Chapter 1.2

2496 Words
CHAPTER 1.2   TUMUNOG ang phone ko at kaagad kong pindot. Inilagay ko ang earpiece sa kaliwang tainga ko. “Pre, nasaan ka na? Ikaw na lang ang hinihintay dito.” Malaking boses na nakakairita sa tainga; si Gordon. Sa dinami-dami ng makakasama sa Monterial siya pa talaga. Malibog ang gago—pero parang bakla na hindi ko maintindihan. Hindi rin naman siya nagkukwento sa akin, hindi rin naman pala ako interesado sa sasabihin niya. May syota ang loko pero usap-usapan sa hospital na may kinatatagpong iba’t ibang lalaki. Sa hospital na kami nagkakilala talaga. Walang kaso sa akin kung anong sekswalidad niya, ang hindi ko lang gusto ay ang pagiging makwento niya na kung minsan wala na sa hulog mga pinagsasabi niya may maikwento lang siya. Meron kaming dadaluhan seminar. Tinawagan ko na rin si Papa, dadalawin ko mga kapatid ko. Pero, sasaglit lang ako. “I am on my way pre. 25 minutes I’ll be there. Hindi ko na-set alarm ng orasan ko, late na akong nagising.” Hindi ko na sinakyan pa ang biro niyang ako na lang ang inaantay. Hindi naman private plane ang sasakyan namin---kung mahuhuli ako. Kailangan kong magpa-book kaagad sa susunod na flight. Binibilisan ko na ang patakbo ko—80 to 90 to 120. Pwede talaga ang mahuli ng overspeeding, buti na lang at hindi ma-traffic ngayon, hindi ko kailangan magpalit ng rota. “Dalian mo na, Doctor Ericson Vertocio. Paliparin mo na iyang sasakyan mo. Kung hindi kinakailangan mong gumastos ulit—pero kung sabagay, mayaman ka naman. Bilisan mo na rin, hinihintay ka na sa Monterial City Island.” Pangungulit niya pa rin sa kabilang linya. “Okay sige na, Doctor Gordon Ybanez at nagda-drive ako. Baka tuluyan akong hindi makasunod sa Monterial kapag naaksidente ako.” Tugon ko at pinatayan ko na siya ng tawag kahit na magsasalita pa sana siya. Mas binilisan ko pa ang pagmamaneho. Hindi ako pwedeng mawala sa seminar dahil ako ang representative at speaker ng hospital.   MONTERIAL CITY ISLAND. Isa itong malaking isla sa kung saan nakatayo ang mga nagtataasan at mga kilalang kompanya sa mula sa iba’t-ibang bansa. Dito rin talaga makikita ang mga maiimpluwensyang tao ng iba’t-ibang bansa. Kuta rin ito ng mga politicians. Pangalanan mo silang lahat, asahan mo meron silang tig-iisang resthouse sa isla. Hindi lang lugar iyon para sa mga businesses, companies o politics. Marami rin turistang nagpupuntahan doon kaya napakaraming iba’t ibang commercial establishments doon. Maraming tao ang bumibisita roon dahil sadyang napakaganda talaga ng lugar na iyon---lalo na iyong mga beaches. Parang isang maliit na bansa ang Monterial, malapit lang ito sa bansa pero hawak ito ng union ng iba’t ibang bansa. Lahat ng gusto mong puntahan ay nandoon na, Malls, Hotels, Business Establishments, Resorts, Casino, Hospitals at kung ano-ano pa. Tanging mayayamang tao lamang ang nakakarating sa lugar na ito. Ang islang ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng karagatan na may milya-milyang layo mula sa mga bansang nakapalibot dito. Sa kabila nang mabilis na harurot ng pagmamaneho ko---ligtas naman akong nakarating rito sa airport. Ilang minuto na lang at hindi na ako papasukin talaga sa departure area. Pumasok ako sa ParkYourCar. “Hanggang kailan niyo sir iiwan ang sasakyan niyo rito?” Tanong sa akin ng lalaking nasa loob ng counter na nakasuot nga white cap at magkahalong kulay asul at puti na uniporme. “Baka mamayang hapon babalik din o mamayang gabi ay nandito na ako ulit. Hindi naman ako magtatagal doon.” Sabi ko habang inilalabas ko ang wallet ko sa bulsa ko. “Okay sir, 525 pesos sa loob ng anim na oras at 120 per succeeding hour.” “Okay—I’ll deposit 2000. Just in case na matagal ako, I’ll pay extra time-consumed kung matagalan pa ako sa Monterial.” Naglabas ako ng pera sa wallet ko. Hindi ko sana talaga sana dadalhin ang sasakyan ko kung hindi lang ako late nagising. Hindi rin naman talaga ako magtatagal doon, lima hanggang anim na oras lang ako doon. Babalik na rin ako kaagad. Inabot ko sa counter ang pera at inabutan niya ako ng ticket para sa aking sasakyan. Sinabit ko na sa kanang balikat ko ang strap ng bag na tanging dadalhin ko sa isla. “Have a great time at the Island sir.” Pahabol niya pa. “Yeah… thanks.” Lumabas na ako sa ParkYourCar at nagmadali akong marating sa departure. Nakapasok pa rin naman ako.   NAKITA ko si Gordon sa bench habang pababa ako ng escalator. Kapansin-pansin na nasa baba na rin talaga lahat ng makakasabay ko sa flight---after all, baka tama nga si Gordon na… ako na lang ang hinihintay. Tumingin ako relo ko. Thirty more minutes at papasukin na kami sa plane. It’s a relief talaga nakahabol talaga ako. Inayos ko ang suit ko. Napatingin sa akin si Gordon at kumaway siya. Pormadong pormado ang loko. Nagmukha siyang business man at hindi doctor sa suot niyang black suit, blue navy tie at white polo sa loob. Tingkad ng itim ng pants niya at ganoon din ang sapatos niyang balat na kumikintab kapag tinatamaan ng liwanag. Habang papalapit ako kay Gordon meron akong napansin na dalawang lalaki sa kaliwa na nag-uusap mula sa hindi kalayuan, ang maliit na lalaki na halatang batang-bata pa, teen ager ata, nakasuot siya ng plain white pull-over poloshirt na nakabutton hanggang sa leeg niya---naka-tucked in ang polo niya sa brown trouser niya at nakasuot siya na bagong-bagong belt at… sapatos. I can tell from what he’s wearing, masyado siyang seryoso sa ginagawa niya sa buhay. Nakatalikod siya sa akin. Iyong kausap niya naman, naka-yellow printed t-shirt lang, casual shorts at pair of shoes. Mas maganda ang pangangatawan nito kaysa sa bata, pero sigurado akong parehas lang silang teen-ager. Para lang talaga silang nagbubulangan. “What took you so long?” Pamungad ni Gordon. Pinatong ko ang bag ko at umupo ako sa tabi niya. sinandal ko ang likuran ko at huminga ng malalim. Tumingin ako sa kaniya. Pangit talaga nitong isang ‘to. Lakas ng dating sa ibang kababaehan, hindi nasi-zero ang isang ‘to. Hindi talaga siya pangit—sakit lang sa mata. Magka-edad lang kami nito pero dami ng kulubot sa mukha, may uban na rin. “Hindi ba kita na inform that you’re not my mom not even a close relative? So, stop asking pre. Pagod ako.” Sarkastikong pagkakasabi ko sa kaniya. Natawa lang siya. Inismidan ko—napapagod pa ako. Napatingin ako ulit sa dalawang batang nag-uusap. “Bakit ka naman napagod?” Gaya ng sinabi ko, masalita talaga ‘to siya. Sa loob ng isang araw kaya niyang magsalita ng isang milyong salita o baka higit pa. Napakunot noo ko nang humiwalay ang lalaking nakadilaw sa bata. Sinusundan niya ito ng tingin habang papalapit sa escalator. Saan pupunta iyon? Pumaharap ang bata—ang amo ng mukha. Parang babae ang kutis. Maputi. Bakas sa itsura niya na parang nalungkot ata siya sa pag-iwan sa kaniya noong lalaking nakadilaw na kasalukyang nasa taas na. “Hey, tulog ka pa ata---” Pinatunugan niya ako ng daliri niya sa mukha ko. Inalis ko kaagad kamay niya. “Ano ba—sabi ko saiyo, pagod ako. At ano bang sinasabi mo?” Nawala sa isipan kong nagsasalita nga pala siya. “Wala, forget it. Anyway, what’s going on between you and Loraine?” napatingin ako sa kaniya—nanliit mga mata ko, then I burped, “…iw.” “What? Nadighay lang ako at walang namamagitan sa amin ng pinsan mo.” “Oh, come’on, you’ve been dating my cousin for about years, then you’re telling me walang namamagitan sa inyong dalawa?” Nasa tono niya talaga na hindi siya makapaniwala. Hinanap ko iyong bata---pero hindi ko na nakita. Umalis na rin ata. “I am not even dating her pre. I was just asking her out. Iyon lang iyon. Pinsan mo siya ‘di ba? Ask her. Mukhang wala sa mga sasabihin ko ang paniniwalaan mo.” “Dating and asking out are the same.” Eksheradong pagkakasabi niya. “Iyon ba ang sabi ng dictionary mo? Because the last time I check, breakfast and dinner… are not the same. Got that? Isa pa, I am just being kind to your cousin Loraine. I even told you, she’s just like a sister to me.” Paglilinaw ko ulit sa kaniya. Tapos parang bumubwelo siya sa sasabihin niya. “No offense dude, are you gay?” I almost drop my jaws sa tanong niya. Tumingin ako sa kaniya. Seryoso, sa lahat ng taong pwedeng magtanong sa akin niyan… sa iyo pa talaga? This guy, is really into something. “Hindi ako bakla. Pero pwede akong pumatol sa bakla Gordon. At kung sakaling sasabihin mo sa akin bakla kang gago ka…” Huminto ako---inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya, napa-atras talaga siya, pero mas inilapit ko pa mukha ko, “…titrahin kita sa mabuhok mong tumbong buong magdamag hanggang sa lumubha ang kalagayan mo at tuluyan mo nang hindi makilala ang pa sarili mo. At para hindi ka na rin magdusa pa, wawasakin ko ang butas mo—babatakin ko hanggang mahati ka sa dalawa.” Napalunok ang loko at parang hindi niya napaghandaan ang sinabi ko. Inayos ko ang pagkakaupo ko—at pinakita ko sa kaniya kung paano ko ayusin ang kargada kong nakabakat sa pantalon ko. Animal---napatingin siya sa pundiyo ko. “Pa-parang ang sakit naman ata noon… pre.” “Huwag ka mag-alala dahil sa kaibigan pa rin turing ko sa iyo. Hindi na kikita bubrotsahin basta tigilan mo lang ang pagtanong tanong sa akin ng kung ano-ano.” “A-anong dinala mo?” Seryoso? Hindi pa rin siya tapos magtanong? Gusto ata talagang magpatira nito sa akin. “t**i at bayag ko lang.” “Shit.” “What s**t?” “Nothing—since wala kang dalang iba… bukod diyan sa… does it mean babalik ka na rin kaagad dito?” “Yeah.” Nakita ko ulit ang bata—nandoon siya sa dulo. Tahimik lang ito na parang meron tinitignan sa palad nito. Hindi ko naman makita kung anong hawak niya. Napabuntong hininga ako. “What was that for?” “What that?” pagkalito kong tanong niya. “That deep and loud sigh?” Pangungusisa niya pa rin. “Wala. Lahat na lang napapansin mo. Could you please stop asking me, parang ikaw ata ‘tong bakla sa atin dalawa eh. Bakla ka ba?” “Ha? Ako bakla? Lalaki ata ‘to.” “Tshh. Whatever dude. I just don’t feel like talking right now. Okay?” “Okay. My lips are sealed.” Tinikom niya ang kaniyang labi. Pero kung uusisain pa ako ni Gordon tungkol sa pagkakabugtong ko—hindi ko rin talaga alam kung anong pumapasok sa isipan ko ngayon. Kanina pa kasi napupukaw noong bata ang atensyon ko, hindi ko alam, hindi ko masabi kung nagkita na kami noon kung saan man. At habang nakatingin ako sa kaniya ngayon, parang merong kakaiba sa kaniya—lalo pa’t parang mas malalim pa ang iniisip nito kaysa sa kaniya.   All the passengers of flight 0-53 can now enter to the plane. Please fall in line. All passengers with A1 Tickets to the left and C-D to the right. Prepare you passes. Thank you. Ang lahat po ng pasahero ng flight 0-53 ay maaari na pong makapasok sa loob ng eroplano. Kung maaari po ay pumila. Lahat ng pasaherong meron a1 tickets sa kaliwa at C-D sa kanan. Ihanda niyo po ang inyong mga pass. Salamat po. All the passengers of flight 0-53 can now enter to the plane. Please fall in line. All passengers with A1 Tickets to the left and C-D to the right. Prepare you passes. Thank you. Ang lahat po ng pasahero ng flight 0-53 ay maaari na pong makapasok sa loob ng eroplano. Kung maaari po ay pumila. Lahat ng pasaherong meron a1 tickets sa kaliwa at C-D sa kanan. Ihanda niyo po ang inyong mga pass. Salamat po.   Tinigan ko ang ticket ko. C-Pass. Unang tumayo si Gordon. At sumunod na rin ako. Inayos ko ang suot ko at binitbit ko ang bag na dadalhin ko. Laptop lang naman ang laman nito at mga ilang mga importante dokumento. Mas napansin ko na ngayon ang iba’t-ibang uri ng tao na makakasabay namin sa eroplano. Nasanay na rin naman ako sa ganitong kalakaran na sa tuwing aalis ako o may pupuntahan ako iba’t ibang uri ng tao ang aking nakakasama, nakakasabay. Kung minsan ay meron akong nakilala—nakakausap. Lumapit na kami ni Gordon sa pila. Napansin kong nasa bandang gitna ang bata at palingon-lingon pa sa kaniyang likuran—napatingin siya sa akin pero napaiwas ako sa kaniya. Nang tignan ko siya---nakatuon na siya sa hawak niyang pass. Isa-isa na kaming pumasok. Habang naglalakad kami sa hallway na kumokonekta sa departure at eroplano napatingin ako sa ibaba—sa labas, meron mga tao na nag-uusap-usap at parang meron silang malalimang diskusyunan. Habang naglalakad ako—pinagmasdan ako ang katawan ng eroplanong sasakyan namin… Nang biglang may nabunggo ako sa harapan ko at napatumba talaga ito. “I’m sorry. I’m sorry.” Napakunot ako—dahil imbes na ako ang humingi ng pasensya siya pa ang humingi ng sorry. Dinadampot niya ang mga nahulog mula sa pagkakahawak niya. Agad akong pumatunghod at tinulungan ko siya, siya iyong batang kanina ko pa tinitiganan “…sorry po talaga.” Ang lambing at hina ng boses niya. At sa mas maganda siyang pagmasdan sa malapitan. Maganda? Iyong ang tamang deskripsyon sa itsura niya. Napakakinis ng mukha—napakaamo. Na parang hindi gagawa ng masama. Parang batang anghel na ibinaba sa lupa. Mabilis kong binasa ang pangalan sa suot niyang ID. Michaelangelo Salazar – Geologist Intern Student “Ano ka ba, akong dapat humingi ng pasensya. Hindi ako natingin sa dinadaan ko.” Nakangitin kong pagkakasabi sa kaniya. Tumingin siya sa mukha ko. “Nakahinto rin po kasi ako. Sorry.” Tinulungan ko siyang makatayo. Pumayuko siya— “…sorry po ulit sir.” Tumalikod siya at nagmadaling naglakad. Sinundan ko siya ng tingin—napasilip ako ulit sa labas pero hindi ko na nakita ang mga nag-uusap usap sa baba. Inayos ko ang tindig ko. “Are you waiting for me?” Biglang tapik ni Gordon sa likuran ko. “I told you, stop asking.” Sinupladuhan ko na ang loko. “Sorry.” Pero, boses noong bata ang narinig ko sa salitang sorry ni Gordon. Huminga ako ulit ng malalim. Inakbayan ko si Gordon at—pumasok na kaming dalawa sa loob ng eroplano.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD