Chapter 8.8 “ANONG nangyari sa’yo?!” Balisang pagkakatanong ko sa bagong lalaki na kasusulpot lang dito sa amin—dalawang bagay ang pumapasok sa isipan ko ngayon. Saan galing ang isang ‘to at kung anong nangyari sa kaniya? Bukod sa tama na hawak-hawak niya sa kaniyang tagiliran ay kapansin-pansin ang malinis niyang mukha—maayos niyang kasuotan na para bang bagong salta lamang siya sa isla na ‘to—pero kung ganoon ang iisipin ko, sadyang napakaimposible noon dahil sa tagal namin dito—wala kaming napansin na kahit na anong pangyayari sa paligid ng isla. Hinang-hina ‘tong pumaakap sa akin— “Michael! Gisingin mo si Victor, kailangan ko ang tulong niya.” Panigaw na utos ko kay Michael na halata rin sa kaniyang reaksyon ang pagkabigla nang makakita ng ibang tao bukod sa aming apat. Tumango

