Chapter 10.7 “GISING ka pa po ba?” Mahina’t pabulong na boses ni Michael mula sa katabing kwarto. Pumikit lang ako pero hindi talaga ako nakatulog. Naramdaman ko pa ang pag-akyat nilang apat—at naulinigan ko pang sumilip si Victor sa kwarto ko, wala naman siyang nakita sa akin dahil natakip ng kumot ang ibabang parte ng katawan ko, hindi kagaya ngayon na damang-dama ko ang malamig na ihip ng hangin sa bawat parte ng balat ng aking katawan. Hindi ko pa alam kung sasagot ako—o baka tinatamad akong makipag-usap ngayon kahit na kanino. “…goodnight po, Doc Eric. Sweetdreams.” Kasunod na mahinang boses niya pagkalipas ng ilang minutong hindi ko pagtugon sa tanong niya. “Okay. Good night, Michael.” “Gising ka pa po pala.” Sabi niya’t pinag-iisipan ko pa kung sasagot ba ako o hindi. Gus

