Maliwanag ang gabing iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. Nagtungo ako sa isang puno sa pagitan ng hangganan ng aming lupain sa hindi kalayuan, mga anim na metro lamang ang layo. Sa punong iyon ay may isang duyan na gawa sa lubid at tinabas na gulong.
Naupo ako rito at binuksan ko ang aking cellphone at hinanap sa aking music list ang piano music ni Yiruma na may title na River Flows in You pakiramdam ko ay bagay na bagay ang musikang ito sa saliw ng hanging dumadampi sa aking balat.
Mas pinakalma ng musika ang aking damdamin. Inilibot ko ang aking paningin at itinuon sa mga taong nagkakasiyahan sa kanilang hardin.
Tumingin ako sa langit at napangiti.
Kelan ko ba huling nasilayan ang mga bituin? Simula ng maikasal ako kay Jameson ay naging abala ako at itinutok ang atensyon sa pag-aasikaso rito na kahit minsan ay hindi ko magawang tumingin sa langit.
“Ang ganda! “ Bulalas ko dahil sa sobrang ganda ng panahon ay kitang kita ang pagkakalinya ng mga bituin.
Itinaas ko pa ang aking mga kamay upang ipantay ang nakalinyang tatlong bituin.
“ Alam mo ba na ang tawag sa tinitingnan mong nakahanay na tatlong bituin ay Orion’s Belt.”
Isang buong boses ng lalaki ang aking narinig mula sa aking likuran.
Napatingin ako rito at nakasuot ito ng itim na leather jacket. Nakaupo ito sa likod ng puno at humihithit ng sigarilyo.
Bago lumapit ay humithit pa ng isang beses sa sigarilyo nito pagkatapos ay itinapon saka inapakan.
Naaninag ko ang mukha nito dahil sa liwanag na nagmula sa buwan.
“Red” pakilala nito at nakipagkamay
“Ela” at tinanggap ang kamay nito.
“ Kanina, tinitingnan mo ang mga stars na iyon.” turo ni Red sa magkakahilerang bituin
“Yeah. Ang ganda nila, Parang sila ang pinakamakinang sa lahat ng bituin na nakita ko.” at itinuon ang mata duon.
Parang sumasayaw sa mga mata niya ang mga bituin.
“You are staring at Orion's Belt. In Greek mythology, Orion was a hunter whose death was caused by a scorpion. The gods felt sorry for him and turned him and his dogs into the constellations in the sky.” sabi nito
"Do you understand what those stars are? Those are called Mintaka, Alnilam, and Alnitak that represent Orion's weapon, shield, and sword.” saad pa ni Red at itinuro ang mga iyon
“In spiritual interpretations,it is a celestial pathway kumbaga nasa gitna, nasa pagitan ng earth realm at spiritual realm. Karaniwan sinasabi nila na nagrrepresent siya ng paglalakbay ng kaluluwa pagkatapos mamatay. Kaiba naman siya sa Egyptian Mythology kasi ang belt ay nagsisimbolo ng himlayan ng mga kaluluwa na pinamumunuan ni Osiris, The god of Afterlife.”
Kahanga- hanga ang kaalaman ni Red, ang akala mo ay isa itong basagulerong mahilig makipagbasag -ulo pero marami pala itong alam.
“Saan mo natutunan ang mga bagay na yan?” tanong ko at tumingin dito
“I read lots of books, hindi lang halata.” natatawang sabi nito
“ Parehas pala tayo, kaya lang ako hirap akong intindihin ang science. Mas gusto kong binabasa ang history, But thanks to you parang nagkainteres akong magbasa ng tungkol sa mythology.”
Sandaling katahimikan ang namagitan..
Pinagmasdan nila parehas ang kumikinang na mga bituin sa kalangitan, dinig ang hampasan ng mga sanga at dahon dala ng malakas na hangin. Natuon ang aking mga mata sa lalaking aking kausap, hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita pero alam ko na nakita ko na siya sa noon sa future ko.
Nayakap ko ang aking sarili ng umihip ang isang malamig at malakas na hangin.
Hinubad ni Red ang suot na jacket at ipinatong ito sa aking balikat.
“Salamat.” kimi kong sabi
“Bakit nandito ka? Hindi ba ikaw ang celebrant, dapat nasa loob ka.” Anito
“ Nabibingi na ako sa ingay, tska wala naman akong gagawin doon.” sabi ko.
“Hindi ka ba natatakot?”
“Saan?”
“ Isang tagahatol ang iyong ama, hindi lang basta isang judge dahil kilala ang ama mo na matapang at walang inuurungang husgado kaya paniguradong marami siyang kalaban na maaaring ikaw o ang pamilya niya ang mapagbalingan.” seryosong sabi nito subalit hindi tumitingin sa akin
Alam ko, dahil ilang beses na nanganib ang aming pamilya at kaya namatay ng maaga si papa. Piping sagot ko
“Pumasok ka na sa loob, lumalamig na ang hangin baka magkasakit ka. It’s nice to meet you, Ela.” sabi nito at umalis
Mabilis na lumipas ang mga araw at isang taon na kaagad ang lumipas.
Huling linggo ko na ito sa bahay ng aking Abuela at babalik na ako sa Manila kasama sina Papa. Sa loob ng isang taon na pamamalagi ko rito ay ginawa ko ang lahat ng bagay na aking nais ng walang pag-aalala.
Mas maraming bagay akong natutunan gaya ng pangangabayo at critical survival skills kung sakaling mawala ako sa ilang na lugar. Naging malapit din ako sa mga tao dito at tinuruan ako ng iba’t ibang bagay gaya ng herbal medicines. Masasabi kong mas malakas na ang pangangatawan ko at mas malawak na rin ang aking kaalaman pero kulang pa ito.
"Mamimiss ko kayo,Abuela." yumakap ako kay Abuela habang nasa sala kami at nanonood ng paborito nitong drama sa gabi.
“Mamimiss rin kita, Apo. Pwede mo naman hilingin sa mama at papa mo na magbakasyon ka rito.”
Pinahiga niya ako sa aking kandungan at sinuklay ang aking buhok.
“Naalala mo ba ang kwentas na ibinigay ko sa iyo?”
“Opo. ito po ba?” Ipinakita ko ang kwintas na suot ko.
Mahaba iyon at mabigat sa leeg kaya lang kapag wala akong bulsa ay isinusuot ko na lang para hindi mawala. Ayaw ko naman ito iwan sa loob ng aking kwarto dahil ito ang naging dahilan ng aking pagbabalik sa nakaraan.
“Huwag mo iyan, iwawala. Kahit anong mangyari ay huwag na huwag mong ibibigay yan sa kahit na kanino kahit na sa mga kapatid mo.” bilin ni lola
Tumango lamang ako.
Habang patuloy sa pagsusuklay sa buhok si abuela ay inobserbahan ko ang hawak na clock pendant necklace. Kung susumahin ay masasabi ng isa na itong antique at kung susubukan ipasuri sa mga kolektor ay may malaki itong halagang kapalit dahil sa unique designs. Mababakas ang pagkavintage at mukhang collectible item ito na iilan lang ang mayroon noong unang panahon.
“Abuela, pwde pong magtanong?” tanong ko kay abuela ng may maalala ako
“ Masama ba ang number na 6-6-6?” tanong ko
“Anong klaseng tanong yan,hija? Walang masamang numero. Ang bawat numero ay may simbolo.” sabi ni abuela
“Wala naman po, napanaginipan ko lang po.” pagdadahilan ko
“ Pero Abuela, hindi po ba palagi kayong nagsisimba at halos alam niyo ang bawat pahina ng Bibliya. Baka may alam po kayo.” dagdag ko pa
Linggo- linggo ay nagsisimba si Abuela, alam niya ang bawat petsa at kung sinong santo ang may kaarawan. Kada alas-sais din ng gabi ay nagnonobena ito sa aming malaking altar kaya nagbabakasakali akong may alam siya.
“ Teka nga, kukunin ko lang ang bibliya ko.” sabi ni Abuela at kinuha ang bibliya na nakalagay sa altar.
Nang makuha ay umupo ito ulit sa tabi ko. Binuklat nito iyon.
“Heto, Apo. ‘ Kailangan dito ang karunungan: maaaring malaman ng sinumang matalino ang kahulugan ng bilang ng halimaw, sapagkat ito'y bilang ng isang tao. Ang bilang ay animnaraan at animnapu't anim (666)’.” binasa ni Abuela ang isang verse na nasa libro
Binasa ko rin ang naunang verse
Impossible naman na galing sa demonyo ang dahilan ng aking pagbabalik at muling pagkabuhay
usal ko ng mabasa ko ang nasa libro
“Pero huwag kang mag-alala,Apo. Sa katoliko ang anim ay may kahulugan din. Ang six days of creation, nagpapahiwatig din ito ng pagkumpleto at sumasagisag sa mga pangunahing katangian ng Diyos, katulad ng kanyang kapangyarihan, kadakilaan, karunungan, pag-ibig, awa, at katarungan.”
“Sige na Umakyat ka na sa kwarto mo. Matulog ka na.” isinarado ni Abuela ang bibliya at ibinalik iyon sa pagkakatayo sa altar.
Umakyat na rin ako sa aking kwarto.
Bago matulog ay tinitigan kong muli ang kwintas na ibinigay sa akin ni abuela.
“Saan ka ba nanggaling? Sa masama o sa mabuti? Pero ano pa man, nagpapasalamat ako sa’ yo” huling namutawi sa aking bibig bago makatulog.