Chapter 9.4 NAGPA-APOY muna si Victor bago kami pumasok sa loob ng kwebang sinasabi ni John. Maliwanag naman daw sa loob dahil meron mga maliliit na butas kung saan pumapasok ang liwanag ng araw—pero simula noong naubusan sila ng baterya sa mga nakuha nilang flash light ilang taon na ang nakakalipas—maaga na lang daw silang natutulog dahil wala na raw talaga silang nakikita—at nakaya niya ‘yon sa loob ng apat na taon, gabi gabi. “Wala man lang bang natuto talaga sa inyo na gumawa ng apoy?” Tanong ni Victor habang nagtatali ng tulong dahon sa dulo ng kahoy na hawak niya upang magamit namin liwanag papasok sa loob. Pumailing si John, “…noong unang buwan namin dito, meron kaming nakuhang lighter pero naubos din kaya mula noon hindi na kami nagkaroon talaga ng apoy dito. Walang kahit na

