Chapter 10.5 MAYROON dalawang taong natutugunan ang pangangailangan ng init ng aking katawan sa tuwing nababaliwala ni Michael ang pagpapakita ko ng motibo sa kaniyang gawin naming muli ang ginawa namin noon sa gubat. Isang buwan mahigit na rin ang lumipas at wala nang nangyari pa sa aming muli—maliban sa hinahayaan na niya akong mahalikan ko ang labi niya sa tuwing meron kaming pagkakataon dalawa ngunit hanggang doon na lang ‘yon. Ganoon pa man, hindi naman talaga nagbago ang pagtingin ko sa kaniya—ang nararamdaman ko para sa kaniya. Nasa kaniya pa rin talaga ang buong atensyon ko na kailangan ko siyang alagaan at protektahan habang nandito kami sa isla kasama ang tatlo pa. Noong araw na nagsalita si John tungkol sa pagkamatay ng isa niyang kasama nabanggit niya rin sa amin na—hindi

