Chapter 8.5 “BAKIT parang kanina ka pa nakangiti?” “Masaya lang ako kasi—nakikita kita araw araw na masaya sa mga kasama mo. At masaya ako na masaya ka na kasama ako. Masaya ka ba?” “Syempre naman po Doc. Masayang masaya ako.” Patuloy kaming naglalakad—nauuna lang siya dalawang hakbang sa akin at pasulyap sulya siya kaya nahuhuli niya akong nakangiti sa kaniya, “…nakakasanayan ko na nga na mabuhay talaga rito. Nakalimutan ko na ‘yon mga ginagawa ko noon sa siyudad. Nakalimutan ko ‘yong maiingay na sasakyan, maiingay na mga tao, mauusok na kalsada at kung ano-ano pa pero kung minsan nananaginip ako na nasa siyudad na raw ako—at hinahanap hanap ko kayong tatlo. Lalo ka na.” “Bakit mo naman ako hahanapin. Siguro naman sa panaginip mo, iyong boyfriend mo na ‘yong kasama mo.” Sabi ko’t n

