Chapter 10.4 NAKUHA naman na namin lahat ng mga kahon na naipon at natitira ni John sa kabila ng Isla. Hindi na muna kami bumalik para balikan ang mga ginto o subuking lapitan ang nakalubog na barko. Sa paglipas ng mga araw—bumabalik naman na paunti-unti ang lakas ni John at hindi na niya masyadong iniinda talaga ang natamo niyang sugat at hindi na rin naman namin siya natanong pa talaga tungkol sa pag-atake sa kaniya ng sinasabi niyang malaking hayop na ayon nga kay Michael ay isang oso. “Ano bang laman ng isang nito?” Tanong ni Victor sa maliit na kahon na nakalatag sa ibabaw ng mesa. Magkakasama na kami rito sa baba upang mag-almusal. Katapat ko John na katabi si Victor. Tinutulungan naman ni Michael si Stephanie sa paghahanda ng hapag. “Gun case ang isang ‘yan.” Sagot ni John, “…