Chapter 10 “HINDI na ako makakasama sa inyo ngayon, masakit kasi ang puson ko.” Sabi sa amin ni Stephanie habang hinahandaan niya kami ng almusal. Ikatlong araw na naming bumabalik sa kabilang parte ng isla—wala talagang naiiwanan sa amin dito sa bahay namin dahil sa malaki naman talaga ang balsa. Isa-isa niya kaming sinasalukan ng noodles na pangatlong araw na rin naming ninamannam—at ginisang sardinas. Nadala na rin namin ang mga gamit pangkusina kaya hindi na mahihirapan pa si Stephanie sa pagluto luto gamit ang parang palayok na ginawa ni Victor at Michael mula sa isang uri ng putik. Nitong mga nagdaan araw, nalalasahan na rin kasi talaga namin ang putik sa niluluto ni Stephanie dahil sa palagi itong nabababad sa init ng apoy. Kung hindi naman dumating si John, paniguradong gaga

