Chapter 8.7 NADAGDAGAN ng higit isang buwan na bilang ng guhit ang pamamalagi namin dito sa isla. Iyong araw na may nangyari sa amin ni Michael, tahimik lang siyang umakyat noon sa kwarto niya’t sinabi ko na lang sa dalawa na sumama ang pakiramdaman niya’t kailangan niyang magpahinga. Umalis ang dalawa at sila naman ang nagpunta sa kweba. Napapansin ko ang madalas na pagsasama ng dalawa’t napapansin din marahil nilang magkasama kaming dalawa ni Micheal lagi. Hindi naman ako matanong talaga o masiyasat sa ginagawa ng ibang tao kaya naman hinahayaan ko na lang sila—kung minsan din naman, silang tatlo ang magkasama at iniiwanan lang nila ako rito sa bahay. Halos higit dalawang linggo na rin kaming tumigil muna ni Victor sa paglusong lusong sa malalaking alon dahil sa dumating na bagon