Chapter 1

2334 Words
CHAPTER ONE     BEEP. BEEP. BEEP! Ang paulit-ulit na pag-alarma ng orasang nakapatong sa ibabaw ng desk na katabi nitong kamang kinahihigaan ko ang patuloy na sumisira sa tulog ko! Beep. Beep. Beep! Urghs!  God damnit. Pakiramdam ko kapipikit pa lang ng mga mata ko tapos ginagambala na ako ng nakaka-bwisit na tunog na halos sinasakop nito ang loob ng buong kwarto. Beep. Beep. Beep! Kahit na takpan ko pa ng unan ang ulo ko---sumisiksik pa rin ang ingay niyo sa pinakasulok ng tainga ko. Sapalagay ko rin, kahit nasa labas ako ng kwarto ay tatagos lang sa pader ang ingay na ito. Beep. Beep. Beep! Nakasubsob pa ang mukha ko sa kobre ng kama may unang nakatakip sa aking batok nang aabutin ko na ang orasan---kinapa-kapa ko ito sa ibabaw ng desk gamit ang aking kaliwang kamay dahilan para maglaglagan ang iba pang mga nakapatong dito. Ang aking kanang kamay ay nakatakip sa aking kanang tainga---nakasundot ang aking hintuturo sa loob ng butas. At nang mahawakan ko ito ay agad ko pinatigil ang patuloy na pag-alarma nito na siya namang nagpatahimik sa mundo ko. Gusto ko pa talagang matulog. Inaantok pa ako. Kulang pa ang oras ng pagtulog ko---sanay naman ako sa puyatan talaga pero sa ngayon… hindi ko pa talaga kayang bumangon. Ramdam ko pa rin ang kabigatan ng katawan ko. Pero hindi naman basta-basta mag-aalarma ng ganoon kaagresibo ang orasan ko kung hindi ko kailangan bumangon ng maaga. Itinihaya ko ang aking katawan at ibinalik ko lang muna ang unan sa aking mukha. Kinapitan ko ang kumot at itinaas sa aking katawan. Nararamdaman ko ang malamig na temperatura tumatagos sa akin mga balat. Tskt! Mabuti pa ang alaga ko gising na gising na. Tigas na tigas na ito na parang gustong makabayo ng sariwang hiwa. Nakabukol na ito sa kumot---nakatayo, handa na sa flag ceremony. Ipinasok ko ang kaliwang palad ko---paggapang sa aking puson pababa sa aking naninigas na kahabaan. Nahuli ko kaagad ito at nahawakan. Ahhh. Piniga ko ito ng todo. Sinakal ng sobra. Nanggigil ako sa sobrang paninigas nito. Hindi ako talaga sanay matulog nang hindi nakahubad. Mas nagiging komportable ako at maayos ang tulog ko kapag wala akong suot sa aking katawan. Nasanay na ako mula pa noong bata ako. Ahhhh. Dahan-dahan kong hinihimas pataas-pababa ang kahabaan ng t—ko. Napakasarap na ehersisyo ito sa umaga. Dahil sa nakaugalian kong pagtulog ng hubad. Madalang lang talaga akong maki-sleepover sa aking mga kakilala, kaibigan o katrabaho ko sa hospital na pinagtatrabahuan ko. At kung makikitulog man ako sa kanila, pinangungunahan ko na silang—o kung sino man ang kasama ko na, kung sila o siya komportable na makatabi akong nakahubad. Kailangan kong umuwi o ‘di kayang matulog muna sa pinakamalapit na hotel. Hindi ko rin kasi gustong mapag-isipan akong mahalay. Oo, may libog ako sa katawan, lahat naman siguro ng tao pero… nasa lugar ako kung maglibog. Hindi dahil hubo’t hubad akong matulog ay… malibog na ako. Meron at meron ang hindi magiging komportable sa ganitong nakaugalian ko. Hindi ko rin naman sila masisi. Ahhhh… ahhh… sh—. Mas lalo kong napapatigas ng husto ang kargada ko. Alagang-alaga ko itong alaga ko kagaya nang pag-alaga ko sa katawan ko. Regular akong bumibisita sa gym hindi para magpaganda ng katawan kung ‘di para magkaroon ng malakas at malusog na pangangatawan. Hindi ko rin naman itatanggi na maganda talaga ang pagkakahubog ko sa katawan ko. Mula sa balikat ko, braso, sa dibdib, kompleto rin ang abdominal muscles ko, may kalaliman ang v-line shaped muscles sa magkabilang balakang ko. Matigas at pulido ang muscles ko sa magkabilang hita ko pababa sa mga binti ko. Ganun pa man, hindi ko ginagamit ang katawan kong ito para magpasikat lang o magpa-impress sa mga kababaihan o sa ibang tao. Hindi nga ako nag-upload ng wala akong suot na tops sa lahat ng mga social media accounts ko o sa mga bagay na ginagawa ko sa katawan ko. Subalit kahit naman meron akong suot na damit—hindi pa rin maiwasan na hindi mapansin ng ibang tao ang hubog kong humahapit sa tela ng bawat isinusuot ko dahilan para lapitan ako ng mga kababaihan sa mga clubs na pinapasukan ko, namin ng mga kakilala ko kapag nagkakaayaan. Hindi lang din naman siguro dahil sa kakisigan ko o ano, hindi rin naman sa pagmamayabang pero.. nakuha ko iyong itsura ni Daddy. Gwapo. Hmmmm. Aahhhhhh~ hmmmm. May kakapalan ang buhok ko. Paalong pataas. May pagkabalbon ako kaya bukod sa balbas at bigote ko, meron din akong buhok sa dibdib ko pababa sa puson ko. Sa magkabilang braso ko, hita ko at binti ko. Makapal din ang buhok ko sa malalim kong kili-kili at ganoon na rin ang bulbol ko rito sa baba. Ahhh. Uhhhhh~ Pero tinatabasan ko naman. Kaya maganda lagi usbong ng bulbol ko. Ahhhh. ahhhhh Kapag ganitong nalilibugan ako. Kung ano-ano nang kahalayaan din talagang pumasok sa isipan ko. Kung paano ko paligayahin ang babaeng nasa ilalim ko, sa ibabaw ko o sa babaeng nakatuwad sa harapan ko. Isa sa mga natatagong talent ko na hindi ko talaga pinagsasabi ay ang pagiging magaling ko sa kama—siguro. Hindi naman nawawalan talaga ng makaka-s*x, sa isang linggo hindi pwedeng wala. Trenta’y dos anyos pa lang naman ako kaya hindi ko pinipilit ang sarili ko na mahulog sa iisang babae lang muna. Wala pa ako sa stage na serysohan na talaga.  Pero—sino makapagsasabi, kung titibok man ang puso ko bukod sa pagpintig ng nasa pagitan ng ilalim ng hita ko. Ahhhhh… Hindi ko naman ipagsasawalang kibo. Susubukan ko pa rin. Sabi nga nila, kaming mga lalaki, life starts at forty. Meron pa akong walong taon. Ahhhh. uhhhhhh~ Sa awa naman ng Diyos, wala pa rin talaga akong nabubuntisan o babaeng kumatok sa pintuan ng bahay ko at nagsabi, buntis ako, ikaw ang ama. Malabo atang mangyari iyon. Kapag nalilibugan ako—nasa utak ko pa rin ang safety first. Alam ko rin naman na hindi 100% epektibo ang mga condoms na ginagamit ko—lalo na kapag nanuyot ang bulaklak ng babae habang nasa kalagitnaan ka ng kalibugan, posible na umimpis ang balat ng condom dahilan para mabutas. Damn, dami ko pa naman labasan talaga. Basta alam ko kung paano makaiwas sa disgrasya. Regular din akong bumibisita sa clinic ng kaibigan kong doctor dahil hindi ko rin masabi kung mahawa ako ng kung-ano-anong sakit. Malinis na naman ako—at pananatilihin kong ganoong ang sistema ko hanggang sa pagtanda ko. Ahhh. Uhhhh. Shi—. Mas masarap sana talaga kung palad ni nurse Joy ang hahawak sa ti—ko ngayon. Ahhhh~ Magandang babae. Magandang katawan. Nakakalibog. Pero hindi niya alam na gusto ko siyang maikama. Mabait kasi siya sa akin—pero sa lalaki kasi, walang mabait sa aring nagagalit. Pero kagaya ng sabi ko, kaya kong magpigil. Bukod kay nurse Joy, meron pang inirereto sa akin si pareng Gordon, iyong pinsan niya… lumalabas kaming dalawa, pero hindi talaga dahil sa gusto ko siya, magandang babae, masayahin… napakabata pa. Inaaya ko siyang lumabas dahil… sa totoo lang nakikita ko sa kaniya ang namayapa kong nakakababatang kapatid na babae. Napakalapit sa akin ng kapatid kong iyon… kaya hindi ko matanggap na, wala na siya. Nahinto ako sa paghimas-himas ng ari ko. Napabuntong hininga ako. Binitawan ko na’t  hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko—bigla kong naalala ang kapatid ko. Marie Vertocio. Siya ang dahilan kung bakit Doctor na ako ngayon. Criminology talaga ang unang pinasok ko pero dahil sa nangyari sa kapatid ko, naisip ko—anong maitutulong ng isang pulis kung sakaling magkaroon ng sakit ang isa ko pang kapatid. Pakiramdam ko noon, wala akong magawa, walang maitulong. Hindi ko alam kung anong sinasabi ng mga doctor noon. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Basta ang naintindihan ko lang, hindi na kaya ng sistema ng kapatid ko. Naisip ko na kung magiging isang doctor ako, marami akong matutulungan. Sa loob ng ilang taon, hindi pa ako namamatayan ng pasenyente. At gagawin ko ang lahat para makapagsalba ng buhay ng tao—dahil iyon ang tungkulin naming mga doctor. Nasanay na rin ako na tinatawag na… Dr. Eric Vertocio. Nag-iisa lang ako rito sa siyudad simula noong… maghiwalay sina Dad at Mom. Nagkaroon kasi ng kalaguyo si Papa na mas bata pa sa akin at nabuntis niya. Iyong isang kapatid ko pa ay na kay Mom at nandoon sila sa states ngayon. Si Dad, nasa Monterial. Nakausap ko na rin naman iyong, step mom ko. May anak na sila ni Dad, malapit ako sa mga bata. At nakikita ko naman, nagmamahalan din talaga sila, si Mom kasi—simula noong mawala si Marie, nawalan na rin talaga siya ng oras sa amin. Hindi na naging perpekto ang pamilya namin.   URGH! Anong oras na ba? Nawalan na rin talaga ako ng libog… pero matigas pa rin ti—ko. Ugh! Tsssk. Inalis ko ang unan sa mukha ko. Napatulala ako sa kisameng napakintab sa kulay nitong chestnut brown. Naka-on pa ang dimlights na nagbibigay na nakakaanyayang linawanag sa loob nitong malamig na kwarto. Itinagilid ko ang mukha ko upang silipin ang oras… What the f—! No… no! no! “I’m freaking nef—!” Napabalikwas ako ng bangon! “…bakit ngayon ka lang nag-alarm? What the… god! Mag-aalas siete na.” Tumayo na ako sa kama ko. Nagmadali akong lumapit sa drawer—kumuha ako ng puting boxer at kaagad kong isinuot. Halos natutumba pa ako habang isinusuot ko. Damn it I’m fu—up  late! Dinampot ko ang hinubad kong pantalon na sinuot ko kagabi. Binuksan ko ang cabinet sa harapan ko at humugot lang ako ng puting tee shirt at nagmamadali kong isinuot—habang  paika akong pumasok sa banyo dahil hindi ko pa talaga naayos ang pantalon ko. Naglagay ako ng toothpaste sa brush at nagsimulang magsipilyo habang inilalabas ko ulit ang ari ko para makaihi man lang muna. Dahil sa sobrang haba’t tigas pa rin talaga nito’y—nag-lean forward ako at nilapat ko ang kanang palad ko sa wall para diretso sa loob ng bowl ang ihi ko habang ang kaliwa ang pangbrush ko sa ngipin ko. Binuga ko ang bula mula sa bibig ko pagkatapos ko rin umihi. Pinagpag ko ang papalambot na haba nito’t pinunas ko sa kaliwang pundiyo ang ulo nito bago ko ipasok sa boxer ko. Lumapit ako sa sink. Binuksan ang gripp at nagmumog ako ng mabilis. Napatingin pa ako sa mukha ko sa salamin. Damn! Anong ‘tong nasa leeg ko? Bruise? Hinugasan ko pero ayaw mawala. Holy mother of G—kiss mark? What the f—! Now I  remember. Darn—! Bago ako umuwi---nagpalipas ako ng ulan sa isang club. Hindi ko rin kasi nadala ang sasakyan ko. Akala ko hindi magtatagal ang buhos ng ulan kaya umorder muna ako ng ilang shots. Nabasa rin kasi talaga sa biglang buhos---nagpainit na lang din muna ako. Kaso, mas lalo akong nag-init ng meron tumabi sa aking napakagandang babae--tumabi? Hindi nakasabay ko sa counter. Inaya ko sa table. Napasarap usapan namin na nauwi sa hubaran. Ughh! Napatingin ako sa pin board ko. meron maliit na paper note na nakadikit. It was an awesome night sexy, xoxo -Roxanne. Ang sulat ay meron pang bahid ng pulang marka ng lipstick. Napahimas tuloy ako ulit sa leeg ko. That explain this. Tang-ina, nasa phone ko naman siguro number niya. Tatawagan ko na lang siya ulit mamayang gabi pagbalik ko. Hindi na niya ako siguro ako ginising kanina noong umalis siya. O baka sinubukan niya pero hindi ako nagising. Ngayon alam ko na rin ang dahilan kung bakit hindi ko na-iset ang orasan ko. Masyado akong nasarapan at nagpakapagod kagabi… at nakatulog na rin ako. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Sa ngayon, wala na akong oras para mag-isip pa ng kung ano-ano. Kinuha ko ang dark-brown polo at pinatong ko sa damit ko. Kinuha ko rin ang black suit ko—at nagmadali akong lumabas ng unit ko. Lumapit ako sa elevator at panay ang pindot ko. “Bakit ang tagal? God damnit! Up you mother f—elevator! Up!” Nanggigil ako habang patuloy ako sa pagpindot-pindot. “Doc, sira po ang elevator.” Napalingon ako sa lalaking nakatayo mula sa hindi kalayuan sa akin. Si Mang Tamie, may hawak siyang map at meron hilang de gulong na timba. Nakasuot siya ng dilaw na uniporme niyang may nakasulat na maintenance. Tinuro niya sa akin ang itaas ng elevator. Damn it! Hindi ko napansin. Walang ilaw! Urgh! Nawala rin sa isipan ko na dumaan kami ni Roxanne sa fire exit kagabi habang naghahalikan. Nasa kabilang hallway pa ang isang elevator at kinakailangan ko pang umikot para makapunta roon. Mas malapit sa akin ang fire exit. God damn it! Nasa 18th floor pa man din ako. “Hindi pa rin pala nila naayos ‘to mang Tamie, isang linggo na akong umaakyat paanog sa fire exit.” Sabi ko sa kaniya habang papalapit ako sa exit. Kumibit balikat lang siya--- “…kausapin ko ang Admin mamaya pagbalik ko Mang Tamie.” Dugtong ko at lumabas na ako sa exit. Nagmadali akong tumakbo pababa habang inaayos ko ang tie sa leeg ko. Lumukso na ako nang nasa ikalawang palapag na ako. Nandito na ako sa P1 level. Kinuha ko sa bulsa ko ang susi—pinidot ko at tumunog kung saan nakaparke ang sasakyan ko. Lumapit ako. Binuksan. Kinikis ko ang mga palad ko at hinilamos ko sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang buhok ko pataas. Isinaksak ko ang susi—nang maandar ko ang makina kinabit ko na ang seatbelt. Intras ko ang sasakyan at sinumulan ko nang paandarin papalabas ng building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD