Chapter 9 MADILI pa sa kapaligiran—maingay pa ang mga kuliglig sa paligid na nagbibigay sensyales na magiging maganda ang panahon ngayon araw. Malamig pa rin ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nakadilat naman na ang aking mga mata at unti-unti ko na rin binangon ang aking katawan mula sa pagkakahiga sa mahabang kahoy na upuan. Damang-dama ko ang pagkakapantal ng kahoy sa aking likuran. Nakatakip lang ang kumot sa aking kaliwang hita’t nakasabit sa kahabaan ng aking t**i ang dulo ng tela kaya hindi ‘to bumabagsak sa sahig. Ininat ko ang aking magkabilang braso’t napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Michael. Tumayo na ako’y binalabal ko muna sa ibabang parte ng aking katawan ang kumot na pinahiram sa akin ni Michael kagabi bago siya matulog. Lumapit ako sa bintana upang

