Chapter 2.3

1117 Words
CHAPTER 2.3   LUMIPAS ang oras at mas lalo pa kaming naging komportable sa isa’t-isa. “Punta muna ako sa lab.” Pamumutol niya sa pag-uusap namin tungkol sa mga gusto niya pang mapuntahan—na halos lahat ng sabihin niya ay napuntahan ko na. Bukod sa Moon at Mars. “Okay. Dito lang ako.” Pilit niyang inaalis ang pagkaka-seatbelt niya. Ngunit kagaya ni Gordon kanina—hindi niya rin ito maalis talaga, “…tulungan na kita.” Lumapit ako sa kaniya, mas naamoy ko ang tila kakaibang uri ng mabangong bulaklak sa katawan niya at—hindi ko naman sinasadyang maidikit talaga ang kanang braso ko sa dibdib niya—at sigurado akong nararamdaman niya sa katigasan ng braso ko. Pinuwersa ko ang lock hanggang sa mapakalawan ko siya, “…you’re free to go.” Nakangiting sabi ko. “Thank you, you saved my life.” Pabirong sabi niya, pagkatayo niya biglang nagkaroon ng turbulance dahilan para ma-out of balance siya at matumba siya sa mga bisig ko. Kamuntikan ko nang maidikit talaga ang mukha ko sa mukha niya. Sobrang lapit ng mga labi niya sa labi ko—siguro’y nararamdaman niya ang mainit na pagbuga ng hininga ko sa balat niya, sa pisngi niya, “…ingat ka. Okay?” “Yeah. Thanks—you saved my life again.” Kitang-kita ko ang mala-hinog na kamatis sa pamumula ng mga pisngi niya. Inalalayan ko siyang tumayo. “Pay me later for saving your life.” Nakangiti kong sabi. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa lab.   WALA pang limang minuto ay tumabi na siya ulit sa akin. Kinabit niyang muli ang seatbelt. Nagpatuloy naman ang pag-uga-uga ng eroplano. “Normal lang iyan. Laging meron ganito sa mga plane, kaya dapat masanay ka na. Lalo pa’t marami ka pang gustong mapunta—at kailangan mong sumakay ng ilang ulit sa eroplano.” Kagaya kanina—magkahawak ang mga palad namin dalawa. Mahigpit---sinisigurado kong ligtas siya kapag ako ang kasama niya. Napatingin ako sa labas ng bintana—kapansin-pansin ang makapal at maitim na ulam na meron gumuguhit na kidlat. Hindi naiwasan hindi makita ni Michael kaya lalo tuloy siyang kinabahan. “There’s a storm coming. I knew it.” Mahina at kabadong pagkakasabi ni Michael. “Okay lang iyan—nandito naman ako. Pikit ka na lang, mamaya lang nasa Monterial na tayo.” Hinawakan ko pa ang mga palad naming magkahawak—kahit na pinalalakas ko ang loob niya—dama ko ang pangingig ng buong katawan niya. Gusto ko siyang yakapin na lang. Mas lalo pang lumakas ang pag-uga ng eroplano na parang dumadaan kami sa mabakong daan—normal ito. Pero, ngayon ko pa lang nararanasan ang ganitong kalakas na uga ng eroplano. Napapansin ko na parang—nababahala na rin ang ibang pasahero. Rumoresponde naman kaagad ang mga stewardess—biglang naglabas ang mga oxygen mask mula sa ibabaw ng compartment. Nag-iingay na ang mga ibang pasahero na patuloy pa rin silang pinakakalma. Hindi na napigilan ni Michael ang sarili niya kaya siya na mismo ang yumakap sa akin ng sobrang higpit. Biglang nagdilim nang mamatay ang ilaw—nabulag na kaming lahat. Tumataas ang tempertura na nararadaman ko sa talampakan ko. Wala pa rin sinasabi sa amin ang piloto ang tanging naririnig ko lang ay ang patuloy na pagpapakalma sa ibang pasahero. Biglang may kung anong nagliwanag mula sa labas—kaagad akong sumilip sa bintana. Bago ko pa makita meron nang sumigaw ng malakas! “Kinakabahan ako Eric!” nangingiyak na si Michael. Hindi niya ako bibitawan, hindi siya bibitaw sa akin mula sa pagkakayakap niya sa akin. Kahit man ako—nakakaramdam na rin ng kakaibang uri ng kaba. Pero, hindi ako dapat magpatalo sa takot—hindi sa pagkakataong ito. “Nandito lang ako—hindi kita pababayaan. Yumakap ka lang sa akin. Huwag kang bibitiw sa akin.” Pagpapalakas ko ng loob… ko. Muli kong tinignan ang dahilan ng pagsigaw ng iilang pasahero mula sa labas—nagliliyab na sa isang elesi sa pakpak ng eroplano. Kaliwa’t kanan na ang pagkabalisa ng lahat. Wala pa rin akong naririnig mula sa piloto. Anong ba nangyayari? Biglang tama ng naglalakihang hampas ng ulan ang bawat bintana ng eroplano at mas lalo pang lumaki ang pagkakaliyab ng pakpak ng eroplano. Hindi na mapigilan ni Michael ang pag-iyak niya. Nagsimula ng magpatay sindi ang ilaw. “Just close your eyes. Okay?” “Natatakot na po talaga ako.” Alam ko—at hindi lang siya. Lahat na halos ng pasahero. Napatingin ako kay Gordon—kahit anong lakas ng uga, kahit anong lakas ng iyakan at sigawan ng pasahero, hindi pa rin talaga siya nagigising. Pinayuhan kaming lahat na magsuot ng life jacket. “Bakit? Bakit nila tayo pinagsusuot ng life jacket?” hindi ko na maipaliwanag ang lahat kay Michael. Basta—kinuha ko ang jacket sa ilalim ng upuan namin, pinauna ko siyang pagsuotin— “Pre… anong nangyayari?” Naalimpungatang pagkagising ni Gordon. Kaagad siyang napahawak sa kinauupuan niya—napatingin siya sa labas ng bintana—at kitang-kita ko ang panglalaki ng mga mata niya, “…SHIT!” Iyon ang isang malakas na bulaslas na narinig ko mula kay Gordon—isang malakas na pagsabog mula sa labas ang naging dahilan para mabali ang pakpak ng eroplano—unti-unting tumatagilid ang eroplano. Naghalo-halo na ang kaba, takot at pangamba ng lahat ng pasahero. Binalot na ang lahat ng takot sa kung anong maaaring manyari sa aming lahat—sa mga sandaling ito, isa lang ang inaalala ko… si Michael lang. “Eric, I don’t wanna die. I don’t wanna die.” Paulit-ulit na pagkakasabi ni Michael habang patuloy ang kaniyang kaawa-awang pag-iyak. Bumibilis na rin talaga ang t***k ng puso ko—nahihirapan na rin akong huminga dahil sa pagbabago ng temperatura ng eroplano. Pinagpapawisan na rin ako. Tuluyan ng tumagilid ang eroplano—naglaglagan ang mga gamit mula sa mga nagbukas na compartment. Hinigpitan lalo ni Michael ang pagkakayakap niya sa akin—nawala sa isipan ko na hindi nakasuot ng seatbelt si Gordon—nahulog siya sa kinauupuan niya at bumagsak siya sa kabilang parte ng eroplano. Napadikit siya sa bintana---at nabagsakan ng mga gamit! Biglang nabutas ang pader na hindi kalayuan sa pinagbagsakan ni Gordon—isa-isa hinihigop ng malakas na hangin mula sa labas ang mga gamit—at dahil sa wala na siyang  makakapitan pa… tuluyan siyang nahigop ng hangin papalabas ng eroplano. “Gordon!” Malakas na pagkasigaw ko sa pangalan ng kasama ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD