“Sino ‘yun? Kakilala mo?”, bungad ni Kuya sa akin.
“Ahh! Uhm! Kaklase ko?”, patanong kong sagot.
“Bakit ka hinatid dito?”
“Nagmagandang loob lang naman na isabay ako eh.”
“Baka pinopormahan kana ha.”, pabiro n’yang sabi.
“Kuya…”, putol ko sa sasabihin pa n’ya.
“Sige na umorder kana ng gusto mo.”, sabi n’ya ng may lumapit na waiter sa table namin.
Nakatingin ako sa menu ng lumapit ang waiter sa amin.
“Isang Grand-sized Premium Milk Tea Red Velvet, Mojos at Mozarella sticks.”
“Is that all Ma’am?”, tanong ng waiter sa akin.
“Ye….ssss”, naputol ang sasabihin ko ng makita kong sino ang waiter na nasa table namin.
Hindi ko rin napansin na nakatingin pala si Kuya sa kanya.
“Craig? Waiter ka dito?”, bigla kong tanong sa kanya.
“Sa Auntie ko ‘tong Café tumutulong lang ako kapag walang klase.”
Medyo kita ko ang pagtataka sa mukha ni Kuya.
“Uhm, older brother ko nga pala Craig, Kuya Flynn. Kuya Flynn si Craig classmate ko.”
“Nice meeting you Sir.”, sabi n’ya sabay abot ng kamay.
“Nice meeting you. Salamat sa paghatid sa kapatid ko dito.”
“It’s my pleasure Sir. Hope you enjoy the foods here. Sige po.”,sabi n’ya bago umalis para kunin ang orders ko.
“Mukhang okay ang isang ‘yun ahh.”pabulong na sabi ni Kuya ng makaalis si Craig.
Tiningnan ko lang s’ya ng masama at alam ko ang gusto n’yang iparating. Oo bata pa ako pero nasa legal na edad na naman. Di naman nila ako pinagbabawalan na ligawan pero wag ko lang daw muna sasagutin. Baka kung ano pa ang iniisip ni Kuya at masabi pa n’ya kina Mommy.
Alam ko kung ano ang gusto ko. Doon ako nakafocus sa ngayon. Pag-aaral at ayaw ko sa kahit na anong distractions sa buhay. Isa na doon nag pagkakaroon ng boyfriend. Nakakatakot kasi na pagsabayin ang pakikipagrelasyon at pag-aaral baka masira ang mga diskarte ko. Saka bakit nga ba ako nag-iisip ng kung anu-ano. Wala naman akong manliligaw. Nagulat na lang ako ng umimik si Kuya.
“Okay ka lang ba? O gutom kana?”
“Okay lang. Medyo napagod lang siguro sa unang araw.”
“Kamusta ang first day mo?”
“Like the usual first day. New set of friends, new environment.”
“That’s good. Are you having fun there?”
“Yeah and I should be. I need a healthy environment for my studies.”
“Good.”
Masarap ang pagkain nila sa Café. Naubos ko ang Mojos at Mozarella Sticks pero mukhang napalaki ang naorder ko na milktea. Grand-sized ba naman. Kaya iuuwi ko na lang kung sakali na di ko maubos ito.
Nagyaya na si Kuya na umuwi kaya tinawag na n’ya si Craig para sa bill namin, Pagkaabot n’ya ay tumayo na rin kami at nagpasalamat.
Medyo natagalan din kami sa Café. Ramdam ko na din ang pagod ni Kuya. Isa kasi s’yang chef sa isang kilalang restaurant sa Gostellow Hotel isang 5-star restaurant dito sa Medway. Dito lang sila nagmeeting at mas malapit sa bago nilang kasosyo sa bagong itatayo na restaurant. Masyado s’yang workaholic. Pero kahit ganoon di pa rin naman s’ya nawawalan ng time sa fiancée n’ya. Pitong taon na sila ni Ate Naveen isang nutritionist.
Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi na rin ako nagtangka na umimik dahil alam ko na pagod si Kuya at medyo pagod na rin ako at inaantok pa.
Past six na ng makarating kami sa bahay at naroon na rin si Daddy at nanonood ng TV sa sala. Lumapit kami ni Kuya para magmano. Maya-maya ay lumabas sa kusina si Mommy at may dalang merienda ni Dad. Isang platito na may cake at juice.
“Oh, and’yan na pala kayong dalawa. May merienda sa ref kung naguguton kayo.”, sabi ni Mommy.
“Okay na ‘My nagmerienda na kami ni Mackenzie bago umuwi.”, nakangiting sabi ni Kuya bago humalik sa pisngi ni Mommy at dumiretso na paakyat sa kwarto n’ya.
“Busog na din ako ‘My. Bihis na lang po muna ako.”, sabi ko naman paghalik k okay Mommy.
“Okay sige. Ipapatawag ko na lang kayo kay Nanay Celing kapag luto na ang hapunan. By the way, how’s your first day?”
“Okay naman po. Nag-aadjust pa.”, nakangiti kong sabi.
“That’s great Azalea. I know na magiging masaya ka dito at magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan.”
Ngumiti lang ako at nagpaalam na aakyat na. Umakyat na ko para makapagbihis at makapagpahinga na rin. Balak ko din na mag-online para kamustahin ang mga kaibigan ko sa lugar namin sa probinsya.
Naligo muna ako at nagbihis. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay lumapit ako sa study table ko at binuhay ang laptop. Binuksan ko ang f*******: at Messenger ko. Madaming mga nagpop-up na notifications at messages. Ilan na dun ang friend requests nila Brielle, Avery at Everleigh.
Maya-maya ay nagmessage na ko sa GC namin ng mga friends ko nung SHS. Masayang kwentuhan at palitan ng mga nangyari sa aming mga unang araw. Makakatuwa na kahit magkakahiwalay na kami ng school ay kahit papano andoon pa rin yung bond na nabuo nung mga nasa elementary at high school kami.
Inaamin ko na medyo nahihirapan ako mag-adjust pero kailangan. Sa una lang naman siguro masasanay din ako. Mababait naman ang mga bago kong kaibigan.
May bagong GC na may pangalang Agri-Eng. Squad na nag-appear sa screen ko. Binuksan ko yun at si Avery ang admin. Kaming apat ang member.
Messenger//me: Hi guys. Thank you for welcoming me in your group(
Messenger//Ave: It’s our pleasure Azalea(
Messenger//Lei: Good evening guys(
Messenger//Brie: Wow. Hello guys(
Masaya kaming nagkwentuhan. Nag-isip ng mga pwede naming gawin sa kinabukasan. Salamat sa kanilang tatlo dahil kung wala sila di ko alam kung paanong adjustments ang gagawin ko.
Maya-maya ay kumatok na sa kwarto ko si Nana Celing para sa hapunan. Kaya sumunod na rin ako pababa. Nadatnan ko na si Dad, Mom, Oakley at Kuya sa hapag. Kaya umupo na din agad ako.
Habang kumakain ay nabanggit ni Kuya ang nangyari sa Café kanina.
“Dad, mukhang kailangan nating bantayan si Mackenzie.”, pabirong sabi ni Kuya.
Nagulat si Mommy at Daddy sa sinabi ni Kuya. Balewala naman kay Oakley ang usapan. Kaya halos matunaw ako sa titig nilang dalawa.
“Kuya naman. Isinabay lang naman po ako nung kaklase ko sa Café kanina dahil doon din ang punta n’ya.”, paliwanag ko kahit di pa sila nagtatanong.
Nakita ko na umaliwalas ang mukha ng parents ko kahit papano. Tatawa-tawa naman si Kuya.
“May usapan tayo tungkol sa kung ano ang mga dapat unahin. At alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.”, patiunang salita ni Dad.
“Ano ka ba Dad. Wala naman po ‘yun.”, nakangiti kong sabi.
Masyadong strict si Dad kaysa kay Mommy. Saka I know his rules at wala akong balak na suwayin iyon. Mahal na mahal ko ang parents ko kaya I will do everything just to make them happy and proud.