Chapter 9.3

2233 Words

Chapter 9.3     PAGKATAPOS naming magsipagkainan ng almusal ay naghanda na rin kami kaagad upang mapunta sa kabila ng isla. Wala kaming sinasayang na oras—gusto rin naman din talaga ni John na samahan kami kahit na sariwa pa ang sugat niya. Kahit naman daw magpahinga lang siya sa bahay ng ilang araw—wala naman daw iyong pinagkaiba kung may sugat siya o wala. Nasasabik din naman sina Victor at Stephanie dahil ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lilibutin namin ang buong isla. “Nabibigla talaga ako sa mga nakikita ko rito sa lugar niyo—at sa mga gamit niyo. Noong binanggit ni Michael na meron kayong balsa, medyo napaisip ako kung gaano kalaki ‘to’t kung magkakasya ba tayong lima.” Sabi ni John habang inaalalayanan kong maglakad dahil nga hirap pa rin siyang ikilos ang katawan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD