CHAPTER TWO

3206 Words
First Encounter “Ready na ba lahat?” “Jacket mo, Nath. Malamig pa naman,” “Yes, wait. Kunin ko lang cardigan ko.” “Dinig ko, e marami raw pumunta ngayon. Hindi pa nga raw nagsisimula pero packed na ang bar.” Napalingon kami kay Aela na nagsalita sa driver’s seat. Sa aming anim kasi, siya lang ang nakakuha ng lisensya at siya lang din ang merong kotse, which is what we’re also thankful of para hindi na kami nagbabayad ng pamasahe papunta sa bar whenever we have a gig. “Bakit daw?” kuryoso kong tanong. Siguro kaya ganun kasi summer na? Marami-rami na rin ang nakaluwag ng oras para gumala o di kaya ay magdiwang sa pagtatapos ngayong taon. “Siyempre, hayok sa gwapo mga tao rito. Narinig lang ‘yung rumor na may bagong boy band na magpeperform mamaya, andami na agad nagka-interes na manood. Hindi ko nga alam kung mao-offend ako or not since we’ve been performing there for so long.” Humalukipkip at ngumuso si Zellie matapos sabihin iyon. “Weh, kala mo naman wala kang crush do’n?” pangongontra ni Queen sabay tukso. Hinampas ni Zellie si Queen nang mahina sa balikat at tumawa na rin kasi totoo naman. Siguro nga ay isa siya sa mga na-eexcite makilala ang mga katrabaho namin sa Bar de Ferrer. “True. Gwapo pa naman lahat. Maybe I’ll take this as a sign na bibigyan na ako ng jowa ni Lord,” sabat ko sa kanilang dalawa. Isinandal ko ang aking ulo sa backrest ng upuan at bahagyang ngumiti habang inaalala ang mga mukha na nakita ko kanina sa litrato. “Weh? Akala mo naman kung sinong makacommit eh hindi naman kaya.” Natawa pa nga silang lahat sa pangunguntyaw ni Amara. Mga traydor talaga. “Jowa pa rin ‘yon, sissy! Diba crush mo roon ‘yung brown-haired, Nath?” Sumabay pa si Aela. She didn’t even bother hiding the teasing tone itched in her voice. “Huh? Crush mo…?” mahinang tanong ni Jena na nakaupo sa aking likod. Agad akong umayos ng upo at lumingod sa likod para tingnan siya. “Gaga, hindi ah! Imbento ‘yang si Aela. Kung may crush ako roon, it’s not him.” Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon pero nakita ko kung paano umaliwalas ang mukha ni Jena. It was as if she was relieved after hearing my answer. Hmm, suspicious. “Eh, diba! You told me earlier na siya siguro magugustuhan mo?” pang-uusisa pa ni Allen. I just shook my head and gave her an honest response, which hopefully, would help convince them that I wasn’t really into the guy. “Potential crush lang ‘yon pero wala nakacrash-out na siya. Iba na ‘yung gusto ko,” Tiningnan ko si Jena, straight at the eye and it must have worked with the way she flinched on her seat. “Bakit, Jen? Type mo?” I asked, voice with a teasing tone. I didn’t miss how she let out a shocked smile before she showed a confused expression. But the pink blush on both of her cheeks were too obvious not to be noticed. So, gusto niya nga? Hindi sumagot si Jena sa aking tanong. Ibinaling niya lang ang tingin sa bintana. I saw how her lips curved into a small smile. I have to remind myself to ask for chika from her later. “Sino ba gusto mo roon, Nath?” I thought the topic had already been dropped not until Amara asked me a question. Lahat maliban kay Aela na nagdadrive ay bumaling sa aking direksyon. Though, I saw how she subtly looked at the rear-view mirror to check my reaction. Ngumiti ako sa kanila at sumagot, “I invoke my right against self-incrimination.” “Madaya!” “Hoy, basta huwag lang ‘yung crush ko. Tanginamo.” The remaining ride was a disaster. Thankfully, we’re nearing the area kaya hindi nagtagal ang mga pangunguntyaw nilang lahat. Kakababa pa lang namin sa kotse ni Aela sa parking lot ng bar ay nakita na namin kung paano magkumpulan ang mga tao. Napansin ko rin ang bagong van na nakaparking sa tabi ng kotse ni Aela. Siguro ito na ‘yon? ‘Yong bagong band na sinasabi nila. “Excuse me.” “Padaan po.” “Hello po, can you move aside po? Yes, thank you.” It took us almost twenty minutes bago makapasok sa loob. The crowd was no joke. Sobrang daming tao na kung hindi ko lang alam na may new boy band ay aakalain kong may guest na artista ngayon! “Tangina. Ang lagkit ko na, di pa nga tayo nakakapagsimula,” reklamo ni Amara habang tinatanggal ang coat na suot nito. It’s true. ‘Yung mga pawis ng mga tao kanina’y dumikit na sa akin. Grabe ba naman ang siksikan. Checking the looks of everyone in our band, maayos pa naman kami but not innately presentable. Medyo nalukot na ang aming mga damit at may mga hairstyles na nasira na rin. Ang aming mga make-up ay unti-unting nabubura dahil sa pawis, may maliit ding smudges. In short, we need to retouch. Huminga ako nang malalim. This is one disadvantage of our part time job. We would have to deal with something like this at most once a week. But now that the new band has started attracting the general public, it looks like we would have to deal with this for a few more times. “Guys, pasok muna kayo sa wardrobe. Tawagin ko lang ang glam team. We still have an hour and a half pa naman,” bungad ni Aela pagkalabas niya sa office ng kanyang tita sa loob ng bar. Tumango kami at agad na pumasok sa wardrobe room. Sumunod naman sa pagpasok ang mga staff. Nagdodouble-time ang lahat pero I’m still glad that the results do not look rushed. Maayos pa rin ang pagkaka-style nila sa amin. Inayos ng mga ito ang aming mga buhok at make-up saka kami binigyan ng damit pamalit. Hindi na ako nagpalit sagpakat maayos pa rin naman ang suot ko. “Uyy, tapos na ba lahat? Gusto niyo ba lumabas?” Pumasok ang tita ni Aela sa loob, her eyes scanning us. Umiling ako at umayos ng upo sa harap ng salamin. “I’ll stay here, tita. Masyado kasing crowded sa labas.” “Sige, nak. Kayo ba?” Nagulat na lang ako at isa-isang tumayo ang aking mga kaibigan at lumapit kay tita. “Sama ako. Curious ako sa new band.” “Wala na, curious na rin ako.” “Puro lalaki hanap niyo, ah.” “Nagsalita?!” “Huy, iiwan niyo ‘ko?!” As much as I hated the crowds, ayaw ko rin na naiiwan mag-isa. I heaved a deep breath and stood up, following them closely behind. “Sasama ka na?” tanong ni tita. I silently nodded in response. Papunta ata kami sa isa sa mga VIP rooms dito sa bar. “Nandoon sila sa loob. It would be nice for you to get to know each other muna since you’ll be coworkers for roughly two months.” Binuksan ni tita ang pinto at inanyayahan kaming pumasok sa loob. Sa loob ay may dalawang mahabang mga sofa sa magkabilang side at maliit na glass table sa gitna. Hindi ko pa masyadong kita kung sino ang mga nakaupo roon dahil nagkukumpulan pa kami papasok sa loob. “Paparating pa lang si Sean. May hinatid daw muna sa Poblacion,” sabi ng isa sa banda nila. Nakapasok na rin ako sa silid at nakita kong tatlo lang silang nakaupo. Sitting at the side, I saw how both sides checked the others out, their eyes scanning from heads to toes. Walang nagsasalita. Tila ba’y mga mata lang nila ang gumagawa para rito. “Mga iha, ito nga pala ang Quadro Aces. Quadro Aces, ito nga pala ang Fancyx,” pakilala ni tita sa aming lahat. Nagtatanguan lang kami sa isa’t-isa, medyo awkward. Pero dahil natural naman na sa akin ang pagiging maingay at palakaibigan, despite the fact that I hate dealing with a lot of people, nauna akong magtaas ng kamay at magsalita. “Hi, I’m Nathalie. Nathalie Dashielle Serencio,” pagpapakilala ko. Isa-isa silang ngumiti. “Hello, Nath. Javier nga pala.” the blonde-haired guy stated. Siya ata ang lider ng banda base sa porma at vibe nito. Feeling ko lang naman. “Hi Nathalie! Daniel here!” masiglang bati at pagpapakilala naman nung may kulay asul na buhok. I didn’t expect him to be the jolly one kasi mukha siyang tahimik sa picture. Don’t judge the book by its cover talaga. “Nice to meet you, Nathalie Dashielle Serencio. Stephen pogi here.” Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako. Siguro ay dahil ginamit niya ang aking buong pangalan at maloko siyang nagpakilala. Ngumiti pa nga ito at nagpogi points. The rest of my friends introduced themselves one by one. “Aela, pamangkin ng may-ari hehe. So, Daniel, pwede kabang ligawa-” “Huy, mamaya na ‘yan!” Hinampas ko siya nang mahina sa braso dahilan para maputol ang kanyang pagpapakilala. Nagpout lang ito at humalukipkip. “Jena.” “Zellie, here!” “Amara.” “Queen.” “Magkatrabaho na kayo simula ngayon so I’m hoping for both bands to get along well. I have to go na. Kaya niyo na naman siguro rito, no? Naibigay ko na rin scheduled time niyo to perform. Quadro Aces, nakapagbriefing kayo kanina diba?” “Yes, Ma’am,” sagot ni Javier. “Sige-sige, una na ako.” Tumayo na si tita mula sa kanyang inuupuan at nakahanda na ring umalis. She was about to exit when she bumped into someone. “Sorry po, Ma’am,” says a guy with a low voice. Hindi ko pa makita ang mukha niya dahil nakaharang si tita. But I assume na siya ‘yung panghuling miyembro ng Quadro Aces. “Okay lang, iho. Pasok ka.” The moment he entered the room was the exact moment I felt my body freeze. I couldn’t tell whether it’s a coincidence or not but when he looked around, our eyes immediately locked. The eye contact sent an indescribable feeling to my chest. Bakit ako biglang kinakabahan? Feeling the heat rise up to my cheeks, I looked away and cleared my throat. "Tagal mo ah," bungad ni Daniel sa kanya. "Yeah. Nagpahatid pa si mama sa barangay Pasil. Akala ko hanggang Poblacion lang tapos pagkarating ko rito, nastuck pa ako sa labas sa dami ng tao." He sat beside Stephen, sitting across from me. I tried to look at anything except him. Bakit nga ba ako nahihiya? Hindi ko alam. "Pakilala ka muna, kuya." Gusto kong matawa dahil sa pabebe tone ni Amara. I can't blame her though. Kahit sino naman siguro handang maging pick me para sa poging 'to. Even me! But I still have the remaining dignity to do that. "Ah, right. Sorry." He shifted on his seat and cleared his throat. He clasped his fingers as his hands rested on his legs. Kitang-kita ko ang apple watch nito. Mayaman. "Sean. Ashton Sean, pleased to meet you," he shortly said. Hindi man lang ngumiti si pogi! Closed-off ba 'to? Tinitigan ko siya nang malala. Alam kong nakataas na ang aking mga kilay pero hinayaan ko pa rin. Bahala na kung makita niya. Papansin din naman ako, eh. Hindi rin nagtagal ay nahuli niya ang aking tingin. I was expecting him to look away but he remained staring at me with the same intensity. Aba, nakikipagkompetensya pa ata 'to. "Asus, may nagclick na ba rito? Grabe makatitig ah." Our mini staring contest broke off when we turned our heads to look at Zellie at the same time, him with a blank expression and me with a… well, burning face. Aela moved closer to me and whispered, "Type mo, no?" I unconsciously let out a laugh in response. Ewan ko ba. Nasasanay ko na ata ang sarili kong tumawa sa kahit anong sitwasyon pa iyan. "Yieee, hindi makasagot!" Agad-agad kong tinakpan ang bibig ni Allen. Sobrang laki talaga ng bunganga nito. I roamed my eyes around and checked their reactions. Ang mga kaibigan namin ay taka-takang nakatingin sa amin habang ang apat na lalaki naman sa kabila ay nasa sarili nilang mundo lamang. Mabuti naman. "Ang ingay mo," I whispered in a shouting way. "Girls! As much as I want you guys to talk more, kailangan niyo ng pumunta sa stage." Naudlot ang aming munting usapan nang pumasok si tita sa aming silid. "It's okay po, Ma'am. Marami pa naman po kaming time," sagot ni Stephen, flashing his smirk again. Tita chuckled at his response then walked closer to him, tapping his left shoulder. "'Wag niyo na ako tawaging 'Ma'am', pwede namang tita na lang din," saad niya. "Sure po, Ma'am?" "'Tita' nga, diba?" As much as I wanted to listen more, nauna na akong tumayo at naglakad palabas, my friends followed me closely behind. We walked towards the stage and arranged the instruments. Habang chinicheck ko kung nasa tono ang aking gitara, lumapit si Queen sa akin at nagtanong. "Anong meron sa inyong dalawa nung Sean? Magkaaway ba kayo? O baka naman isa siya sa mga ghinost mo rati? O ikaw ang ghinost?" I couldn't help but laugh at the series of questions. Pa'no naman 'yon mangyayari eh hindi nga kami magkakilala nung tao? "No. We just met kanina," I replied shortly and held my instrument, making myself comfortable. "Are you sure? Baka may tinatago ka, ha," pang-aasar niya pa bago siya bumalik sa kanyang pwesto. Natawa nalang akong napailing. Amara and Jena are our vocalists, ako naman ang guitarist, si Queen at Zelli ay mga drummers at si Aela sa electric guitar. The lights on the stage dims, a sign that the performance is about to start. Today is nothing special but it somehow feels like it is. The crowd below the stage is wild. Maingay, masigla, and alive. And for some reason, mas ginanahan akong magperform ngayon. Dalawang kanta lang ang kakantahin namin ngayong gabi dahil may bagong banda na dumating na magpeperform din ngayon at itong kantang ito palang ang pang-una. I let my eyes wander on the crowd, letting the beat of the music flow smoothly with my body as I strummed the guitar. Kanina ko pa nararamdamang parang may nakatingin sa akin pero hindi ko alam kung sino, hindi ko alam kung saan galing. And it seemed like God heard my question kasi sa isang iglap, I found myself staring at those pair of black orbs from a man standing at the side, sa may bartender station. He was leaning on the wall with his arms folded in front of his chest. Our eye contact lasted for a good minute. He might have realized that I was staring at him, too, because he looked away. Nagsimula rin siyang maglakad paalis leaving me dumbfounded. What the hell just happened? Natapos na lang ang pangalawang kanta ay hindi ko parin siya nakitang bumalik sa loob. Well, why am I feeling bothered, anyway? Pagkababa namin sa entablado ay pinaupo kami sa mesa na nakalaan para sa amin. "Nath, what do you want to drink?" tanong ni Aela habang sinasaulo ang mga orders ng aking mga kaibigan. "Flavored beer?" sagot ko na patanong. Flavored beer doesn't really affect me. Mataas din kasi ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako madaling nalalasing. Sa aming magkakaibigan, ako pa nga ang tagapag-alaga. Aela nodded and started walking towards the bartender station. The lights started dimming again so I braced myself for the next performance. Teka, Quadro Aces ang susunod sa amin diba? My back was facing the stage so I turned around so I could get a clearer view of them. It started with a slow strumming of the guitar. Daniel was closing his eyes as he let his fingers glide on its strings. The sound and even the sight was lovely. Kamusta na kaya si Aela? My eyes then fell on the vocalist standing in the middle. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya ngayon na kahit anong gawin ko ay napapatingin ako sa kanya. He had his eyes closed while his hands were wrapped on the microphone attached to its stand. As soon as his mouth opened, lyrics slipping smoothly and slowly from his lips, I felt my heart bloom with warmth. Sobrang ganda ng boses niya. Ang kanta ay hindi 'yung tipong kanta na madalas nating naririnig: rock, maingay at iba pa. It was mellow and gentle, hindi masakit sa tenga. As I stared at him more, my heart started beating faster than its usual pace. "Huy, nakanganga ka na!" Kung hindi lang ako binulabog ni Zellie ay baka tumulo na ang laway ko habang nakatingin kay Sean. Mapagkakamalan pa ako nitong manyak nang wala sa oras. "Huh? Talaga ba?" Mas mabilis pa sa speed of light ang pagsarado ng aking bibig at timing na naman ay dumating si Aela sa table, dala-dala ang aming mga inumin. Agad kong kinuha ang flavored beer at ininom. I'm too sober for all of these! "Hinay-hinay naman, ateng. Alam kong hindi ka nalalasing agad pero baka malunok mo na pati 'yung bote," panunuway ni Amara sa akin. Jena, who was sitting beside me, chuckled and looked at me, flashing a smirk. "Oh, ano na naman?" tanong ko sa kanya. "Hm? Wala naman," she responded slyly. Aba, huwag ako Jena! "Ano nga?" "Wala nga." "Jena, ano?" "Wala sabi." She even dared to laugh at me. Para bang natutuwa siyang asarin ako. I had no choice but to pull out this card. "Sige, sabi mo eh. What if sabihan ko si Stephen na gusto m-" "Fine! God, damn. I saw you and Sean lock eyes kanina while we were performing. I just found it cute, parang teenager in love." Aksidente kong nabulwak ang iniinom kong beer sa gulat. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa alak o sa hiya but I just know that my face feels so hot! Tawang-tawa si Jena sa reaction ko, she even choked on her drink. Merese. "Anong parang teenager in love? Teenager pa rin naman tayo?" I tried to reply despite how flushed I was. "So, you're admitting na you're in love?" "What the hell? You can't fall in love at first glance!" I sounded so defensive but I could care less. Maybe it's the liquor kicking in my system. "Pwede makiupo?" Nanlamig ang aking buong katawan nang marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran. Oh my God, what if he heard us? Sa sobrang immersed ko sa conversation namin ni Jena ay hindi ko namalayan na tapos na pala silang magperform. And I missed it! Ang lalakas siguro ng sigaw ng mga tao kanina pero hindi ko man lang narinig. I'm going to plan my revenge on Jena soon enough. Hindi ko matingnan si Sean, silang lahat ng kamiyembro niya. Umupo pa nga ito sa tabi ko na parang wala lang. Which reminds me, what was that stare for earlier? Nalove at first sight ba siya sa akin? I can’t blame him, though. Ako ito, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD