Chapter 3

2553 Words
CHAPTER THREE     PATULOY kong naririnig ang malalakas na iyakan dito sa loob ng eroplano. Kabilang na rin sa kanila si Michael na hindi ko na parang isang maliit na bata na hindi ko na kayang patahanan pa. Iba’t-ibang uri ng emosyon na binabalot ng iisang atensyon ang kinahaharap naming lahat. Papatay-patay man ang ilaw ay malinaw kong nakikita ang kaawa-awa itsura ni Michael. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata—mahigpit na nakaakap sa akin. Sinubukan kong sipatin ang aking kasamang si Gordon. Nakadikit pa rin siya sa kabilang bahagi ng eroplano dahil sa lakas ng hampas nang pagkakalaglag niya. Nakakapit siya sa mga posibleng mahawakan niya upang suportahan ang kaniyang sarili kahit na halatang nahihirapan na siya sa kalagayan niya. We are going down. We are going down. Ang paulit-ulit na naririnig namin na mas lalong nagdaragdag ng takot sa aming lahat. Hindi na mawala sa isipan ko na ito na marahil ang katapusan ko---kasama ang lahat na narito ngayon, kasama ang batang kakakilala ko pa lang. Damang-dama ko ang mas mabilis na pagbulusok ng eroplano pababa at ramdam ko ang pagbaliktad ng aking sikmura. Dama ko rin ang pakiramdam na tila nauuna nang iwanan ng kaluluwa ko ang katawan ko. We are going down. We are going down. Time of impact 3 minutes. Minuto na lang ba talaga ang natitira sa buhay ko? Hindi. Tubig ang babagsakan namin---makakalabas pa kami rito bago pa kami lamunin ng karagatan. Kailangan kong palakasin ang loob ko. Kung magpapanaig ako sa takot, hindi ko maililigtas ang batang ito, bukod sa sarili ko. Akma kong aalisin ang seat belt sa aking kinauupuan nang biglang napunit ang kabilang pader ng kabilang parte ng eroplano kung saan nakapwesto malapit si Gordon. Nagsimulang manghigop ang malakas na hangin papalabas dahilan para mas lalong lumaki ang butas---rinig na rinig ko ang malakas na ugong ng hangin sa labas. Isa-isang hinihigop papalabas lahat ng gamit rito sa loob kasama ang mga pasaherong nakaupo malapit rito. Mabilis na halos na ngalahati ang mga pasahero. Ang iba’y wala na rin mga malay sa kanilang kinauupuan at iba’y duguan na rin dahil sa mga tumatamang gamit sa kanila. We are going down. We are going down. Time of impact 2 minutes. Mahigpit na nakahawak si Gordon sa upuan pero kitang-kita kong nahihirapan na rin talaga siya at bakas sa itsura niya ang takot na maaaring mangyari sa kaniya. Tumingin siya sa akin---umiling siya at pinilit niyang iguhit ang ngiti sa mga labi niya. Mabilis ang pagtulo ng luha ko nang mapabitaw siya sa kinahahawakan niya at mabilis na hinigop papalabas ng malakas na hangin. “GORDON!” Isang malakas na panawag ko na lang sa pangalan ng kasama ko ang tanging nagawa ko. Hindi ko siya nagawang mailigtas. Wala akong nagawa. Pinikit ko muna ang aking mga mata. Niyakap ko nang mahigpit si Michael. Nakapaloob lang siya sa aking mga bisig. Damang-dama ko pa rin ang napakabilis na patuloy na pagbulusok ng eroplano pababa. We are going down. We are going down. Time of impact 56 seconds. 55. 54. 53… Nagsimula nang magbilang pababa---bilang nang segundong natitira sa mga buhay namin. Pero hindi pa rito matatapos ang buhay ko! Hindi. Pero kung ano man ang mangyari---ipinagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Five. Four. Three. Two… Hindi ko na talaga narinig ang huling bigla dahil tumama na kami sa tubig. Sa sobrang lakas ng hampas at tumama ang katawan ko sa harapang upuan.Damang-dama ko ang sakit sa aking braso at kung hindi ko yakap si Michael, malamang ang katawan niya ang tatama sa upuan. Tuminigin ako sa paligig—unti-unting pinapasok ng tubig ang loob nitong eroplano na parang barkong palubog na unti-unting nilalamon na ng karagatan. Isa-isang nilalamon ng tubig ang mga pasaherong nasa unahan. Papalapit na rin ng papalapit sa amin ang tubig. “Michael, Michael!” Iniharap ko ang mga mukha niya sa mukha ko. basang-basa na ng luha at pawis ang kaniyang maamong mukha, “…kailangan mo lakas ang loob mo. Magagawa mo ba iyon?” tinugunan niya ako ng walang-alinlangan pag-iling. “…hey, tumingin ka sa akin. May tiwala ka ba sa akin.” “Natatakot ako. Ayaw ko pang mamatay.” Akmang titingin siya sa tubig na papalapit sa amin pero hinarap kong muli ang mukha niya sa akin. “Walang mamatay sa akin. Ililigtas kita rito. May tiwala ka ba sa akin?” Isang metro na lang layo ng tubig sa amin. Mahinahon niyang itinango ang mukha niya. Pulgada na lang ang layo ng tubig--- “…hinga ng malamin. Ngayon na!” matigas at malakas na pagkakautos ko sa kaniya. Kaagad siyang kumuha ng maraming hangin hanggang sa lamunin na kami ng tubig.  Niyakap ko siya upang hindi tumama sa kaniya ang mga gamit na dinadala sa amin—napakaraming tumama sa aking kaliwang braso pero walang oras para indahin ko pa, pero nabawasan ako ng lakas dahilan para mabawasan rin ang hangin sa loob ng aking baga. Tanging ang ilaw sa compartment ang nagbibigay liwanag sa amin sa ilalim nitong tubig. Nakatingin ako sa kaniyang mga mata habang inaalis ko ang seatbelt sa aking kinauupuan—nahihirapan si Michael na alisin ang seatbelt niya. Sumenyas siya sa akin hindi niya kaya at dahil sa pwersang binibigay niya para maalis lang ang seatbelt sa kaniyang katawan ay nababawasan ang kaniyang hangin. Sininyasan ko siya ng sandali lamang. Lumangoy ko paipapabaw at meron maliit pa na parte ng eroplano ang wala pang tubig at kumuha ako ng napakaraming hangin na inipon kong lahat sa akin baga. Patuloy pa rin ang paglubog ng eroplano kaya mabilis akong sumisid pailalim—hinawakan ko ang magkabilang pisngi si Michael at mabilis kong inilapat ang mga labi ko sa labi niya upang pasahan ko siya ng hangin. Damang-dama ko sa labi ko ang kalambutan ng kaniyang mga labi na mas lalong nagpalakas ng loob ko para iligtas namin ang aming mga sarili. Lumayo ako sa kaniya at suminyas siya ng okay. Pwersahan ko kinalas ang seatbelt niya at kaagad naman siyang lumutang dahil sa suot niyang lifejacket. Nakaangat ang mga leeg namin sa nakabukas na compartment na hindi pa napapasukan ng tubig. “Kailangan nating makalabas dito, dadalhin tayo nito sa pinakailalim kung hindi tayo makakalabas dito.” Hindi ko pinapakita o pinararamdaman sa kaniya na nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko na inaalintana ang lamig ng tubig at hapdi ng sugat sa aking braso. Kailangan kong maging matapang kung gusto kong mailigtas siya. “Sige…” Mahinang pagkakatugon niya. Pero ramdam ko pa rin ang takot niya. Kinapitan kong muli ang magkabilang pisngi niya---pinagmasdan ko ang mukha niya. “Handa ka na? Hinga ulit nang malalim—” Naputol ang pagkakasabi ko… “Help! I’m stuck here! Help!” boses ng isang babaeng hindi ko masabi kong nasaang parte siya ng eroplano pero isa lang ang sigurado ko, meron pang buhay bukod sa aming dalawa sa mga sandaling ito. “Si Stephanie…” Mabilis naman nakilala ni Michael ang boses ng babae, “…tulungan natin siya.” “Okay. Hinga ng malalim—at sumunod ka sa akin. Okay?” Pinahubad ko muna sa kaniya ang lifejacket na suot niya para makasisid siya ng maayos. Buong-buo ang loob ko na makakalabas kami rito. Pumailalim kami ni Michael—at kaagad kong nakita ang mahabang binti ng babae na nasa kabilang parte ng eroplano kung saan bumagsak kanina si Gordon. Inangat namin ang mga ulo namin—meron pang kapiranggot na espasyong natitira para sa aking mga mukha na halos nakadikit na rin sa kisame ng eroplano. “Help me, I can’t move my legs.” Bakas na sa mukha niya ang pagkasira ng make up niya gawa ng pagkabura nito dahil sa tubig at luha niya. Halos nauubusan na rin siya ng hangin. Kitang-kita ko ang pag-aalala ni Michael sa kaniya. Pero wala akong dapat na aksayahing segundong binibigay pa sa amin para makaligtas at mabuhay. “Okay. Save niyo ang mga hangin niyo.” Sabi ko sa kanilang dalawa. “Eric.” Nangingig na pamigkas ni Michael sa pangalan ko at umiling siya, “…we can’t make it.” Mahina niyang pagkakasabi na para bang tanggap na niyang kahahatungan naming tatlo. “Sinabi ko sa iyong magtiwala ka sa akin. Kailangan mong magtiwala sa akin. Humihinga pa tayo. Buhay pa tayo. Huwag niyong sayangin ang mga natitirang hangin sa katawan niyo. Okay?” Hindi ko na hinayaang makapagsalita pa siya at kaagad akong sumisid pailalim. Marami akong nakitang mga patay na pasahero pero wala na akong magagawa pa para tulungan sila. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko ang mga batang wala na rin mga buhay katabi ang mga magulang nila. Hindi na nagawang makaalis pa sa mga kinauupuan nila magkakahawak pa rin ang mga kamay nila hanggang sa huling sandali. Parang isang bangungot ang mga sandaling ito na gusto ko nang gumising. Napansin ko ang nakaipit sa paa ni Stephanie. Kumapit ako sa mahabang binti niya at ginamit ko ang kanan ko upang hilain ang nakaipit sa paa niya habang tinutulak ng kanang paa ko hanggang sa maalis ko ito at makalaya ang paa niya. Bago ako muling umahon at inikot ko ang mata ko sa paligid at naghanap ng posibleng malabasan namin. Kaagad kong nakita ang napunit na parte ng eroplano. Umahon ako. Wala na sa kalahating dangkal ang espasyo. Hindi ko na rin talaga nakikita ang mga mukha nila—pero nagagawa ko pang makapagsalita. “Nakakita ako ng butas at doon tayo dadaan palabas. Kailangan nating makalabas dito. Sumunod kayo sa akin.” Malakas pa rin ang loob ko. ayaw kong makitaan ng kahinaan. Ako na lang ang magbibigay lakas loob sa kanilang dalawa ngayon, “…kailangan ko ng kooperasyon niyo kung gusto niyong mabuhay at gusto ko kayong mabuhay, tayong tatlo. Makakalabas tayo rito.” Nasa tono ko pa rin ang pagkadominante at kailangan ko silang mapasunod sa akin. Bago pa tuluyang mapuno ng tubig ang huling espasyo ng eroplanong may katiting na hangin at nagawa naming sumisid na pailalalim. Tiningnan ko muna silang dalawa. Unti-unti na ring namamatay ang mga natitirang buhay na ilaw. Suminyas ako sa kanila na sumunod sila sa akin. Nauna akong lumangoy palapit sa butas—inilalayo ko ang mga gamit na humaharang sa mga dadaanan namin. Pagkapalit ay kumapit ako sa isang upuan, inabot ko ang kamay ni Stephanie at una ko siyang pinalabas. Sumunod si Michael na nakatingin sa akin—bumitiw na ako sa kinahahawakan ko at sumunod sa kanilang dalawa. Pagkalabas ko—naghuling sulyap pa ako sa eroplano na tuluyan nang pumalulubog sa pinakailalalim nitong karagatan. Lumangoy ako pataas hanggang sa maiahon ko ang ulo ko. Kitang-kita ko ang meron pang mga nagliliyabang parte ng eroplanong naiwang nakalutang rito sa ibabaw ng tubig—hindi ito namamatay kahit na nababagsakan ng malakas na buhos ng ulan. Sinasamantala ko ang apoy na nagbibigay liwanag sa paligid ko at kaagad kong hinanap ang dalawa. “MICHAEL! STEPHANIE!” Patuloy ang pagsigaw ko sa mga pangalan nila. Marahil ay napalayo sila dahil sa malalakas na alon. “I’m here!” Narinig kong responde ni Stephanie na ilang metro lang ang layo sa akin. Pumaikot-ikot pa ako dahil hindi ko pa rin nakikita si Michael. “Michael!” Patuloy kong pasigaw na pagtawag sa pangalan niya habang hinahampas ako ng malalakas at malalaking alon. Sinubukan kong muling sumisid ngunit wala na akong makita dahil sa kadiliman sa ilalim. Muli akong umahon. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil hindi ko siya makita, “…nasaan ka na bata?” Mahinang pagkakabulong ko. “ERIC! STEPHANIE!” Bumalik ang lakas ng loob ko nang marinig ko ang boses niya. napalingon ako sa pinagmumulan ng boses niya, napalayo siya sa amin ng higit tatlumpong metro. Kaagad akong lumangoy papalapit sa kaniya. Patuloy niyang sinisigaw ang mga pangalan namin pero mas nalalamangan ang boses niya ng lakas na pagbuhos ng ulan at malakas na pagtatamaan ng mga alon. Sumunod sa akin si Stephanie hanggang sa makalapit kami kay Michael na kaagad naman niya akong niyakap. Nakasuot na siya ulit ng lifejacket. “Now what?! What should we do next?” nanginginig na tanong ni Stephanie. “We should call out for help.” Mungkahi ni Michael. “Look around you kid. Wala ng ibang tao pa bukod sa ating tatlo ngayon.” Hindi ako nakakibo dahil alam kong meron punto si Stephanie. “Kailangan nating magsama-sama kahit anong mangyari.” Kalmado at may kalakasan kong pagkakasabi. Kailangan namin mag-usap-usap pasigaw upang marinig namin ang isa’t isa. Hindi na sila lumayo sa akin—nakahawak sa palad ko si Michael at hindi ko rin naman siya binibitawan habang inalalayo kami ng alon sa unti-unting natutupok na apoy.   “HEY! DITO! DITO KAYO!” Sabay-sabay kaming napalingon sa pinaggalingan ng malakas at pasigaw na panawag sa amin. Isang lalaki na nakasakay sa lifeboat. Higit sampong metro na lang ang layo nito sa amin. Hinagisan kami nito ang lubid—unang kumapit si Stephanie at sumunod si Michael habang nakaalalay ako sa kaniya. “Humawak kang maigi bata.” Bilin ko sa kaniya. Tanging pagtango lang ang pangtugon niya sa akin. Kahit na wala na kami sa loob nag eroplano bakas pa rin sa itsura niya ang takot at kaba sa nangyayari sa amin ngayon, “…kailangan mong lakasan ang loob mo bata. Look at me, huwag mo munang isipin kung anong mangyayari sa atin, ang importante ay magkakasama pa rin tayo, may kasama pa rin tayo. Kailangan mo rin tulungan ang sarili mo at iyon ang isa sa pinakamabuting magagawa mo sa ngayon, magagawa mo ba iyon para sa akin?” Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya, gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi at muling tumango. “Opo. Magagawa ko iyon.” Malambing niyang pagkakasagot. Hindi niya binitawan ang lubid hanggang sa mahila na siya at maisampa sa lifeboat. Tinulungan ako ng lalaking makasampa. Kumapit ako kaagad sa lubid. Magkatabi si Stephanie at Michael. Bakas sa kanilang mukha pa rin talaga ang kaba. Kahit man ako—sa totoo lang, kinakabahan pa rin talaga ako, pinalalakas ko lang talaga ang loob ko. Napatingin ako sa lalaking tumulong sa amin, namukhaan ko kaagad siya. Siya iyong engineer kanina na napansin ko. “Salamat sa pagtulong pre.” “Nah, huwag mo muna akong pasalamatan pre. Nasa gitna pa rin tayo ng karagatan. Hindi natin alam kung saan tayo dadalhin nito.” Sagot niya, kagaya ko---hindi niya rin talaga pinapakitang kinakabahan siya, malakas pa rin ang loob niya, may katatagan. “Oh my god!” nakuha ni Stephanie ang atensyon naming tatlo. Lumingon kami sa direksyon kung saan nakatingin ang mga nakadilat niyang mga mata—napasigaw si Michael ng malakas. Isang napakalaking alon ang tatama sa amin. At hindi kami nito sasantuhin sa oras na lamunin kami nito. “HUMAWAK KAYONG MAIGI!” Malakas na pagkakasigaw ko. Mabilis akong lumapit sa kinapupuwestuhan ni Michael at kaagad ko siyang niyakap habang mahigpit na nakahawak ako sa lubid. Ganoon din ang ginawa ng isa pang lalaki, niyakap niya si Stephanie. Unti-unti kaming inaangat ng tubig hanggang sa ibaliktad kami nito dahilan para muli kaming lamunin ng tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD