It's the day Before my birthday. Ito ang araw kung kailan ko muling makikita si ate. Naaalala ko pa na kapag nagbakasyon ito sa amin galing ibang bansa ay palagi itong gumagawa ng bagay na ikinakagalit nina Mama at Papa na ibinibintang nito sa akin.
Flashback
" Kayong mga anak ko, huwag kayong gagawa ng ikakasira ng imahe ng ating pamilya Lalo ka na Aphelandra, wala kang ibang gagawin kundi ang nanatili dito sa bahay at mag-aral. Dahil namana mo ang physique beauty ng abuela mo tiyak na maraming mayayamang tao ang manliligaw sa yo at kapag dumating ang Tamang panahon, ako ang mamimili kung sino ang pakakasalan mo." Ani Papa habang Nasa hapag kami
Nakalipas lang ang ilang araw...
"Sino sa inyong mga PV*@ng-in@ ang nagpost ng nakakahiyang bagay na ito? " Galit na galit si Papa na umuwi habang ipinapakita sa amin ang Isang video.
Isang babae na nakikipaghalikan. Hindi lang halikan dahil kahit Malabo ay kita na may iba pang ginagawa ang mga ito. Nilalamukos ng lalaki ang d****b ng babae habang hinahalikan ang leeg nito samantalang ang babae naman ay napatingala na parang sarap na sarap. Maingay at may background music ang video na animo nasa isang sayawan ang mga ito.
Bagamat Malabo at medyo madilim ang nasabing viral video ay nabanggit sa blind item na Isa ito sa mga anak ng Custodio.
"Malaman ko lang talaga kung sino ang nagpost nito ay hindi siya aabutin ng Umaga." Sabi ni papa.
"Ikaw, Cassandra. Hindi ka ba nahihiya sa pinaggagagawa mo? Sa harap ng maraming tao gagawa ka ng katar@nt@duh@n. Hindi mo ba naisip ang mga pinaghirapan mo at ang sakripisyo namin sa'yo?"
"Sorry po, Pa . Hindi na po mauulit." Umiiyak na Sabi ni ate
KINABUKASAN.
Nagising ako sa malakas na katok mula sa aking pinto.
“Aphelandra! Gumising ka!” sigaw ni papa na nagwala ng antok ko
"LABAS!" Sigaw na utos ni Papa,
Mabilis kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin si Papa nasa tabi nito ay si ate na nagpapaawa habang si mama at kuya naman ay nasa malayo na parang ayaw makisalo.
Si Papa ang batas sa bahay na ito pero isang salita lamang ni Abuela ay hindi kayang suwayin ni Papa.
Kaming magkakapatid ay takot na takot kay Papa dahil kapag ito ay nagalit ay namamalo ng sinturon nito na gawa sa balat ng hayop na kapag tumama sa yo ay tiyak latay ang abot.
Paglabas ay agad na hinataw ako ni papa ng kanyang sinturon sa aking katawan. Iniiwasan Niya masaktan ang mga parteng visible o nakikita ng tao.
"Bakit mo ipinakalat ang video ng ate mo, ha? Gusto mong sirain ang pangalan ng pamilya at ilabas ang baho ng kapamilya mo dahil sa inggit? Iningatan natin ang pangalan natin Gaya ng pag-iingat namin sa yo Pero mukhang ikaw pa ang kakaldkad sa pangalan natin sa kahihiyan." Walang humpay na paghataw sa akin ni papa, habang walang tigil din sa panenermon at pagmumura.
Natigil lang iyon ng dumating si Abuela. Agad niya akong kinuha at Yun na nga ang dahilan kung bakit ako nanatili sa poder ni abuela ng Isang taon.
Pero alam ko na ibang tao talaga ang nagpakalat nun at gumawa lang ng kwento si ate para sa akin maibaling ang galit sa kanya ni Papa dahil Yun ang sinabi Niya.
Kita ko na nakangiti ito habang patuloy akong hinahataw ng sinturon ni Papa. Ilang taon lang ba ako nun, 15? Anong alam ko sa mga ganyan dahil hindi naman ako mahilig sa gadget.
Nakabalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng may marinig akong Boses
"Good Afternoon po, Abuela!" Rinig Kong bati ng Isang matinis na Boses na pamilyar sa akin.
Nauna itong pumasok sa loob sumunod si mama at Papa
"Kamusta,Apo" salubong ni Abuela at yumakap Kay ate Cass. Titig ako sa mukha nito at parang bumalik ang sakit at galit sa aking dibdib ng makita ko siya
"Kamusta ka rito,Ela? Hindi ka ba nagpasaway sa Abuela mo?" Dining Kong Sabi ni Papa kaya iniwas ko ang tingin Kay ate at nagpunta kina mama at Papa para magmano.
Araw ng aking kaarawan…
NASA loob ako ng aking kwarto at kakatapos lang akong make-upan. Ang tuwid Kong buhok na hanggang bewang ay kinulot. Isang peach dress ang sinuot ko na may malaking petticoat sa loob. Para akong prinsesa sa aking suot.Taun-taon ay magarbo ang aking birthday Pero tingin ko ay mas malaki ang ngayon dahil sweet sixteenth ang theme. Kahit 16 palang ako ay para na akong dalagang dalaga dahil sa foreign feature na namana ko sa lahi ni abuela, may balingkinitan na baywang at katawan na kahit anong dami ng kinain ay hindi tumataba.
Knock .knock..
"Abuela, kayo po pala. Pasok po kayo " nakangiti Kong Sabi Kay Abuela
"Napakaganda talaga ng apo ko, kamukhang kamukha talaga kita noong kabataan ko. Naalala ko pa noong unang sali ko sa beauty contest." Proud na nakangiti sa akin si lola at para itong nagddaydream habang nakatingin sa akin. Sinasariwa sa kanyang alala ang mga panahon ng kabataan nito.
"Thanks po, Abuela. San pa nga ako magmaman syemore sa Inyo." Pambobola ko rito na ikinatawa nito.
"Apo, tanggapin mo ang aking regalo." Sabi ni Abuela at kinuha ang aking kamay saka inilagay ang Isang pendant
Nanlaki ang aking mata, dahil ito ang clock pendant necklace na hawak ko ng itulak ako sa bangin at ito rin ang nagbigay sa akin ng pangalawang pagkakataon na mabuhay muli.
"Abuela, maraming salamat po." Salitang lumabas sa aking bibig
"Isa yang family heirloom. Nagmula pa iyan sa kapatid na babae ni Mama na ipinasa sa akin at ngayon ay ipapasa ko sa iyo." Nakangiting Sabi ni Abuela.
"Happy Birthday, Apo." Pagkabati ay lumabas na ito ng kwarto ko.
Mabilis ang t***k ng aking puso ng makita ang clock pendant necklace. Tinitigan ko itong maigi.
Itinago ko ito sa aking hidden compartment sa cabinet kasama ng aking diary.
Ilang minuto ay tinawag na rin ako ng event organizer.
Ang spotlight ay natuon sa akin.
Ang maingay na bulwagan ay napalitan ng mahihinang bulong
“Napakaganda talaga ng bunsong anak ni Don Felipe no,”
“Kamukhang kamukha ni Doña Alondra noong panahon niya,ganyang ganyan ang ganda niya” rinig kong sabi ng isang matanda
“Iba ang ganda ng batang Custodio, napakaperpekto niya.Maswerte ang mapapangasawa ng batang ito.”
“Sadyang maganda lang talaga ang lahi ng mga Custodio.”
Yan lamang ang ilan sa aking mga narinig habang patungo sa kinaroroonan ni Papa na malapad ang pagkakangiti dahil sa magagandang naririnig nito.
“Happy birthday, Ela” bati sa akin ni Kuya Alessandro
Iniabot niya sa akin ang kanyang regalo.
“Thank you,Kuya.” nakangiti kong sabi
“Happy Birthday, Little sis.” bati sa akin ni Ate Cassandra
Biglang bumilis ang t***k ng aking puso Tila ako naistatwa ako sa aking kinatatayuan at nanlamig ang buo kong katawan ng makita ko itong muli, idagdag pa ang pagkakabigkas nito ng Little Sis.Parang bumalik ang lahat sa aking alaala ang mga bagay na ginawa nito sa akin kasama ang asawa ko. Nakaramdam ako ang kilabot ng mga oras na iyon.
“Ela, Okay ka lang?” tanong ni kuya
Napapitlag ako
At tinitingnan si Ate Cass na nasa aking harapan at may hawak na regalo.
“S- Salamat Ate.” ngumiti ako ng pilit
“Your welcome, Little sis.Basta ikaw” sabi nito. Bumeso muna ito sa akin
“Sorry, but You will not be the highlight of the night.” bulong ni ate ng bumeso ito. Ngumiti ito sa akin ng peke at iniabot ang hawak na regalo bago umalis at lumapit kay mama na kausap ang mga kaibigan nito.
Naging double celebration ang dapat na aking 16th birthday.
Ibinida rin sa okasyon ang success ni ate Cass sa isang art exhibit na dinaluhan nito sa Madrid.
Ipinagmalaki rin na kinilala si Ate at ginawaran ng isang global artist award ang pinakamataas na award na makukuha ng isang artist sa isang mundo.
Ang dapat na atensyon na para sa akin ay natuon kay ate. Ganun pa man, expected ko na ang lahat ng mangyayari dahil naulit lang naman ang nakaraan.
Nagkaroon ng mga akitibidad at pagkatapos noon ay nagkaroon ng sayawan at inuman. Imbis na magkulong sa kwarto pagkatapos ng event gaya ng sa una kong buhay ay nakipagsalamuha ako sa mga bisita na bago sa mga tao. Iniwasan ko ang alak dahil minor pa ako. Lumapit ako sa kumpulan ng mga kabataan na naroon.
“Hello, nag-enjoy ba kayo?” bati ko sa mga ito
“Napakasaya ng party na to, Ms.Ela.” sabi ng isang dalaga
“ Napakaganda mo naman, Ms. Ela. May balak ka bang sumali sa isang beauty pageant gaya ng iyong abuela?” tanong ng isa pa
“Hindi pa pumapasok sa isip ko yan.”
“Pero pwede ka bang ligawan?” Banat ng isang binata
“Magpaalam na muna kay Papa kung sakaling manliligaw.” sabi ko
“Naku, negative ka diyan Norm. Mayayari ka kay Don Felipe.” sabi ng isang lalaki at nagtawanan ang mga andun..
Nang mapagod ay lumayo ako sa maingay na lugar kung saan nagkakasiyahan ang mga tao.