Chapter 10.6 “BAKA hinahanap na po nila tayo.” Mahinahong pagkakasabi ni Michael habang patuloy kong inaangkin ng halik ang kaniyang leeg. Isinandal ko ang kaniyang katawan sa mababang bubong ng kubo kung saan ko noon isinandal ang katawan ni Victor. Malayo-layo na rin naman ang balsa namin sa pangpang at hinahayaan ko lang na dalhin kami nito kung saan man naisin ng alon. Wala akong ibang iniintindi ngayon—kung ‘di ang sandaling ‘to na makasama at mailabas kong muli ang init ng nararamdaman ko para kay Michael. “Hayaan mo silang maghanap sa atin. Babalikan din naman natin sila—at huwag mo silang intindihin… dahil kaya na nila ang mga sarili nila.” Pabulong kong pagkakasagot. Napakabango’t napakalambot ng kaniyang balat. Napakasarap halik-halikan. Hindi ko na rin mapigilan ang pani

