TLI CHAPTER FOUR ISANG nakapahaba’t madilim na gabi. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang ganitong uri ng pakiramdaman—malayong malayo sa kaingayan ng siyudad, malayong malayo sa buhay ng gabi sa lugar na aking pinanggalingan. Napakatahimik—nakakabingging katahimikan na para bang kahit ang mga halaman sa mga puno’t gitna ng kagubatan ay mga nagsisipagtulugan na rin. Napakapaya’t banayad din ang along rumaragasa sa dalampasigang bumabasa sa mabubutil na buhangin dumudumi sa aking talampakan. Sa katunayan niyan, wala akong masyadong nakikita o naaninag na para ba akong isang bulag na pawang isang nakapakalawak lamang na kadiliman ang nasa harapan ko. Ang tanging nagsisilbing liwanag lang ngayon na dahilan para makita ko kahit paano ang kamay at talampakan ko ay ang biluga

