CHAPTER ONE

2214 Words
The Start. “Nathalie Dashielle Serencio, with high honors.” A wide smile formed on my lips as I stood up, waiting for my mom so we could walk together on stage. She inched closer to me and whispered, “Nak, masyado mo naman atang ginalingan. Kala ko ba 90 lang highest mo, bakit 97 ang average?” I laughed at what she said. “Mina-gic ko lang siguro, Ma?” She looked at me weirdly before shaking her head, as if alam na niyang what I was saying had no sense. Isinabit ko ang aking kamay sa kanyang balikat at sabay kaming umakyat sa entablado rito sa quadrangle ng Santander National High School. Today is our graduation ceremony. Finally! Nakapagtapos na rin ng Senior High School. Nakipagshake-hands muna kami sa mga guro who stood there on a line. Isa-isa nilang sinabit sa aking leeg ang mga medalya, medalya para sa gantimpala na With High Honors, medalya para sa aking pagkapanalo sa Quiz Bee, another medal to congratulate sa research paper ko na napili ng division at medal for perfect attendance. The ceremony didn’t last long like I had expected o di kaya’y long duration naman talaga ito at masyado lang akong na-excite. “Nath, join ka mamaya? Inom daw. Post-grad celebration,” pang-iimbita ng isa sa aking mga kaklase. I shook my head and gave them an apologetic smile. “Can’t ako today. May gig kami mamaya sa Liloan.” “Ayy, sayang naman. May ipapakilala pa naman ako sa’yo!” she exclaimed and she started walking away, laughing along. “Ayoko muna teh!” sagot ko habang natatawa na rin. Inayos ko ang mga naiwan kong folders sa room para dalhin sa bahay. Hays, I’m going to miss this institution. I spent my whole high school year dito kaya medyo nanlalambot puso ko sa thought na I’ll be transferring sa city next school year. Isinabit ko sa aking balikat ang bag at lumabas na sa silid, meeting my friends who were waiting outside kanina pa ata. “Tagal mo ha. Gaano ba karaming paper works meron ka sa room n’yo?” tanong ni Aela. Siya ang kaibigan ko na pamangkin ng may-ari ng bar sa Liloan, ang Bar de Ferrer. That’s why lagi kaming invited sa mga gigs at may kita pa kami. “De gago. Masyadong marami talagang probsets binibigay and kahit ‘di naman ako humss student, sobra-sobra rin ang essays. Kaya ayan, sobrang daming bond papers,” saad ko na nahihirapan sa paghawak ng mga folders. Sa aming magkakaibigan, ako lang ang nag-iisang under sa STEM strand. Three of them are humss and may dalawa na nasa ABM. “Akin na nga ‘yan. Graduation na graduation, pinapahirapan mo sarili mo. Saan ba si tita Lhadge?” she asked, pulling some folders off my hands. Pinauwi ko na nang una si mama since may trabaho pa siya mamaya. I just know na may handaan sa bahay, palaging effort sila kapag may gumagraduate, e. ‘Yung mga pinsan ko ay hindi man lang nag-abalang manood ng graduation ko. Well, it’s not like I showed up nung recognition day nila pero graduation is still something else! “Pinauwi ko na para makakain. May work pa mamaya,” I replied shortly. “Argh! Sakit ng paa koooo!” reklamo ni Zellie. Tumigil siya sa paglalakad para hawakan ang kanyang mga tuhod. Ang Senior High School building kasi dito sa school namin ay located sa baba, malapit sa dagat kaya’t pahirapan talaga sa paglakad pabalik sa taas. I had to go down here after the ceremony at the main campus to get my stuff. Sinabihan ko naman sila na huwag nang sumama pero nagpumilit. May crush ata sa isa sa mga kaklase ko. “Lagi ka kasing nakahiga sa kama mo. Ayan,” singhal ni Queen kahit isa rin siya sa mga humihingal sa pagod. Well, all of us are chasing our breaths actually. Matapos ang ilang minutong paghihirap, nakarating din kami sa tuktok. Nakatindig doon ang isang lalaking ‘di ko inaasahang makita ngayon. “Uy, James. Nariyan ka pala,” bungad ni Queen. Hindi man lang niya tinago ang pagka-irita sa kanyang boses. I noticed that the looks my friends gave to him were also sour. Si James kasi ang nag-iisang ex ko throughout my whole high school year. Note, EX, and that was when I was in grade seven pa. Pero nakagraduate na kami’t laha’t-lahat ay sinusundan pa rin ako nito. Naghiwalay kami sa rason na jinowa niya ang dati kong kaibigan, na hindi ko na nakakasama ngayon, behind my back. Yes, they cheated on me. Ngunit kung minamalas nga rin naman ay palagi ko siyang naging kaklase nung junior year. I was thankful na napaghiwalay na rin siya sakin nung tumuntong ako ng senior high. Kaya nga, hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin ngayon. James looked at me sternly before flashing a small smile. Ang kanyang kamay na kanina’y nakatago sa kanyang likod is now extended, may dala pa nga siyang bulaklak. “Congratulations on graduating,” saad niya. One thing about me is I’m never good at receiving any form of gifts. Na-a-awkward ako at ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Should I accept it? I think there’s no ill intention behind it naman. Medyo kakaiba lang ang kanyang pabulaklak. Tinanggap ko ang mga ito at napansin ko ang mahinang pagdaplis ng kanyang kamay sa akin. “Err,” rinig ko ang pag-ismid ni Zellie sa likod ko. Nilingon ko sila at sa tingin ko ay napansin din nila ang ginawa ni James, no matter how he tried to make it subtle. “Uy, ginagawa n’yo pa riyan? Tara na, may handaan daw sa ila ka, Nath!” Salamat nalang at dumating sina Jena at Amara rito or else it would have been really awkward. Hindi kasi sila sumama sa amin sa baba kanina kasi nakikipag-usap muna sila sa ilang mga guro sa main campus. “Uh. Thanks ulit sa flower, James! We have to go na. Congratulations on graduating din. Bye!” Mapagkakamalam siguro akong new born rapper sa bilis ng aking pagsasalita. Hindi ko na siya nilingon ulit at nagpatuloy lang sa paglakad palayo. “Feeling ko masusuka ako mhie ‘pag kaharap ko siya,” sabi ni Aela. Nagtawanan nalang kaming lahat at ipinagbalewala ang nangyari. I checked the flowers to see kung anong mga naroon. May roses, tulips, at carnations at sa gitna ay may isang card. Did he leave a message or kasali lang iyon sa mga freebies ‘pag bumibili ng bouquet? Diba lagi namang may extra greeting card iyon? Out of curiosity, I pulled the card out and saw a text. Binasa ko ito nang mahina. “I’m happy for you, Nana. Also, I miss you. I always do. -J” Grabe naman. Ganoon ba ako kaganda for him to remain hung-up sakin even though years had passed already? And mind you, we didn’t even last for a year. Siguro nga ay six months lang iyon. Plus, I think I heard na naging sila ni Ella last month. Naghiwalay na ba sila? Does he really think of me as a waiting shed na pwede niyang pagsilungan before he finds someone else? Ang kapal ha. “Anong meron sa card at sobrang kunot ng noo mo?” Jena asked as she moved closer to me. “Wala, kabullshitan lang,” nakangiwing sagot ko. We’re now walking to the highway kung saan kami papara ng tricycle papunta sa barangay Looc, kung saan kami nakatira. Nakita ko na may isang malaking trash bin sa gilid kaya’t naisipan kong itapon ang card dito pati na rin ang bouquet. “Iba ka na, my girl boss!” sigaw ni Amara habang natatawang pinagmamasdan akong pinapagpag ang kamay. “I really thought you would keep that waste, girl,” sabat ni Aela, her eyes still on the bouquet wrapper peeking out of the trash bin. “No? Ganiyan ba kababaw tingin niyo sa akin?” Once we reached the highway, nakapagpara kami agad-agad ng tricycle. Alam kasi ng buong Santander na graduation day ngayon sa Santander National High School kaya marami talaga ang nagpaparking. Nagkasya kami sa isang tricycle and Aela being the rich one of all of us, siya na ang nagbayad ng aming pamasahe. “Sa’n si mama?” tanong ko pagkarating namin sa bahay. “Umalis na. Babawi na lang daw siya mamayang hapon,” sagot ng aking pinsan na madumi pa ang gilid ng labi dahil sa chocolate cake na kinakain nito. “Eh di pwede sa hapon, aalis ako mamaya. Gig.” “Sige, baka bukas na lang. Sasabihan ko muna si tita.” I nodded in response and looked back to see my friends. Nagfefeeling shy eh ang kakapal naman ng mga mukha. Ilang beses na kaya silang nakikikain dito? “Sus, eme niyo! Come here, guys. Wait kuha muna akong plato. Upo muna kayo riyan sa may malaking mesa.” And being my closest friends, that they are, imbes na pumwesto sa sala ay pumasok sila sa aking kwarto. Napailing nalang ako at napatawa nang mahina. Kumuha ako ng average-sized plastic containers at nilagay doon ang mga ulam at kanin. Dala-dala ang anim na paper plates and six pair of utensils, pumasok na ako sa loob. Ang aking kwarto ay hindi kalakihan ngunit sapat na para samin. They are all lying on their chests sa kutson at nagbubulungan pa habang may tinitingnan ata sa cellphone ni Aela. “Guys, kain muna kayo,” saad ko dahilan para umayos sila ng upo. Kinuha ko ang mini folding-table na nakatayo sa may gilid at inayos sa tabi ng kutson saka ko nilapag ang mga pagkain. “What’s with the commotion? May bago bang scandal? Chismis?” pagtatanong ko. Umupo si Aela sa aking tabi at inakbayan ako. Dinutdot niya sa aking mukha ang screen ng kanyang cellphone at mukhang excited pa sa kanyang balita. “May bagong band ata na magpeperform mamaya. Nagmessage sa akin si tita. Sabi niya they’ll be here for the whole summer bago raw sila lumipad ulit,” she started. She’s even giggling like the information is something juicy. Ano naman kung may bagong banda? It isn’t really new para sakin. For me not to sound uninterested, I asked, “Bago lumipad ulit? Mga dayo ba sila?” Mabilis pa sa speed ng light ang pagtango ni Aela habang kumikisi-kisi na rin sa inuupuan. Kinikilig ba ito o nababaliw na? “Yes, mhie! May pic pa na sinend si tita. Di nga lang niya alam ang mga pangalan.” “Hoy! Akin ‘yung may blonde na hair, ah!” sabat ni Zellie kahit na punong-puno ang bibig nito ng pagkain. So, is this what caused the little commotion nila kanina? “Saan? Patingin?” Hinalungkat muna ni Aela ang gallery at pinakita sa akin ang picture ng mga lalaki na mukhang nasa gitna ng kanilang performance. The blonde-haired guy na inangkin ni Zellie kanina ay ang gitarista ata ng grupo. Tinitigan ko ang mukha nito. Gwapo nga pero hindi masyadong umappeal sa akin. Pero based on Zellie’s likes, he’s definitely her type. May isa pa na kulay asul ang buhok, ang drummer ng grupo. “Akin na ‘yan,” bulong sa akin ni Aela. Grabe, ano ba ito? Boyfriend for rent? Bakit may nagma-mine? For online selling ba sila? ‘Yung isa naman ay may kulay brown na buhok. May hawak itong electric guitar at kitang-kita sa mukha niya ang saya sa pagpeperform. For some reason, it made me smile because I, too, feel the same when performing on stage. Siguro, siya ang magiging crush ko sa apat. “Titig na titig ka kay kuya electric guitar, ah. Type mo?” tanong niya, her lips curving into a teasing smirk. Parang tanga talaga. “Pwede na,” sagot ko na siyang ikinasigaw niya. “Dalaga na si baby Nathalie Dashielle, mga friends!” “Huy! Hinaan mo nga boses mo and stop calling me by my real name!” Umalis siya sa aking tabi at lumapit sa apat para chikahan ata sila. Tiningnan ko nalang ulit ang litrato at pinagmasdan ang panghuling miyembro ng bagong banda. Siya ata ang vocalist. Sobrang stiff ng pagkakatayo nito based sa picture but his eyes spoke something more. Hindi man masyadong halata dahil sa kanyang tindig pero something is telling me that singing on stage is his escape. He looked free and happy pero siguro shy type kaya parang bato. I turned to look at them and saw how they yawned and stretched their bodies. Pagod at inaantok na ata pagkatapos ba naman ng ceremony kanina. “Matulog muna kayo. Ililigpit ko muna ang mga hapagkainan,” saad ko. They just nodded as a response and went to sleep. Mamayang 7 P.M. pa kami papupuntahin sa Bar De Ferrer and it’s still 2:30 in the afternoon. Marami pang oras. Kumuha ako ng plastic at doon ko nilagay ang mga paper plates. Tiniklop ko uli ang folding table at nilagay sa gilid. As I washed my hands, the image of that black-haired vocalist popped up in my mind. Hindi ko alam kung bakit pero nangingiti ako. Well, maybe I’m just looking forward to meeting them.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD