Natapos ang hapunan namin sa masayang kwentuhan. Medyo malalim na din ang gabi at kailangan na naming magpahinga para sa kinabukasan.
Umakyat na ko sa kwarto. Nagcheck ulit ako ng messages at mga notifications ko sa social media. Nanood sandali ng mga videos para magpaantok. Maya-maya ay tumunog ang notification at isang friend request ang aking nakita ko.
“Paano n’ya nalaman ang f*******: account ko?”, tanong ko sa aking sarili.
Hindi ko muna inaccept ang friend request ni Craig. Hindi naman siguro masama kung di ko muna iconfirm ‘yun. Hindi naman kami ganoon magkakilala pa.
Humiga na ko sa kama ko at para maaga akong magising bukas. Pero bago ako naipikit ang mata ko ay may message ako na nareceived.
Messenger//Craig: Hi…still awake?
Messenger//me: Yup, but I’m about to sleep.
Messenger//Craig: Oh sorry if I disturbed you.
Messenger//me: It’s fine. Do you need something?
Messenger//Craig: Uhm. I sent you a friend request earlier.
Messenger//me: Yeah, I saw it already.
Huling message ko bago ko pinatay ang data ng phone ko at itinabi sa bed side table ko.
Maaga akong gumising kinabukasan. Kinuha ko sa closet ang damit na isusuot ko isang white and brown stripes chiffon blouse at black pants. Hinanda ko na din ang white sneakers ko bago ako pumasok sa banyo para maligo.
Pangalawang araw pa lang namin kaya hindi pa required lalo na sa aming mga freshmen ang mag-uniform. Bumaba na ko matapos mag-ayos ng sarili.
Naabutan ko na nagkakape si Dad at busy si Mommy at Nana Celing sa pag-aayos ng umagahan.
“Good morning po.”, bati ko sa kanila.
“Good morning anak.”, bati ni Daddy.
“Maaga ka ata ngayong nagising?”, bati naman ni Mommy.
“Maaga lang po siguro akong nakatulog kagabi ‘My.”, nakangiti kong sagot.
Lumapit ako sa may counter ng bar para kumuha ng orange juice bago naupo sa hapag. Maya-maya ay magkasunod na bumaba si Oakley at Kuya.
“Ang aga mo Ate.”, sabi ni Oakley bago umupo sa tabi ko.
“Nauna lang talaga akong bumaba sa inyo.”
“Excited ka siguro na Makita si Mr. Rider/Waiter.”, pabirong sabi ni Kuya.
“Tigilan n’yo nga ako. Sisirain n’yo na naman ang araw ko.”
Kumain na kami at si daddy ang maghahatid sa amin sa school ngayong araw dahil kailangan sa restaurant si Kuya ng maaga.
Isang engineer si Daddy may malaki s’yang proyekto dito sa Medway. Isa din ito sa rason kaya din kami lumipat kasi mahihirapan s’ya sa pagbyahe pag-uwi at paluwas dito.
“May mga ipapabili ba kayo mamimili kami mamaya ni Nana Celing. Baka may mga kailangan kayong bilhin.”, tanong ni Mommy.
“Wala naman po ‘My kung meron man baka ako na lang din po dumaan sa department store o sa book store.”, sagot ko.
“’My can you bought me a new pair of shoes?”, maarteng sabi ng kapatid kong bunso na spoiled brat.
Tumingin muna si Mommy kay Daddy bago sumagot.
“Sure sweetie. What do you want?”
May binanggit s’ya ng isang brand ng shoes na medyo may kamahalan.
“Mom, Dad una na ko I have a meeting to attend.”, sabi ni Kuya sabay tayo niya at lumapit kay Mommy para humalik at tinapik ang balikat ni Dad.
“Ingat hijo.”,sabi ni Dad.
“I’ll to pick you guys later.”,sabay turo n’ya sa amin ni Oakley.
Tumayo na rin ako para kunin sa kwarto ko ang bag ko. Sa sala ko na hinintay si Daddy at Oakley. Habang hinihintay ko sila binuhay ko na muna ang data ko. Nagbasa na rin ako ng mga messages mula sa mga GC ng mga old at new friends ko.
Pinatay ko nga pala ang data ko kagabi pagkatapos ko magreply kay Craig.
Messenger//Craig: So, ayaw mo ba akong maging friend kahit social media lang muna.
Messenger//Craig: Sorry naaabala ko ata ang pagpapahinga mo.
Messenger//Craig: Good Night(
Messenger//Craig: Good morning (
Ano bang problema nitong si Craig. Wala ba s’yang kaibigan o ibang makausap. Feeling close agad. Kahapon ko lang naman s’ya nakita at nakausap. Gusto lang siguro n’ya talaga ako maging kaibigan. Pero parang nakakapagtaka naman itong si Craig.
“Una na kami hon.”, rinig ko na sabi ni Dad.
“Sige. Ingat kayo. Oakley get your things now and call your Ate.”
“Yes Mom.”,bago s’ya lumabas ng dining at nakita n’ya ko na nakaupo sa sofa.
Tumayo na rin ako ng lumabas na si Mommy at Daddy sa dining. Hinatid n’y kami sa may terrace hanggang sa makasakay kami ng kotse.
Naunang idinaan naming si Oakley sa school n’ya malapit lang kasi ang school n’ya sa village namin. Nasa 9th grade na rin kasi s’ya at transferee rin sa isang private school dito sa Medway.
Tahimik lang ako sa likod ng sasakyan habang nakikinig ng music. Ilang minuto pa ay nasa tapat na ko ng university. Humalik ako sa pisngi ni Dad bago bumaba ng sasakyan. Inintay ko muna s’ya na makaalis bago ako pumasok sa loob.
Kinuha ko ang phone ko para tingnan kung may message sila Brielle at para itanong kung nasaan sila dahil may 7:30 kami na klase ngayong araw.
Nasa Building 2 na daw si Avery pero wala pa si Lei at Brie. Nagdecide na din ako na pumunta na sa classroom namin ng mas maaga. Habang naglalakad ako sa corridor may mga kaklase ako na namukhaan kahapon. Dere-deritso lang ang lakad ko may isang tinig akong narinig na parang tinawag ang pangalan ko. Mukhang alam ko na kung sino ‘yun kaya medyo binilisan ko ang lakad ko. Kahit medyo ramdam ko na may mga nakatinging mata sa akin ng mga estudyante.