Chapter 25: Sino?

1580 Words
"Comgratulations!.." sinalubong ako ng yakap ng aming adviser pati na rin ng mga iba pa naming guro ng makapasok na ako ng room. Lihim kong pinunasan ang luhang naglandas saking pisngi. "Thank you po.." "O bat ka umiiyak?.." si Sir Pete. Nasa bandang likuran. Nakikipagtuwaan sa grupo nina Ace at Jaden. Ngumiti ako kahit yung pisngi ko, puno ng luha. Kumalas sya ng yakap sakin. Kinuha ang panyo sa bag saka pinunasan ang aking pisngi. "Hahahaha... tama na yan. Dapat nga masaya ka. Nanalo ka e.." tumatango ako habang nakangiti. Parang baliw lang. Pero siguro naranasan nyo na rin ito no?. Umiiyak na nakangiti. Patuloy na umaagos ang tubig galing saking mga mata, pababa. Nilapitan ako ni kuya Lance. Iniwan sina Ace. Nang magpaalam sakin si Maam. "Are you sad?.." kinuha ang hawak ko pang bulaklak. May binigay na supot. Nginitian ko sya. Pinapakitang di ako malungkot. "Magtsinelas ka na. Baka mamaya mamaga na yang paa mo.." tsinelas pala ang laman ng supot. Kinuha nya ito sabay lagay sa paanan ko. Pinaupo nya ako bago tinanggal ang heel na suot ko. "Ay pogi. Bakit ikaw gumagawa nyan?.." maarteng tanong ni Winly. Di na nya kasama sina Karen at Joyce. Gabi na rin kasi. "Mga torpe kasama ko e. Walang lakas ng loob.. Hahaha.." isang palo sa likod ang natanggap nya. Heto na naman sya. Mang-aasar. Lalo namang dinagdagan ng bakla ang pang-aasar nya. "Ace narinig mo yun?.." biglang sigaw nito sa kaibigan kong tumatawa pa sa sinasabi ng kanyang mga kaklase. Umalis na yata si sir Pete. Natigilan si Ace. Nalilito sa tanong. "Ang alin?.." sagot nya lang kay Winly. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti nalang. Damn Winly!. Burn please!... "E ikaw Jaden?.." lumingon sya agad samin ng tawagin sya ni Winly. Nakaupo ito. Pinapaligiran ng grupo ni Denise. Kaya pinatangkad pa ng bahagya ang kanyang ulo upang makita lang kami. Oh sorry!. "Ha?. Ano yun Winly?.." bakas sa mukha nya ang pagtataka. Nagtatanong. Nalilito. Sakin sya tumingin tapos kay Winly tapos kay Kuya tapos sakin ulit. Damn!. Mabilis kong binaling sa iba ang atensyon ko. Kita kong inilingan lamang sya ni Winly. "Di lang pala sila torpe pogi. Mga bingi pa..hahaha." minsan talaga ang hard netong bakla makalait. Wagas. Ang pinagtataka ko pa nga, ay kung bakit mabilis silang nagkasundo ni kuya Lance gayong itong kapatid ko sobra pa sa bakla ang linis. Di kaya pareho lang sila ng club?. Lol Bamby!. "Uwi na tayo. Gabi na masyado.." si Mama ang nagsalita. Nasa balikat na lahat ni kuya Mark ang mga gamit ko. Nagpaalam na ang lahat maliban sa dalawa. "Ace at Jaden, kay Lance na kayo sumabay. Winly sa kotse ka nalang nila Bamby sumakay.." deklara ni kuya Lance. Tahimik lang ako. Pinapanood ang bawat galaw ng taong nakapaligid sakin. Tamad akong magsalita dahil pagod ang buo kong katawan. Gusto ko nang matulog. "Ah.. Ma, sakin na sya sasabay. Convoy naman tayo.." agaran akong tinulak ni kuya Lance papasok sa harapan ng kanyang sasakyan. Shitty boy!. Di man lang nag-iingat. Nauntog tuloy ako. Ang sakit. Pikit mata kong hinimas ang bumbunan. Di ko na narinig kung sumang-ayon ba si Mama o hinde. Umandar na kasi ang sasakyan. Kasabay ng paghumiranda ng kabog ng aking dibdib. Kakapusin ata ako ng hininga. Di naman na unang sabay ko ng uwi kay Jaden. Pero tuwing kasama ko sya, nag-iinit ang buong paligid. Pinapawisan ako kahit malamig. Kinakabahan ako kahit wala naman syang ginagawa. Iba talaga ang epekto nito sakin. Ibang iba. Di ko matukoy kung ano. "Sorry.." Ani kuya ng nang nasa daan na kami pauwi. Traffic pa kaya medyo tumambay kami sa daan. Yung puso ko, parang traffic light. Hihinto sa kaba kapag wala sya. Tatakbo naman ng mabilis tuwing andyan sya sa paligid. Kaya nga dahan dahan akong kumilos ngayon baka kasi maaksidente ako, mabunggo, tumama ng sobra sa kanya. Mahulog at tuluyan nang mabaon sa ilalim. At maging pagmamahal na. Mas mahirap nang umiwas kapag ganun. "Congrats sa inyong tatlo.. nakakaproud kayo.." daldal pa nya kahit wala ni isa samin ang umiimik. Pare-parehong nasa labas ang tingin. Nasa likod ko si Ace. Katabi nya naman si Jaden. Mabuti nalang nag-iba sya ng upuan kundi, maliligo na talaga ako ng pawis sa kaba. Di na ulit nagsalita si kuya hanggang bahay. Pagkababa, dumiretso na akong sofa. Umupo, sumandal, pumikit at tumingala. Pagod na pagod ang aking katawan at utak. Kaso itong puso ko, buhay na buhay. Ayaw magpahinga. Maingay silang pumasok. Di ako dumilat. Hinayaan ko lang silang umupo sa kung saan. Ngayon ko lang to naexperience. Grabe ang hirap pala. Parang ayoko ng ulitin. Naiistress ako. "Nak, kumain ka muna bago matulog.." humawak pa sya saking balikat. Ginigising ako. Gising naman talaga ako. Paano ako makakatulog kung yung pangpagising ko, nasa tabi tabi lang?. Suskupo!. Bakit pa kasi sinabay syang umuwi e?. Lakas mantrip talaga ng kapatid kong bully. Sarap bigyan ng isang baldeng alcohol. Pampaligo. Para maalis ang pantritrip nya. Panay pacute e. "Nak, kain na.." dinig kong sambit muli ni Mama. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalayag. Gitna ng tulog at gising. "I'm tired Ma. Kumain na kayo.." tamad ang aking boses. Wala akong ganang kumain kapag ganitong pagod ako. Kahit anong pilit pa yan o maging sino man. Walang makakapagpakain sakin. Mahabang katahimikan ang namutawi saking tainga. Walang marinig na humihinga o kaluskos sa paligid. Nasaan kaya sila?. Baka kumakain na. Maging ang halakhak ni Winly. Nawala. Biglang naglaho. Sa katamaran kong dumilat, di ko masagot ang sariling katanungan ngayon. Maya maya pa. "Bamby, dinner is set.." boses ni kuya Mark. "I'm tired kuya.." "I know.. but food is waiting.." "I heard po.. let me rest. I've lost my apettite." di na muli sya nagsalita. Dinig kong papalayo ang kanyang mga hakbang. Ilang oras pa ang nakalipas. "Bamby, di ka kakain?. Chicken adobo pa naman ulam.." boses naman ngayon ni kuya Lance ang humirit. Pinipilit akong kumain. Kahit konti. Chicken adobo. My favorite. "No thanks kuya.." mahabang hikab ang kumawala sakin pero biglang naputol ng dahil sa dinagdag nya. "Jaden, ikaw?. Di ka rin kakain?.." yung pikit kong mata gustong magpahinga. Biglang dumilat ng napakalaki. Diretso sa baba ni kuya Lance. Nakatingin sa harapan ko mismo. Si Jaden?. O ssssshhhh!... What the hell!... Wala sa sariling napaayos ako ng upo. Nahihiyang tumingin sa taong kaharap ng inuupuan ko. Anong ginagawa nya dyan?. Bakit di sya umalis, sumams kila kuya?. Anu ba Jaden?. Wag mo nga akong paasahin sa mga kilos mo. Baka maniwala akong posibleng maging tayo. Magkaroon ng tayo.  Mahalin kita ng todo. Mawala ang sarili ko ng dahil sayo. Damn Bamby!. Don't fool yourself!. Wake up!. Kundi pa pinitik ng kung sino man ang aking noo, nasa kanya pa rin ang aking paningin. O gosh!.. Stop glaring you fool little Bamby!. Baka mahalata ka nya. "Hindi ka rin gutom?.." si kuya Lance kay Jaden. Umupo saking tabi. "Sa bahay nalang mamaya.." nakasandal sya sa upuan. Sa armrest nakalagay ang dalawang braso. Magkahiwalay ang kanyang mga binti. Ang gwapo nyang tignan sa posisyong ganun. Di ko tuloy malunok ang sariling laway. Bumara sa aking lalamunan. Tumawa ng napakalakas si kuya. Dahilan ng pagkakaunot ng noo ko. "Bakit naman?. Nahihiya ka ba?.." kinuha ang cellphobe nya. Binuksan, tinignan tapos pinatay muli. Nilapag sa side table. Tabi ng sofa. "Hehe.." tumawa lang ang kausap. "Ngayon ka pa talaga nahiya?. Kanino ka naman biglang nahiya?. Sa kanya?. Ahahahaha.." tinuro nito ako gamit ang kanyang hintuturo. Masama ang tinging ipinukol ko sa kanya na naging dahilan pa ng hagalpak nya. "Kuya!.." di kasi tumigil e. Baka maingayan sya. Mahalata pa ako. Nakakahiya. He's making me crazy here. It's embarassing. "Ang saya nyo dito ha.." salamat naman at sumulpot ang baklang kanina ko pa gustong makita. Naupo naman sya sa kabilang tabi ko. Dumighay muna bago umayos ng upo. "O bat natahimik bigla?. Anghel ba ako?.." dagdag pa nya. "Ahahahaha.." hagalpak na naman ng kapatid ko. Hawak pa ang tyan. Namimilipit sa tuwa. Dulot ng tawa. Yung mata kong tamad dumilat kanina, nabuhayan at umikot ng ilang kilometro. Nang huminto, tumama agad sa gawi nya. Blangko ang mukhang nakatingin rin sakin. Oh Damn boy!. Why do I have crush on you?. Explain to me please. I'm gettin' crazy on you. Calm my heart boy!. Just smile and I'll chill. Palinga linga si Winly sakin at sa taong kaharap ko. Habang tumatagal, humahaba ang kanyang nguso. "Anong meron?.." anya. Nakataas na ang isang kilay. Gigisahin na naman ako neto. Iniwasan ko sya ng tingin. Sumandal at tumingala sa kisame. Makaiwas man lang. Kinakabahan na ako e. "Bat di ka kumain, Jaden?.." "Busog pa ako.." "Di nga?." "Oo, may binigay silang sandwich kanina sa backstage." "Sandwich lang nabusog ka na?. Tularan mo kaya itong si Bamby, kahit busog kumakain pa rin... hahaha..."  "Oy hindi ah.." angal ko. Di naman ako matakaw. Sadyang kapag gusto ko lang ang pagkain, duon marami akong nakakain. "Ngayon nga lang di nagutom yan e. Nabusog siguro sa mga ngiting nakita nya kanina. Lalo na ng crush nya.. Hahaha.." Fact!. Di ko mapigilang magmura sa sinambit nya. Sinuplong pa ako. Kapatid ko ba sya o hinde?. Suskupo!. Sarap sapakin. Nagtawanan silang dalawa. Nakangiti lang si Jaden pero walang tunog. Ang kapatid ko pa rin ang may pinakamalakas na boses. Sinasapawan si Winly. Di talaga ako magtataka isang araw kung magkapareho nga sila ng club. Wtf!. Di ko maimagine. "Hmm... kung ganun, kilala mo kung sino ang crush nya pogi?." Tanong ni Jaden. Tinanguan pa sya ng mabilis. Nakangisi sakin. "Sino?.." ani Winly. Na Damn! Na kay Jaden pa ang mata. Nagpapacute pa. Ampusa!. Sana higupin nalang ako ng sofa o ng kisame pataas. Sobrang init na nang pisngi ko sa hiya. Sigurado akong pulang pula na ito. "Di ko kilala e. Hahaha.." peste!. Lintek!. Ampusa!. Lahat na ng mura lumitaw na saking isipan. Nangtritrip na naman sya. Sa mismong harapan ng taong alam nyang gustong gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD