Chapter 3.2

2161 Words
CHAPTER 3.2     NARARAMDAMAN ko ang buhangin sa aking mukha habang tila patuloy akong tinutulak ng alon na bumabasa sa ibabang parte ng aking katawan. Dahan-dahan kong minumulat ang mga mata ko. Isang napakalawak na puting kabuhanginan ang nakikita ko—at muli akong napapikit nang maramdaman ko ang matinding pananakit ng buong katawan ko. Pinakiramdaman ko sa dulo ng aking mga daliri ang mga butil ng buhangin. Huminga ako ng malalim at pilit kong itinihaya ang sarili ko---mabilis na tumambad sa mukha ko ang matinding sikat ng araw. Kaagad kong iniharang ang kanang braso ko sa aking mukha. Pinalalakas ko muna ang katawan ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pero malinaw pa rin sa akin isipan ang pangyayari—at isa lang ang batid ko ngayon, kung nasaan man ako—buhay ako dahil nararamdaman ko pa rin ang normal na pagtibok ng puso ko. Biglang sumagi sa aking isipan ang itsura ni Michael dahilan para mapabangon ako. “Michael.” Ang unang salitang lumabas sa bibig ko. Tumingin ako sa paligid—kaagad ko namang nakita ang tatlo pang taong nakahandusay sa pangpang kagaya ko. Magkakalayo kami. Mabilis ko silang nakilala dahil sa mga suot nila. Pinilit kong tumayo—sobrang sakit ng likuran ko na para akong binugbog ng sampong demonyo. Meron kung anong pananakit, hapdi at kirot akong nararamdaman sa likuran ko, pilit kong inabot at naramdaman ko ang—tila malaking sugat. Damn it! Nagawa ko pa ring tumayo. Una kong napansin ay ang malawak na kulay asul na karagatang nasa harapan ko at mula sa hindi kalayuan ay ang mga nagtataasan at naglalakihang mga alon na unti-unting lumiliit habang lumalapit ito sa dalampasigan kung saan ako nakatayo ngayon. Napayuko ako—meron mga maliit na isda akong nakikita dahil sa linaw nito, meron ding puting starfish na ilang hakbang ang layo sa akin at pulang alimango na nagtatago sa buhangin. Sampong metro ang layo mula sa akin, nakita ko ang lifeboat na wala ng hangin na patuloy na tinutulak ng alon sa buhanginan. Pumatingala akong muli at nakita ko ang naglalakihang mga ulap na tumatawid sa asul na kalangitan. Matindi rin ang sikat ng araw na mabilis na nagpapatuyo sa basang katawan ko. Napatingin ako sa relo ko. “3:33 PM” Mahina kong pagkakabasa sa oras. Pumihit ako ng hab kang at nilingon ko ang nasa likuran ko. Nagtataasang mga puno ng niyog ang nasa bungad nitong kagubatan. Mas nangingibabaw ang kulay berde ng kapaligiran, naririnig ko rin ang malakas na paguwak ng mga ibon mula sa kaloob-looban nito, pagaspas ng mga dahon sa mga puno at halaman. Kitang-kita rin mula rito ang mga nagtataasang mga bulubunduking bato-bato na tinutubuan na rin ng iba’t-ibang uri ng mga halaman. “Nasaan ka kami? Anong lugar ito?” Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano ay nilapitan ko na ang mga kasama ko. Una akong lumapit kay Michael. Pinakiramdaman ko ang pulso niya—pumipintig pa rin ito. Binuhat ko siya at inilayo ko sa tubig. Habang buhat-buhat ko siya, hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang maamo niyang itsura. Naawa ako sa kaniya dahil sa sinapit namin pero masaya ako dahil nagawa kong mailigtas siya. Maingat ko siyang inilapag sa ilalim ng lilim ng puno ng niyog. Sunod kong nilapitan si Stephanie na nawalan lang din talaga ng malay. Binuhat ko siya—hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kaniyang napakaganda at napakatapang ng mukha. Manipis na kilay na parang ginuhit lang. mapilik mata. Matangos ang ilong at mapupulang mga labi na masasabi kong nakakapang-akit. Bahagyang nakabuka ito kaya nakikita ko ang dalawang pangunahing mga ngipin niya sa harapan. Napakaputi niya, napakakinis at—hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin sa kalusugan ng kaniyang mga dibdib. Bumubukol ang kaniyang mga u***g—wala siyang bra. Dahan-dahan ko rin siyang inilapag at itinabi kay Michael. Pinagmasdan ko muna silang dalawa. Napalingon ako sa lalaki at unti-unti na rin itong bumabangon at kagaya ko kanina, parang naninibago ito sa lugar na ito—siguro napapatanong din siya kung nasaan kami ngayon. Napatingin siya sa akin. Naglakad siya papalapit sa amin. “Anong lugar ito?” Ang inaasahan kong itatanong niya sa akin. Ngayon mas napansin ko na magkasing taas lang kami. May pagka-moreno. Kagaya ko, meron din siyang after shaved. Meron siya sugat sa kaliwang kilay niya na medyo natutuyo na rin naman. Malakas ng dating ng lalaking ‘to, matangos ang ilong, manipis na labi—mapanga. Mabuhok sa katawan kagaya ko dahil nakabukas ang unang dalawang butones ng polong suot niya. at kagaya ko rin, maganda rin ang pangangatawan ng lalaking ‘to. “Hindi ko rin alam pre. Pero isa lang ang alam ko. Buhay tayong apat.” “Yeah.” Napatingin siya sa dalawang kasama pa namin, “…kamusta sila?” “Nawalan lang sila ng malay. Maya-maya lang magigising din sila.” Napatango siya at napatingin sa nasirang lifeboat, “…salamat pala sa pagligtas sa amin.” Bigla siyang napangisi at napahimas sa baba niya. “Kamuntikan na rin tayong mamatay pre. Sinuwerte lang talaga tayo.” Nagpamaywang siya at tumingin sa kalawakan ng karagatan. “Pwede mo ba silang tignan muna? Maglalakad-lakad muna ako. Baka sakaling meron pang ibang tao na nakaligtas at napadpad din dito, kung nasaan man tayo ngayon.” “Hindi pa ‘to Monterial no pre?” Tanong niya— “Hindi.” Alam ko dahil kung Monterial ito, maraming tao ngayon rito—pero wala, kami-kami lang. at sigurado akong napakalayo pa namin sa Monterial o baka mas napalayo pa nga kami. “Bago ako nakalabas kanina sa eroplano wala na akong ibang nakita bukod sa inyong tatlo kaya malabong meron ka pang makitang nakaligtas bukod sa ating apat. Lahat sila kasaman na sa lumubog na eroplano, kakambal ko lang siguro talaga ang swerte kasi nakakita ako ng lifeboat. Buong akala ko, ako na lang talaga mag-isa at nakita ko kayong tatlo.” Sabi nito habang nakatingin sa malayo. “Susubukan ko pa rin pre.” Nagsimula na akong maglakad— “Okay ikaw ang bahala.” Narinig ko pang sabi niya, “…Victor nga pala. Ikaw?” pasigaw niyang pagpapakilala dahil medyo nakakalayo na ako. Lumingon ako sa kaniya. “Eric.” Sagot ko, sapat na para marinig niya.Tinaas ko na lang kaliwang palad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Isa-isa kong dinadampot ang lahat ng mga nakikita kong bags sa dinaraanan ko na tinangay rin ng alon dito sa pangpang. Hindi ko rin talaga sigurado kung ano itong ginagawa ko hanggang sa meron akong makitang katawan ng lalaki na nakahandusay din sa pangpang na kaagad kong nilapitan. Napahinto ako at napabagal ng paglalakad nang mapansin kong---nakadilat ang mga mata nito at namumuti na. Napailing na lang ako at napatakip ng bibig. May edad na ang lalaking ito—at base sa katawan niya, masasabi ko na lunod ang dahilan ng pagkamatay niya. Namamaga na ang buong katawan niya. Marami rin itong sugat sa braso na natuyo na lang din. Hinila ko ito at inilayo sa tubig. Tinakpan ko muna siya ng mga tuyong dahon ng mga niyog. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi na ako makatawid sa kabila dahil sa naglalakihang mga bato na nakaharang sa dadaanan ko. Hanggang dito na lang ako---tama si Victor, wala ng ibang tao pa bukod sa aming apat. At isa lang ang nasisigurado ko ngayon, napadpad kaming apat sa isang isla. Isla na napalayo sa kabihasnan at paniguradong walang ibang taong naninirahan sa lugar na ito. Huminga ako ng malalim bago ako nagdesisyong bumalik sa mga kasama ko. Habang papalapit ako sa kanila, napansin kong gising na rin si Michael at Stephanie. Nakatingin sa akin si Michael. Pagkalapit ko, binagsak ko ang tatlong bag na nakuha ko. Napansin ko na parang nabibigla pa rin si Michael, hindi pa rin siya makapagsalita. Nakaupo lang siya habang nakasandal sa puno ng niyog. “Kamusta paglalakad mo? may nakita ka bang makakatulong sa atin?” Tanong ni Victor. “Bukod sa tatlong bag na iyon, meron akong nakitang katawan ng lalaki---pero wala ng buhay.” Pagkasabi ko parang nanlambot si Stephanie at parang nadagdagan lang ang kung ano mang iniisip ni Michael ngayon. “Anong gagawin natin ngayon?” Tanong ni Victor. “Sa katawan ng lalaki? Siguro dapat nating ilibing muna. At tungkol naman sa atin, siguro kailangan natin maghintay ng tutulong sa atin. Iyon lang ang naiisip ko ngayon, malamang alam na nila kung anong nangyari sa eroplanong sinasakyan natin at sigurado nagpapakalat na sila ng rescue team para sa mga nakaligtas na kagaya natin. Makikita rin nila tayo rito.” Pagpapalakas ng loob ko sa kanila pero halata namang alam na ni Victor ang kondisyon namin ngayon. Sa totoo lang, hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko na meron tulong na naghahanap sa mga survivors na kagaya namin. Sa pagkakatanda ko, 11AM bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin, at kung hinahanap man kami dapat kanina pa kami nakita kung malapit lang ang islang ito sa pinagbagsakan ng eroplano. Dapat ngayon pa lang meron na kaming nakikitang chopper na nagpapaikot-ikot sa kalangitan. Malamang, nadala kami ng matataas na alon sa lugar na ito. Milya ang layo sa pinangyarihan ng aksidente.   NAGHINTAY pa kami ng ilang oras hanggang sa unti-unting inaagaw ng dilim ang liwanag takda para magsimula nang dumiling sa buong kapaligiran. Naramdaman kong tumabi sa akin si Michael mula sa pagkakaupo ko rito sa buhangin. Napatingin ako sa kaniya. Binigyan niya ako ng malambing niyang mga ngiti. “Sorry nga pala sa nangyari sa kaibigan mo. Kung hindi lang ako tumabi sa iyo, maililigtas mo sana siya.” Mahinahon niyang pagkakasabi. Kaagad ko siyang inakbayan at pinasandal ko siya sa braso ko. “Wala kang kasalanan sa nangyari, aksidente ang lahat at… masaya ako na ikaw ang kasama ko ngayon.” “Salamat.” Tumingin ako sa kaniya, malayo ang tingin niya, “…you were not really sure about the help you said a while ago, right?” May bahid ng pagdududa sa tono niya. Kapansin-pansin na rin naman kasi talaga. Halos na bura na rin talaga ang sinulat naming napakalaking salitang HELP sa buhangin. Dumakot siya ng buhangin sa mga palad niya. “Pero kailangan pa rin nating umasa.” “We are in the middle of no where Eric. And based on my own observation, we are in a coral island. Low land island.” Binuhos niya ang buhangin— “Ligtas ba ang lugar na ito?” “Walang lugar na ligtas.” Makahulugang sagot niya, “…but yes, this a safe island. Kung malayo man ito sa iba pang island, malabong meron mga nabubuhay na hayop sa kagubatan. Those birds, they’re all migrating birds, they don’t really stay here for long. Our only way to survive here… are those fishes. Let’s just hope na meron mga prutas na tumubo na rin sa loob ng kagubatan, it’s possible, cause those birds might brought those seed and grows up in here.” “Bakit naman ganiyan kaagad ang iniisip mo, na parang magtatagal tayo rito.” “I’m being optimistic, Doc.” Tumingin siya sa akin, “…huwag niyo na ikubli pa sa amin ni Stephanie kung anong naobserbahan niyo ng kasama pa nating lalaki. Wala sa route papuntang Monterial ang islang ito, dahil kung madadaanan ito ng mga barkong patungo sa Monterial, kanina pa tayo nakita rito. Wala rin eroplanong dumadaan sa kalangitan kanina pa, oras-oras meron eroplanong lumilipad papunta at palabas ng Monterial.” Masasabi kong hindi basta-basta ang batang ito, mas matalino pa siya sa inaasahan ko at natutuwa ako na malaman na may kasama kami… ako na kagaya niya rito sa isla. “Basta huwag ka lang mawawalan ng pag-asa.” Malambing kong hinaplos ang mukha niya at dinama naman niya ang palad ko. Pinagmamasdan niya ang mukha ko. “How could you manage yourself to be this calm?” “Kasi kailangan ko. Lalo na ngayon. Kung magiging mahina ang loob ko, paano ko pa kayo matutulungan?” Muling gumuhit ang mga ngiti sa labi niya. “Thank you for literally saving my life.” Naramdaman ko ang lambing sa boses niya. Pinaharapa ko siya sa akin. Hinawakan ko ang mga palad niya. “Ikaw ang nagbigay lakas loob sa akin para makaligtas tayo. Kaya ako ang dapat magpasalamat sa iyo.” Sabi niya—mula sa mga ngiti, muli na namang bumakas ang lungkot sa mga mata niya at bago pa siya maiyak—niyakap ko na siya. Dahan-dahan siyang kumawala sa mga yakap ko. Pinunasan niya ang nangingilid na luha sa mga mata niya. Tumango siya at tumayo. Iniwan niya muna ako---sinundan ko pa siya ng tingin. Lumapit siya sa dalawang kasama pa namin. Muli akong tumingin sa malawak na karagatang nasa harapan ko. Makakaalis din tayo rito, Michael. Sinisigurado ko iyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD