabado na nga ako dahil sa intrams, dumagdag pa to. Gusto ko na tuloy tumakbo pauwi. tumalukbong sa kumot at matulog nalang. Ayoko ng ganito. Pressured. "Kakaiba sya.." yun lang ang sinambit nya bago kami tinawag sa stage. Nagsimuala na ang patimpalak pero para parin akong nakalutang. Hindi maintindihan ang nararamdaman sa huling sinabi nya. 'Kakaiba ako' malayo sa tanong ang nagng sagot nya. Di ko magets. Sa bawat paghakbang ko ng stage, ngatog lagi ang aking mga binti. Mabuti nalang at di rin ako nadapa o nautal. Maging ang pagsayaw namin ni Ace, pinuri pa ng iba. Mabilis rin natapos ang lahat at oras na para ianunsyo ang mananalo. "And the Mr. and Ms. Beauty of St Mary are... Ace and Bamby.." naghiyawan na ang mga tao matapos sabihin ang nanalo. Di ko alam ang gagawin nang marinig ang pangalan ni Ace. Totoo ba to? O nananaginip lang ako?. Wake me up please!.. "Bamby!. Bamby!. Bamby!." kantyaw ng buong section namin. Tumalon agad sila papuntang stage matapos kaming koronahan ng pinuno ng aming eskwelahan. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala. Really?!. Oh gosh!. Ako. Ang isang Bamby Eugenio lang. Nanalo?. Damn!. Para akong nanalo ng loto. Big time price!. Mayaman ako sa ngiti at tuwa ngayon. Lahat ng nakikita ko, bumabati sakin. Ganito pala ang pakiramdam ng special kang tao. Lahat hinahangaan, tinitingala at kinakawayan ka. Kahit di mo pa kakilala. "Guys picture.." si Winly ang pasimuno sa pictorial. Kaming apat ang inuna nyang kinuhanan. Matapos ay kaming dalawa ni Denise. "Congrats.." anya ng magkatabi na kami. Hindi sya nanalo pero marami syang napanalunan na special awards. Nagtaka nga ako e. "Thanks.." walang halong kaplastikan ang ngiting ipinakita ko sa kanya kahit ang kanya ay pilit lang. Halata kasi sa hulma ng kanyang labi. Kalahati lang ang ngiwi nito. Sarap sindihan ng posporo para malusaw. Plastik e. "Next, Ace pogi.." agaran pa nyang hinila ang braso ni Ace papunta sakin. Marami kasing nagpapapicture dito. "Congrats Bie.." dinikit nya ng kaunti ang bibig saking tainga saka ito sinabi. Nakiliti ako. Bwiset!. "Ayieee..." naghiyawan ang ibang nasa paligid. Siniko ko ang kanyang tagiliran dahilan para sya ay humagalpak. Mabilis kumuha ng litrato si Winly. Maging ang iba naming kaklase. "Next.." hiyaw ni Winly. Abalang tinitingnan ang litratong nasa camera. "O nasaan na yung next?.." maingay nitong tanong. Malakas ang boses nya dahil maingay nga sa stage. Buong klase namin, umakyat. May iilan pang nakiusisa. "Jaden. Ano ba!?. Nasaan ka na?.." hanap nito sa tao. Matapos makapagpicture sa grupo ng isang second year kanina ay may bigla na akong naamoy na paborito kong pabango. His scent. Damn!. Di na naman ako makakahinga neto. "Ayan na. Move closer Jaden. Anu ba!?.." padyak ng bakla. Dumikit nga sya ng ilang dipa. Oxygen please!. Ampusa Winly!. Ano to?. "Witwiw!.." may nadinig akong sumipol kasunod nuon ay hakalhak na at kantyaw nila kay Jaden. Nginitian nya ito noong una pero nang nagtagal at tumagal pa ng ilang shot si Winly, nagpaalam na ito. Dumiretso sa kumpol ng barkada. Duon mas lalo syang pinagtawanan. Di ko makuha kung bakit ganun nalang ang reaksyon ng lahat ng kaklase nyang lalaki. May gusto rin ba sya sakin?. Kung totoo ngang ganun, di ko rin alam ang gagawin. Baka mabaliw lang ako. Mga ilang tao pa ang nagpakuha ng litrato bago ang aking pamilya. "Congratulations anak.." niyakap ako ni Mama. Di pa nakuntento. Hinalikan ako sa pisngi. Ng paulit ulit. Tuwang tuwa. "Thank you Ma.." nagilid ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tears of joy. So overmwhelming.  "Congrats little bumblebie. Hehe.." nilapitan ako ni kuya Mark sabay kurot saking pisngi. Umiwas ako ng bahagya dahil masakit ang dulot ng kurot nya. "Thanks kuya.." tinanguan nya lang ako. Tumagilid papunta sa tabi ni Karen. at dun naman pumasok ang nakapamulsa kong kapatid. Ang bagal pa maglakad. Paslow motiom daw. Ampusa!. Di naman gwapo. Mukhang pusa.  "Owwwwiii... congrats to our not so little sister now. Haha.." sabay lahad ng isang kumpol ng pulang rosas sakin. My favorite. Tas humalik pa saking noo. Aba!. Himala!!. First time akong hinalikan ng loko sa mismong noo. May sakit ata ang bully. "Ang ganda mo ha.." tinukso pa ako pababa ng stage. Nakaalalay rin papuntang room. Hinawakan nya ulit yung bulaklak na binigay. Di ko mabuhat e. "Dati na. Di mo lang makita.." birit ko sa kanya. Nakatingin sa maingay pa ring mga kaklase ko. "Ehem... tumapang na. Nice. Nakatabi lang si--." matalim ko syang tinignan. Nagtaas lang ito ng kamay sabay ngisi. "O'right. Lil sis. you are gorgeous today. I'm pretty sure. He'll like you too now.." mabilis syang tumakbo matapos ibulong ito . Sana nga magustuhan nya na rin ako. Malapit na akong sumuko e. Sana naman saluhin na nya ako, hanggat di pa ako tuluyang sumusuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD