“Sorry, sorry hindi ko sinasadya.”, sabi ko habang kinukuha ang mga nalaglag na libro.
Halos maiyak na ko sa nangyari. Nakakahiya.
“Kuya Craig ikaw pala yan pasensya.”, sabi ni Brielle bago inabot ang isang libro na dinampot n’ya.
“Hindi okay lang. Basta next time mag-ingat na lang kayo.”
“Pasensya na talaga sa nangyari.”, nahihiya kong sabi bago ko inabot ang ilang libro.
“It’s okay. Just be careful next time.”,sabi nya bago kami tinalikuran.
Nakakahiya akala ko okay na ang first day ko hindi pala. Hindi naman ganoon kasama pero nakakahiya pa rin ang nangyari. Buti na lang talaga sa mabait na tao ako natapat.
“Don’t worry too much Azalea mabait naman si Kuya Craig saka di naman natin sinasadya.”, sabi ni Brielle.
“Kaya nga, ngumiti kana dyan.”, sabi ni Avery.
Niyakap naman ako ni Everleigh. Habang kinakalma ako sa pagkabigla sa nangyari.
“Tara na. Sayang oras natin.”, pabiro kong sabi bago kami dumiretso sa loob ng library.
Iginala ako ang aking mga mga mata sa mga bookshelves. Naghanap ng mga librong pwede ko magamit sa mga subjects ko ngayong taon. Habang kumuha naman ng mga magazines ang tatlo at umupo sa pang-apatan na lamesa. Kinuha ko ang isang libro at naupo na rin sa tabi ng mga bago kong kaibigan. Inubos namin ang free time namin sa pagbabasa at ilang minuto bago magsimula ang klase namin ngayong araw ay bumaba na din kami at pumunta sa building na assign sa amin.
Despite of what happened I am really grateful for my new school and to my new found friends. I know that my parents made a right decision for this. Knowing that they knows all the best for us. Pero sana hindi ko na muna makita si Craig o maging kaklase total naman mas ahead siya sa amin.
Laking pasasalamat ko at wala nga s’ya ngayon sa huling subject namin ngayong araw. Makakahinga ako ng maluwag knowing na wala siya dito sa paligid. Hindi ko alam kung lutang ba ako ngayon o sinasadya ng universe na makatabi o makabanggaan ko siya kanina.
Sa kabila ng mga tumatakbo sa isip ko mabilis lang na natapos ang klase namin tulad ng mga nauna. Sabay-sabay kami na lumabas ng building para umuwi na. Medyo maaga pa para masundo ako ni Daddy o Kuya. Alas kwatro pa lang at medyo mataas pa ang init ng araw.
Naunang dumating ang sundo ni Avery sumabay na din Brielle at Leigh.
“Sumabay kana din sa Avery.”, aya ni Avery.
“Naku hindi na dadating na din naman si Dad o si Kuya maya-maya.”
“Sigurado ka ba? Baka malate sila?”,sabi naman ni Brielle.
“Mauna na kayo next time na lang.”, nakangiti kong sabi.
“See you tomorrow Azalea. Ingat ka.”, si Leigh.
“Kayo din.”, sabi ko sabay kaway.
Sa pagsara ng pintuan ng sasakyan nila ay ang pagtawag naman sa akin ni Kuya. Nasa isang café daw siya malapit dito sa school namin dahil may kameeting siya. Pinapapunta na rin niya ako doon para magmerienda na din muna bago umuwi. Hindi ako ganoon kafamiliar sa lugar kung saan kaya nagmasid muna ako sa paligid para makapagtanong kung saan ako pwedeng sumakay papunta sa café na sinasabi ng Kuya ko.
May isang nakamotor na pumarada sa harap ko at nagtanggal ng helmet. Laking gulat ko kung sino ‘yon.
“Wala ka pa ring sundo?”, bungad n’yang tanong sa akin.
“Uhm, meron na pupuntahan ko lang.”
“Bakit ikaw pa ang pupunta?”, kuryosong tanong ni Craig.
“Nasa Ally’s Café kasi ang Kuya ko kaya matatagalan bago ako masundo. Saan ba ang sakayan papunta doon?”, nahihiya kong tanong.
“Tamang-tama doon ang punta ko ngayon.Sumabay kana sa akin.”
“Ha? Hindi na nmagtatrike na lang ako.”, nagtataka kong sabi.
“Di naman kita kikidnapin eh.”, natatawa n’yang sabi.
“Bakit wala naman akong sinabi ah.”, naiirita kong sabi.
Inabot n’ya sa akina ng isang helmet. Wala nga naman sigurong masama kong makisabay ako sa kanya. Kilala ko rin naman s’ya at kaklase ko sa isang subject. Kaya kinuha ko ang helmet at isinuot. Medyo mataas ang motor n’ya kaya inalalayan n’ya ko para makaupo ng ayos.
“Okay ka na ba?”, tanong n’ya bago binuhay ang kanyang motorsiklo.
Tanging tango na lang ang naisagot ko dahil medyo kabado din ako at hindi sanay na umangkas sa ganito. Tahimik ang biyahe at ilang minuto lang nakita ko na sa parking ng café ang sasakyan ni Kuya. Sana lang hindi n’ya kami nakita na magkasama.
Hinintay ko na maipark n’ya ng ayos ang motor n’ya saka ako bumaba at hitanggal ang helmet. Iniabot ko yon at nagpasalamat. Hindi ko na s’ya hinintay dahil baka kung ano pa ang isipin ni Kuya kung sakaling Makita kami na magkasama.
Nang malapit na ko sa pintuan ng café may nagukas nito para sa akin. Laking gulat ko na si Craig na parang isang kabute na pasulpot-sulpot.
Nakita ko si Kuya na nakatingin sa may banda namin na mukhang nagulat sa ginawa ni Craig. Tatayo na sana s’ya pero mabilis ang lakad ko patungo sa table n’ya. Mag-isa na lang s’ya doon at mukhang kaaalis lang ng kameeting n’ya. Humalik ako sa pisngi n’ya at umupo sa mukhang bagong bakante lang na upuan sa harap n’ya.