Chapter 8.4 MAKALIPAS ang makailang subok namin—hindi pa rin talaga namin malampas-lampasan ang mga nagtataasang mga alon. Tumataob, bumabaliktad ang balsa namin. Hindi naman kami tumatama sa mga corals o sa mga bato dahil sinunod namin ang sinabi sa amin ni Michael. Ngunit dahil sa hindi pa rin naging madali sa amin ang ginagawa namin, ang mismong hampas ng malalaking alon sa aming mga katawan ang nagbibigay sakit ng katawan sa amin. Bumalik kaming dalawa sa pangpang at itinali muna ni Victor ang balsa sa pinakamalapit na puno upang hindi alunin o mawala ito sa tuwing iiwanan namin. “Kung subukan kaya natin sa kabila ng isla.” Sabi ni Victor pagkalapit niya sa aming tatlo. Binigay sa akin ni Michael ang kumot upang ibalabal sa katawan ko. “Paano tayo makakarating doon? Hindi tay

