Chapter 6 -Knight in Shining Armor

1471 Words
Masarap sa pakiramdam na nagagawa ko ang mga bagay na nais kong gawin at hindi ko magawa nung unang buhay ko. Dalawang linggo na buhat ng ako ay mabuhay muli at masasabing naging masaya ang unang dalawang linggo ko. Gaya ng sa una kong buhay ay dito ako nakatira sa Romblon at nag- aaral sa isang pribadong paaralan na nasa ikatlong taon na ako ng sekondarya. Kung dati ay nakakulong lang ako sa loob ng bahay ngayon ay inaabala ko ang aking sarili na matuto at sumubok ng iba’t ibang bagay. Naroon ang umakyat sa puno, naligo sa batis sumakay sa kalabaw at kabayo at mamitas ng mga prutas. Tumutulong na rin ako sa paglilinis ng bahay at nagpapaturo ng iba pang gawaing bahay pero hindi ko pa rin tinatanggalan ng oras ang magbasa upang madagdagan lalo ang aking kaalaman. “Abuela, magpupunta po ako sa likod para magpakain ng hayop.” paalam ko kay Abuela, araw ng linggo “Marami tayong katiwala,Ela. Hayaan mo na silang gumawa niyan.” “Abuela, gusto kong lumakas ang katawan ko sa pamamagitan ng pagkilos sa gawaing bahay. Sige kayo, Abuela. Baka tumanda akong lampa at ibully ng mapapangasawa ko sa future kasi wala akong alam na gawaing bahay.” pangongonsensya ko sa matanda habang nakanguso “Tapos ang mga magiging biyenan at hipag ko saktan lang ako—” “Oo na. Oo na, Aphelandra. Pero kapag nakaramdam ka ng pagod ay magpahinga ka ha, malapit na ang birthday mo kaya dapat hindi ka magkasakit.” bili ni lola. Sa likod ng bahay ni Abuela ay may malawak na lupa kung saan may nakatayong tatlong malalaking kwadra at dalawang maliit na kubo. Ang malalaking kwadra ay nakalagay ang Apat na kabayo, sampung baka at tatlong kalabaw sa isang kubo naman ay naroroon ang bahay ng mga pato, itik at manok habang ang isang kubo ay bahay ng hindi ko mabilang na mga kambing. “Ang farmville ni Abuela” sabi ko dahil para naman talaga siyang farmville. Tumulong ako sa pagpapakain sa mga manok at pato. Hinagisan ko rin ng damo ang mga kabayo Habang nagpapahinga ay may natanaw akong nangangabayo sa dulong bahagi ng aming lupain. Napahanga ako sa galing nito, ang porma, tindig maging ang pagpapaamo nito sa kabayo. Sinubukan ko na sakyan ang isa sa mga kabayo rito pero sadyang mahirap magpaamo ng kabayo. Mabilis na tumakbo ang kabayo at dumaan sa harap ko na parang isang hangin ni hindi ko na natandaan ang mukha ng lalaking nakasakay dito na sa tingin ko ay nasa early 20s. “Sayang, mukha pa namang gwapo.” palatak kong sabi saka umalis na at umuwi Apat na araw bago ang aking kaarawan ay abala na ang lahat. Sa mga susunod na araw ay muli kaming magkikita ng ate ko— ang ate kong aahas sa asawa ko at tutuklaw sa akin. Nagpaalam ako kay abuela na magpupunta ako sa bayan para bumili ng mga gagamitin ko. A day before my birthday ay dadating ang aking ate mula sa ibang bansa. Sikat ang ate ko sa larangan ng arts sa katunayan ay tinagurian siyang Von Gogh ng Pilipinas at batang prodigy dahil nakitaan kaagad ito ng galing sa pagpinta ng pitong taong gulang pa lamang ito kaya ipinadala sa ibang bansa upang mahasa ang talento. Sa totoo lang naman, Halos lahat sa pamilya namin ay kilala at umangat sa kanya kanyang larangan. Kagaya ni Abuelo na dating gobernador ng Romblon, si Abuela na isang beauty queen, si Mama Alejandra na isang magaling na General Surgeon, si Kuya Alessandro na natahak din sa siyensya gaya ni mama na ngayon ay isang pharmaceutical scientist at kilala na rin dahil sa gamot na naimbento nito nakayang pabagalin ang HIV virus. Si Papa Felipe naman ay kilalang isang matapang na judge.. Samantalang ako ano? Family Display.. Grooming Barbie Doll.. Inilalabas lang kapag may okasyon parang mamahaling plato na pambisita lang… Hayss.. Hindi ko naiwasang ikompara ang sarili sa ibang kasapi ng aking pamilya. My chance ka na Ela para gawin ang bagay na gusto mo pangungumbinsi ko sa sarili Kasama si Ivy ay nagpunta kami sa bayan, nagtingin tingin ako ng mga bagay na nais kong bilhin. “Ela, hintayin mo ako sandali dito ha, may pinapabili pala si nanay. Huwag kang lalayo.” sabi ni Ivy at pumasok sa isang Merchandise shop. Dahil nainip ako ay nagpasya akong bumili ng egg pie sa isang bakeshop na nadaanan namin kanina. Bumili lang ako ng ilang piraso at plano ng bumalik sa lugar na pinag-iwanan sa akin ni Ivy. Habang naglalakad ay kumakain na ako nang may humarang sa akin na tatlong kalalakihan na sa tingin ko ay nasa 19- 24 years old ang mga edad. “ Miss, baka gusto mong sumama sa amin. May itatanong lang kami sandali” sabi ng isang patpating lalaki. Ito ang nasa pinakagitna Habang nagsasalita ito ay pailalim ang tingin nito sa akin “Pre, ganda niya. Parang barbie, makakajackpot ata tayo.” bulong ng isang lalaking may isang bungi sa harap pero naririnig ko naman ang sinasabi nito. “Kaya nga pre. Pati katawan, panalo” sabi naman ng isang may tatoong krus sa braso na puno ng tigidig ang mukha. Nag- apiran pa ang mga ito “Pasenysa na mga kuya, Sa iba na lang kayo magtanong. Baka hindi ko alam ang itatanong niyo.” palusot ko pero sa totoo lang ay halos hindi ko na malunok ang egg pie na kanina pa nasa bibig ko dahil sa kaba “Ano, Miss. Sasama ka ba sa amin?” tanong ng nasa gitna na pasimpleng ipinakita ang nakatagong balisong nito na nakaipit sa jersey shorts nito Tinubuan ako ng matinding takot dahil sa patalim na ipinakita nito habang nakangisi ito. Mabigat ang hakbang na sumama ako sa kanila sa isang pasilyo habang nasa likod ko sila. Pero bago pa kami makalayo sa maraming tao ay may sumigaw. “Sandali!” baritonong boses ang nagpahinto sa amin sa paglalakad. Lumingon ako maging ang mga lalaking pilit nagsasama sa akin. Nakita ko ang isang lalaking nakasandong puti na nakasuot ng cargo pants. Moreno ito at matangkad “Kilala niyo ba yang babaeng sinasama niyo mga Par?” maangas na sabi ng lalaki “Pre, hindi ba si Red yan? ‘ anang lalaking bungi ang isang ngipin Naglakad papalapit sa amin ang lalaki huminto ito sa tapat ko habang ang tatlong lalaki ay dahan dahang napapaatras. “Si Red nga pre. Bakit nandito yan? Akala ko ba ay nasa Manila yan?” tanong ng patpatin sa mga kasama “Ano, mga pre. Tinatanong ko kayo kung kilala niyo ba yang isinasama niyo?” may diin na sa boses ng lalaki “Bagong salta sa bayan, Red” sabi ng may tigidig sa mukha “Mali kayo mga par. Hindi ba kayo nag-iisip? O pinaliit na ng pagbabatak niyo ang utak niyo? Apo yan ni Gov. Custodio, Ang tatay niyan matapang na judge. Kilala niyo si Judge Felipe hindi ba? Paano na lang kapag nalaman nila na sinaktan o binalak niyong gawan ng masama ang isa sa pamilya nila tsk.tsk.tsk. Kung ako titira kayo lang ang kawawa pero kapag ang Custodio ang trumabaho linis ang lahi niyo.” Pagbabanta nito na tila nanlambot ang mga tuhod ng mga lalaki dahil sa narinig. “P-pasensya na Miss, hindi namin alam na apo ka ni Gov. Red, parang awa mo na huwag mo kaming isusumbong. Magbabagong buhay na kami.” pakiusap ng tatlo na bigla pang lumuhod sa akin upang manghingi ng tawad habang ang lalaking nakaputing sando naman ay nasa tabi ko “Lumayas na kayo, siguraduhin niyo lang na hindi na kayo gagawa ng kalokohan dahil kapag nalaman kong mambibiktima na naman kayo ay ako na ang tatapos sa inyo.” mayabang na sabi ng lalaking nasa tabi ko. Kinuha ng lalaking katabi ko ang balisong na pag-aari ng tatlo bago Kumaripas ng takbo ang mga ito. “Ayos ka lang, Miss? Sa susunod huwag ka makampante na walang gagalaw sa iyo dahil sa isa kang Custodio, Tandaan mo. Maraming naging kalaban ang papa mo.” pagkasabi nun ay tumalikod na ang lalaki “Teka nga pala. Kanina ka pa hinahanap ng kasama mo kanina.” pakasabi nito ay nagtuloy na ito tungo sa maraming tao. Parang kilala ko ang lalaki pero hindi ko matandaan kung saan ko ba siya nakita pero pamilyar sa akin ang mukha niya. Turan ko sa sarili Natitigan ko ng panandalian ang mukha nito. Ang hugis ng mukha nito ay nagpaperpekto sa matangos nitong ilong at makapal na kilay na pinaresan ng may mala abong kulay na mata. “Ela, andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap akala ko may nangyari sa iyo eh. Mayayari talaga ako niyan parating pa naman sina Don Felipe.” hangos na sabi ni Ivy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD