Chapter 4.2 GUSTO kong isipin na nasa loob pa rin ako ng aking kwarto, kung saan nakahiga pa rin ako sana sa napakalambot na kama nagbibigay komportableng hubarang katawan—subalit gigising pa rin pala ako sa pagpapatuloy ng bangungot na nasimulan mula pa kahapon. Maraming maiingay na huni ng ibon akong naririnig pero hindi ko pa rin dinidilat ang aking mga mata. Sa ngayon, wala pa rin akong magagawa kung ‘di ang gumising ng isang araw na naman sa isla na ‘to. Bago ko idilat ang aking mga mata’y inihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha kasabay ng pagkaka-init ng aking mga binti. Huminga ako ng malalim—nalanghap ko ang pinaka-preskong hanging maiaalok ng umaga sa akin. Pagkadilat ko nang aking mga mata’y napansin ko kaagad na nakakulob ako sa loob ng pinagsama-samang palapa ng

