I wasn’t expected na magiging ganito kasaya ang first day ko bilang isang college students. Bago man ako lugar atleast hindi ako nahirapan makahanap ng mga magiging kaibigan ko. Pero di ko pa rin maalis na di mamiss ang mga kaibigan ko sa St. Luis. Magvivideocall na lang siguro ako mamaya sa kanila para makipagkwentuhan.
Nasa unang klase na kami ngayong hapon. Magkakalapit lang kaming apat ng upuan may isang lalaki nga lang na ngayon lang namin naging kaklase simula kaninang umaga. Pumagitna siya sa amin ni Brielle pangalawang linya sa hulihan. Binalewala ko na lang at sa dulo na ako umupo.
Pumasok na ang Professor naming na medyo may katarayan at sophisticated ang pananamit na nasa mid 30’s. Agad naman s’yang nagpakuha ng ¼ index card.
“Write your name, age, and address.”, sabi ng Prof..
Dali-dali kaming nagsulat at ipinasa ito.
Maya-maya ay nagroll call na para magpakilala.
“Mr. Craig Navarre you’re in my class now?”, tanong ng Prof namin sa lalaking katabi ko.
“Yes Ma’am”, sabi n’ya pagkatayo.
“Is it not conflict on your other subjects?”
“No Ma’am”
“That’s good. But if there’s a problem regarding your sched just let me know.”
“Thank You Ma’am”, sabi n’ya bago umupo.
Mukhang napakagalang at kilala s’ya dito sa school na ito. Craig pala ang pangalan n’ya. Literal na tall, dark and handsome plus points na na mukhang matalino talaga.
“Miss Brielle Meacher, how are you related to the Meacher’s in the Architecture Department?”
“They are my brother and sister Ma’am”, nakangiti n’yang sagot.
“Oh really. So I expect that like them you’ll be in the dean’s list.”, pabiro pero my laman na sabi ng Prof.
“I will do my very best Ma’am,” sabi ni Brielle bago umupo.
Medyo kinabahan tuloy ako sa mga susunod na mangyayari. Naranasan ko na din ang mapresssure because of my Ate and Kuya. Yeah, I know that I met their expectations but I didn’t know if its’s all okay to Dad. Now that I am entering to the new chapter of my life I gonna live my life to where I will be happy. I know that at first they don’t want me to take Agri Engineering but when I convinced and tell them why I really want to become one. Sinuportahan na din naman nila ako.
Patuloy ang pagtawag ng Prof sa mga kaklase ko natawag na si Everleigh at Avery. Ilan na lang kami sa klase ang hindi pa natatawag.
“Last but not the least… Miss Azalea Mackenzie Paisley.”
“Yes Ma’am”, medyo kabado kong sagot.
“Your last name is not familiar. Are you new here?”
“Yes Ma’am. We just moved here 2 months ago.”
“Okay. May I ask why do you want to be an Agricultural Engineer in the future?”
“To be honest, it wasn’t the choice of my parents. I just fought for this course for me to become happy on my future work. Growing in the farm of my grandparents seeing how dedicated they are on the piece of land that they get from their ancestors. I was very eager to help them on the plants and on how to cultivate and develop it. Their happiness is my happiness.”
“Very well said Miss Paisley. I am looking forward on your projects in the near future.”
“Thank you Ma’am”, isang malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya bago ako umupo.
‘Okay that’s all for today. See you next meeting.”
We have 1 hour before our last subject for today. Sayang naman akung hindi ko gagamitin.
“Saan ba ang library dito?”, tanong ko sa katabi ko.
Nagulat ako paglingon ko hindi nga pala si Leigh, Avery o Brielle ang katabi ko at si Craig. Nakita ko sa mata n’ya ang pagkagulat. Hindi ko alam kong dahil sa tanong ko o sa gulat ko ring sarili. Tumaas ang isa n’yang kilay.
“Ako ba ang tinatanong mo?”, tanong ni Craig.
“Kung sasagutin mo naman okay lang.”, medyo masungit kong sagot.
“Nasa Building 4 sa may Chapel. Buong 3rd floor.”, sabi n’ya bago tumayo at lumabas.
“Lokong ‘yun di man lang hinintay na magpasalamat ako.”, bulong ko sa sarili.
“Anong gusto n’yong gawin may free time tayo?’’, tanong ni Ave.
“Busog pa naman tayo para tumambay sa cafeteria”, natatawang sabi ni Everleigh.
“Gusto ko sana na pumunta sa library.”, sabi ko.
“Sige. Sige dun na muna tayo may mga higher year na andoon baka may gwapo.”, natatawang sabi ni Brielle.
Agad na nagsitayuan kami at nagsimula na maglakad papunta sa building kung nasaan an aming sadya.
Maraming iba’t-ibang grupo kung saan may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. May mga nagkukwentuhan, nagbabasa sa mga kiosk at bleachers sa field, may mga naglalaro ng soccer at basketball. Unang araw pa lang napakabusy na nila.
Di naman kalayuan narating na namin ang building. Tulad ng sabi ni Craig na sa 3rd floor ito at medyo mataas ang hagdan papunta doon.
Masayang kwentuhan habang naglalakad kami.
“May boyfriend kana ba Azalea?”, tanong ni Brielle.
“Wala pa.”, nahihiya kong sagot.
“Wala sa ngayon o NBSB?”, tanong naman ni Everleigh.
“NBSB?”
“Bakit strict ba parents mo? Maganda ka naman at matalino pa.”
“Hindi naman. May mga manliligaw din naman ako noong HS kaso ayoko pa saka na siguro kapag may napatunayan na ko.”
“Ano ka ba? Napakaraming dahilan para magsaya tayo at eenjoy ang kabataan natin. Don’t be too harsh on yourself Azalea.”
Unang araw pa lang parang kilalang-kilala na nila ako.
“Hindi naman sa ganoon. Naeenjoy ko naman ang kabataan ko kahit walang boyfriend.”
”Totoo naman talaga. Tuald ko di ko kailangan ng lalaki para sumaya. Palibhasa kasi kayong dalawa nakita na ata si Mr. Perfect.”, sabi Avery.
“Inggit ka lang.”, pabirong sabi ni Brielle.
Naghalakhakan kami. Kaya hindi namin namalayan na may kasalubong pala kami na lalaking may dalang mga libro. Nabunggo ko siya na naging sanhi ng pagkahulog ng mga ito.