Chapter 10.9 SI MICHAEL lang talaga ang nakakaalam sa amin kung anong araw at buwan na ngayon, kung ilang buwan na ba kaming nanatili rito, siya lang ang matiyagang nagdaragdag ng guhit kada sa araw sa isang bahagi ng katawan ng puno. Siguro’y isang buwan na rin mahigit mula noong unang beses na napasok ko si Michael na nasundan din naman ng ilang ulit pa. Sa loob din ng mga nagdaang araw at gabi—hindi naman na nagpakita ng motibo si Victor at Stephanie sa akin, hindi man nila sa sabihin sa akin, o ipaalam sa amin ang kanilang relasyon, parang naiintindihan naman na namin na nagkakamabutihan na rin talaga silang dalawa. Mas naging malapit naman si Michael at John sa isa’t isa. Isang beses lang namin napag-usapan ulit ang pagbalik sa kabila ng isla at napagdesisyunan namin na babalik

