Chapter 2

1979 Words
CHAPTER TWO   H-43. Sa dulo pala kami uupo. Regular flight lang ito---at ito ang pinakamurang flight papunta sa Monterial. Mura na sa 12k round trip ticket. Wala rin naman akong inilabas na pera para sa seminar na ito. All expenses paid by the hospital. Kaniya-kaniya ng pwesto ang mga pasahero. Three columns, thirty rows. Nauuna si Gordon habang pahinto-hinto ako dahil sa mga nauuna sa akin pumupwesto sa kanilang uupuan. Meron limang naggagandahang stewardess ang nakatayo at tumutulong sa mga pasahero. Nakita kong kumaway sa akin si Gordon ng makarating na siya sa pwesto namin. Inangat ko ang dala kong bag para makaiwas ako sa sikip---ilang hakbang mula rito F-35, —nakita ko ang batang nabunggo ko--- pinapasok niya ang mga gamit niya sa loob ng bag niya. bigla siyang napatingin sa akin, hindi ko na rin naman naiwas ang mga mata ko dahil nahuli niya akong nakatingin ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng isang napakalambing na ngiti, lumabas ang dalawang malalim na biloy niya na nagdagdagan kaauhan sa itsura niya. Ngitian ko na lang rin siya hanggang sa malampasan ko siya. “Upuan ko iyan. Lipat ka sa kabila.” Paninita ko kay Gordon. “Seriously dude? Dito na ako sa center aisle. Ikaw na sa gitna—o kung gusto mo diyan ka sa window seat.” Hindi ako sumagot—pinakita ko sa kaniya ng ticket ko, “…damn it.” Iritang pagkakasabi niya. Wala naman siyang magawa kung ‘di ang lumipat sa tamang upuan niya. Inilapag ko na lang sa harapan ko ang bag na dala ko. Kinabit ko ang seatbelt at inayos ko ang pagkakaupo ko, “…pre matutulog na muna ako. Gisingin mo na lang ako kapag malapit na tayo sa Monterial. Kagaya mo puyat rin talaga ako. Sa hospital. It was the worst and busiest night ever.” Dagdag niya pa habang inilalagay niya ang itim na eyemask sa mukha niya. “Alam mo kahit hindi kita gisingin—kinakailangan mo pa rin gumising at isa pa hindi naman mag-stop over lang ang flight sa Monterial para lumampas ka.” Sarkastiko kong pagkakasabi—hindi na siya umimik. Inekis niya ang mga braso niya sa dibdib niya. Huminga ako ng malalim at napatingin ako sa bata… tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at magalang na tinutulungang makaupo nang maayos ang matandang pumalit sa kinauupuan niya. Kinuha niya ang bag niya at niyakap niya ito---tumingin siya sa paligid at parang naghahanap siya ng mauupuan niya. Nagkamali ba siya ng pwesto? Nang mapalingon siya sa akin—basta na lang itinaas ko ang kaliwang kamay ko at napansin niya ako. Sininyasan ko siya na meron pang bakanteng upuan dito sa row namin ni Gordon. Lumapit naman siya. Napatingin siya sa bakanteng upuan sa window at napansin ko na parang… hindi siya komportable. Hindi dahil sa makakatabi ni si Gordon, kung ‘di dahil natatakot siya, kinakabahan. Takot sa mataas na lugar ‘tong batang ‘to. Napatingin ako sa kabilang upuan, meron pang bakante at bago niya pa siya mapalingon sa kabila— “Dito ka na lang.” Kinalas ko ang seatbelt ko at tumayo… napatingin ako kay Gordon. Tinapik ko siya. “What? Nasa Monterial na ba tayo?” “Nakatulog ka na talaga noon? Hindi pa nga nakakalipad ang plane. Anyway, pwede ka bang lumipat diyan sa window seat.” “Bakit naman ako lilipat diyan? Kanina mo pa ko pinalilipat-lipat. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong katabi.” May halong pagkainis siya sa pagkakasabi niya. Hindi niya pa rin inaalis ang nakapiring sa mata niya. “Ah—umm, sige po. Hahanap na lang ako ng ibang mauupuan ko. Pasensya na po sa abala, hindi ko kasi kayang umupo sa tabi ng binata. Acrophobic.” Nahihiyang pagkakasabi nito---akmang hahakbang siya papihit sa kanan nang basta na lang hinuli ko ang kaliwang braso niya. Napatingin siya sa pagkakahawak ko sa kaniya—bumitiw naman ako kaagad. “Ano bang ingay iyan?” Tanong ni Gordon na sinilip niya ang isang mata niya. Napatingin siya sa batang nakatayo sa tabi ko. “Wala. Pwede bang lumipat ka na lang. Pakita ka naman ng kaunting kabutihan sa ibang tao. Magagawa mo ba iyon?” “Fine.” Huminga muna siya ng pagkalalim-lalim na para bang naabala ko talaga siya sa pagkakaidlip niya. Pilit niyang inaalis ang pagkakakabit ng seatbelt niya—medyo natatagalan siya. Napatingin ako sa bata, kinindatan ko siya. Gumuhit na naman ang malambing at tipid niyang mga ngiti. “Pakibilisan.” Utos ko… “I just can’t… take this off… I’m stuck for Christ sake!” Sabi niya na halos lumalabas na nga ang ugat niya sa braso niya. Kalambutan talaga nitong lalaking ‘to eh. “Ako na nga.” Inilayo ko kamay niya sa seatbelt at—Damn it. Bakit ganito? Naka-stuck. Ang hirap… nga. Pinuwersa ko para lang makalas ko. “…ang hina mo kasi. Sige na, lipat na sa kabila.” “Thank you ha?” Sarkastikong pagkakasabi niya. Tumayo siya at lumipat sa kabila. Inayos niya ang pagkakaupo niya, “…feel much more comfortable here.” “Seatbelt mo pre.” Paalala ko sa kaniya. “Hindi na—baka mamaya mahirapan pa ako ulit makaalis rito.” Binalik niya ang piring sa mata niya. Binaba niya ang sandalan, inilagay niya ang bag niya sa hita niya para siguro hindi mapansin ng attendant na lalapit sa amin. Inekis muli ang braso sa dibdib niya, “…ready to sleep again, and thank you for disturbing me guys. I really do appreciate it.” “Walang anuman kaibigan. Sige bumalik ka na sa pagtulog mo.” Sagot ko kaagad at tinapik ko pa balikat niya. “Sorry po sir.” Mahinang pagkakasabi naman ni… Michael. Sumenyas lang si Gordon ng thumbs up. Lilipat sana ako sa gitna, “…ako na po sa gitna. Hindi na lang po ako titingin sa bintana.” “Sigurado ka?” “Opo.” Umupo na ako ulit—at dumaan siya sa harapan ko, medyo nag-aalangan akong hawakan siya sa balakang niya para maalalayan siya. Hindi ko na lang hinawakan hanggang sa makaupo na siya. Kinabit niya ang seatbelt, “…thank you.” Nakatinging sabi niya sa akin. “No problem.” Sagot ko---umiwas na siya ng tingin sa akin. Inilagay niya ang bag niya sa lap niya. Pinakikiramdaman ko kung magsasalita pa siya at habang nakatingin ako sa kaniya, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kakinisan at kaputian ng balat niya sa leeg. Bigla siyang napatingin sa akin—napatitig ako sa mukha niya. Nginitian ko siya. Inayos ko na ang pagkakaupo ko. Tumingin na lang muna ako sa iba pang mga pasahero. Tahimik ang lahat at nagsimula ko nang maramdaman ang pagbaba ng temperatura dito sa loob. Mula rito, sa bandang gitna meron akong napansing isang napakagandang babae. Sobrang ganda talaga. Hindi ko lang masabi, pero parang pamilyar siya sa akin at nakita ko na siya kung saan man, hindi ko lang talaga maalala kung saan at kailan. Pero siguro ako, nakita ko na talaga ang babaeng iyan. Nakaputing polo lang siya—simple lang ang suot niya pero lumalabas pa rin ang kakaibang alindog niya kahit pa hindi ko makita iyong pang-ibaba niya. At dahil sa paglingon-lingon din siya kaya ko naiitsurahan ang mukha niya. Ganda ng mata—bilugan, tangos ng ilong. Pulang-pula ang mga labi nito. Haba ng buhok—una’t na unat. “She’s Stephanie Terence, a model. The model.” Napatingin ako sa katabi kong bata, napasulyap siya sa akin. “Oh, siya ba iyan? Naalala ko na kaya pala parang pamilyar ang itsura niya. Mas maganda siya sa personal.” Medyo nasabik ako. Marami na akong nakakasamang babae, nakikita, nakilala pero iba pa rin pala sa pakiramdam kapag celebrity. “Oo. I am a fan of here. Actually, nakapagpa-picture na ako sa kaniya kanina.” Iba rin ang ngiti sa labi niya. Big fan nga siya ng babaeng iyan. “Wow, I’m happy for you.” Sabi ko sa kaniya, tumingin ako ulit sa babaeng model, “…isa na ako sa masayang lalaki sa mundo kapag nai-date ko ang babaeng iyan. O kahit hindi na siya mukhang malabo, ordinaryong lalaki lang ako, malamang mataas standard ng mga ganyang babae. Sapat na siguro kung kahit, kagaya na lang niya—kasing sexy niya. Nakikita mo iyang katawan niya? Grabe.” Napakagat labi ako. Medyo lumalabas ang pagkapilyo ko—pilit kong sinisipat iyong mga binti niya pero hindi ko talaga makita, “…ganyang babae ang gustong-gusto nating mga lalaki. Tama ba?” “Hindi ko po alam.” Sagot niya. Medyo, nalito ako sa sinabi niya… o baka hindi niya naintindihan ang pagkakasabi ko, o pwede rin—hindi siya kagaya ng iniisip ko. Kung sabagay, itsura niya palang—mukhang napakabait na bata na ito. Hindi ko dapat siya iniimpluwensyahan ng kung ano-ano, “…you may at least ask her out. I think she will probably like you too. I know she’s single but she’s dating… I should know about that, I told you I am a fan of her. Pero may mga rumors about her and James O’brian na meron silang affair—kung meron man na hindi rin naman nila tinatanggi at hindi rin naman nila inaamin, bagay naman silang dalawa ‘cause they’re both hot and I am sure magiging best couple silang dalawa. Kilala mo iyon si James?” Tuloy-tuloy niyang pagpapaliwanag sa akin. “Nope. Sino ba iyon?” “Iyong hunk celebrity athlete.” Napatingin ako ulit sa kaniya, “…ah never mind.” Parang nakaramdam siya ng hiya. Siguro dahil sa mga nalalaman niya at sa pagiging superfanatic niya. “Para ka pa lang paparazzi niya—” Ngumisi lang siya at meron siyang kinuha sa bulsa niya, “…so, paano mo naman nasabing magugustuhan niya rin ako?” “You’re a good-looking full-grown man, not to mention your gorgeous body…” napatigil siya, napaiwas siya ng tingin sa katawan ko, “…I’m sorry, I just said… kung ano mang napapansin at nakikita ko sa iyo.” Napansin kong nakaramdaman na naman siya ng paghiya. He might sound gay, pero mas okay naman siya kumpara kay Gordon. “Am I? a good-looking? Am I gorgeous too?” Napangisi ako, “…wala pa nagsasabi sa akin ng ganiyan. Thank you.” Wala pang nagsasabi sa aking lalaki o bakla ng ganoon sa akin. Puro kasi babae ang nakakapansin sa akin talaga—na hindi ko naman talaga binibigyan pansin. Nakakatuwa lang na galing sa kaniya ang pagpuring iyon, at hindi ko alam kung bakit masaya ako na marinig iyon mula sa kaniya, at iyon ang tingin niya sa akin. Ngumiti lang siya ulit at hindi na muna ulit umimik. Tumingin pa ako sa iba pang pasahero. Hindi ko talaga napansin ang lalaking nakaupo sa dulo nitong row namin. Kanina kasi wala naman siya riyan, abala siya sa pagpindot-pindot sa laptop niya. Hindi ako magaling mamuna ng mga tao base sa kausotan nila pero masasabi ko na isang Engineer ang isang iyan. Postura pa lang—pati iyong mga daliri niyang parang hindi mapakali, na parang gustong laging meron ginagawa. Tumingin ako sa harapan—sa gitna, isang buong pamilya. Mukhang magbabakasyon sila sa Monterial. Lahat naman kami rito, meron kani-kaniyang dahilan kung bakit kami pupunta sa Monterial. Pasimple akong tumingin sa katabi ko… kahit itong batang ‘to. May rason kung bakit siya pupunta sa walang kwentang isla na iyon na napupuno ng mga ganib na mga tao. Hindi siya bagay sa lugar na iyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD