Chapter 10.10 SABAY-SABAY na bumalik ang apat sa bahay habang ako naman ang nagpresinta na kuhain ang mga naiwan gamit namin sa taas ng talampas. Magdidilim na rin at pagdating ko naman sa bahay ay nakapag-pa-apoy na si Victor. Nasa likod puno naman si Michael at Stephanie habang nag-aanlaw. Nasa taas si John upang ihanda ang pagsasalu-saluhan namin ngayon gabi. Nang matapos si Stephanie at Michael ay pinauna na ako ni Victor na magbanlaw ng katawan ko. Isinampay ko kung saan nakasampay ang basang sinuot ni Michael at Stephanie. Hindi mawala sa isipan ko na, hinahayaan na lang din talaga ni Stephanie na makita ni Michael ang hubaran niyang katawan na para bang wala na lang talaga sa kaniya, hindi ko lang alam kung naghuhubad din si Michael sa tuwing magkasabay silang maligo ni Stephan

