Chapter 9 - First Mission

1549 Words
Isang Taon kaagad ang nakakalipas… Nang dumating ako galing sa Romblon ay ninais ni Papa na maghomeschooling ako gaya ng nasa aking nakaraan pero nagpumilit ako na mag- aral sa paaralan. Matinding pakiusapan ang aking ginawa para lang mahikayat siya at sa huli ay pumayag ito sa kundisyon na sa isang all-girl school ako mag-aaral. Nasa huling taon na rin ako ng aking pag-aaral ng sekondarya. Balak ko kapag nakatapos ng high school ay mag- aral ng medisina gaya ng aking mama Alejandra, napukaw ang kagustuhan kong maging doktor ng nasa Romblon palang ako at namangha ako sa galing siyensya. Ito ang bagay na hindi ko nalaman… Ang magkaroon ng pangarap, ambisyon at unti unting matupad.. Sa halip ay naging isang maybahay ako ng isang anak ng mayaman sa murang edad. Napabuntong-hininga ako sa isiping iyon at ibinalik ang atensyon sa librong pang medisina na kinuha ko sa mga libro ni kuya. Nag-inat ako ng aking mga kamay at pinatay ang ilaw sa aking study table. Nahiga ako pero bago matulog ay muli kong tiningnan ang cellphone ko. Lately, mas naging active ako sa social media na hindi ko ginagawa noon. Nakita ko ang daming likes at comments sa aking huling post. Nakuha ng aking atensyon ang petsa na nakalagay sa aking homescreen. January 20, 2041 … Napabakliwas ako mula sa pagkakahiga. A month after my 17th birthday my abuela will die and the cause of her death is a heart attack! I have to do something about it. In my last life, no one knew about her illness. My abuela thought it was a symptom of her asthma and the cause of her sudden death. Maaga akong nagising kinabukasan. Agad akong tumakbo sa kwarto nina Mama. “Aphelandra! Can you stop running, act like a modest woman.” sabi ni mama Naabutan ko itong nag- aayos para pumunta ng doktor kung saan ito nagttrabaho bilang isang surgeon. Hingal na hingal na naupo ako sa kama nina Mama. Saktong paglabas ni papa sa Cr. “Oh, Ela. Ba’t andito ka? May kailangan ka ba?” tanong ni Papa “May sasabihin lang po sana ako kay mama.” sabi ko “Sa baba na lang,sabihin mo na lang mamaya habang nagbbreakfast.” sabi ni mama habang inaayos ang mga damit na susuotin ni Papa. “Sige po.’ lumabas ako ng kwarto nila Mabilis akong naligo at naghanda na rin ng aking sarili para sa pagpasok. “Ano pala ang sasabihin mo anak?” tanong ni Mama habang kumakain Si papa naman ay may hawak na dyaryo “Nasaan nga po pala sina ate?” takang tanong ko dahil hindi namin kasabay kumain ang mga kapatid ko “Nasa condo niya ate mo, si Kuya mo naman nasa kwarto niya napuyat kakareview para sa upcoming final exam niya.” sabi ni mama Napatango na lang ako at kumuha ng fried rice at spam “Mama, napatingin niyo na po ba si Abuela sa doktor?” tanong ko Napatingin sa akin si mama habang si papa ay napatigil sa pagbabasa “Hindi pa naman, anak wala naman daw nararamdamang kakaiba si Abuela mo sabi niya.” sabi ni mama “Pwede po ba natin siya dalawin ngayong weekend, kahit sandali lang. Nag- aalala kasi ako sa kanya.” “Why? Is there somthing wrong about mom?” tanong ni Papa na ibinaba na ang hawak na dyaryo. I can't say na mamatay si abuela, I have to think of a good reason. “Last time po kasi na nakavideo call ko si Abuela, Pansin ko na nahihirapan siyang huminga.” Sabi ko “Baka naman inaatake na naman siya ng asthma niya nun.” sabi ni Papa “No, Papa. It’s a bit different. I tried to look at her ankle and its swelling her skin color also looks like bluish can be a sign of cyanosis. Sinabi niya rin po na mas madalas sumasakit ang mga paa niya kapag naglalakad ng malayo, sumasakit ang ulo,madaling mapagod bukod sa hirap ng paghinga.” sabi ko Nagkatinginan sina Mama at Papa na parang nagtataka. “Ela, where did you learn about cyanosis?” curious na tanong ni Mama “Sorry po. I borrowed your medicine textbooks from the library and Kuya Alessandro also let me read his books too.” sabi ko “Tell me. Gusto mo bang magdoktor?” tanong ni Papa “To tell you honestly po, I really loved to become one. Naaamaze po ako sa ginagawa ni kuya at ni mama.” pagsasabi ko ng totoo. Kahit naman noong past life ko, iniidolo ko na si mama lalo na kapag ikinukwento nito na may success operation siya at may naisalbang buhay. Kaya malimit ko rin binabasa ang mga libro nila ni kuya kapag nasa loob ako ng aking kwarto. “Alright, this weekend pupunta tayo ng Romblon at ipapacheck natin si mom.’ si papa na ang nagdesisyon Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Papa. Byernies palang ay tumulak na kami papuntang Romblon. Lahat ng laboratory test ay ginawa kay Abuela at gaya nga ng pagkakasabi ko ay may heat disease ito. “Ela, can I talk to you, anak.” ani mama Kadarating lang ni mama galing sa hospital kung saan pinalaboratory si Abuela at agad nilang pinaconfine ito dahil sa sakit nito. “Do you have any clue what type of heart disease your abuela has based on the symptoms you have described?” Nag-isip ako sandali at muling inalala ang nabasa ko sa libro ni mama. “Base po sa symptoms,it is Valvular heart disease for the treatment tingin ko they can give medicine. Some drugs can reduce symptoms or decrease the progression of the condition. Doctors may undertake surgery to repair or replace a faulty valve. However, the type of surgery required is determined on the afflicted valve and the source of the ailment.” Paliwanag ko habang patuloy na sinasabi ang aking opinyon Kita sa mukha ni Mama ang pagkamangha dahil sa mga nasabi ko. “ Isasama natin si Abuela mo sa Manila para mapaoperahan.” sabi ni mama na nakangiti Nagpaalam ako kay Mama na pupunta ako sa bayan sandali. Gusto kong makita si Red. Hindi ko na kasi ito nakita pagkatapos ng birthday party. Niyaya ko si Ivy at naglibot kami sa bayan. Malugod ang mga taga-roon na muli akong nakita at tila isang apoy na mabilis kumalat sa buong bayan ang pagkakahospital ni Abuela kaya halos lahat ng naroroon ay labis na nag-alala sa kalusugan ni Abuela. May mga tindera at tindero pa na nagbigay ng mga prutas, gulay at isda para sa mabilis na pagpapagaling ng asawa ng dating gobernador ng bayan. Sa huli ay hindi rin namin nakita si Red, ang nalaman ko lang ay nagtrabaho na ito sa ibang bayan. Umuwi kami ni Ivy na maraming bitbit na plastic na parang namili. “Para tayong namili ng walang dalang pera nito.” bulalas ko “Kaya nga. Iba talaga ang pagmamahal ng bayan kay Doña Alondra.” Tuwang- tuwa na sabi ni Ivy. Pumasok kami sa loob ng malaking bahay at dumiretso na sa Kusina para ipaayos sa kasambahay ang mga dala namin ni Ivy. Paakyat na ako sa aking kwarto ng marinig ko ang pagtatalo ng aking mga magulang sa loob ng kwarto nila. “Your daughter has a promising future in medicine. She has the potential to be the best doctor” rinig kong sabi ni mama. Inilapat ko ang aking tenga sa pinto at nakinig ng kanilang pag-uusap. “May iba akong plano para kay Ela, Alejandra. Tama ng dalawa kayong doktor sa pamilya. She will be a wife of a billionaire in the future.” mapanghangad na sabi ng ama niya “Anong kahangalan yang sinasabi mo,Felipe! Let your daughter decide on her future. Masyado mong dinidiktahan ang mga anak mo sa mga gusto mo. They have to meet your standards nasasakal na ang mga anak mo!” pasigaw na sabi ni Mama Nakaramdam ako ng lungkot dahil nag- aaway sila at the same time ay tuwa dahil sa kabila ng pagiging busy nito bilang isang doktor ay naalala niya pa rin kaming mga anak niya. “ On her 18th birthday, iimbitahan ko ang mga mayayamang tao sa iba’t ibang panig ng bansa. Our daughter has a unique beauty na angat sa iba, Alejandra. Alam mo yan, alam natin parehas na kakaiba ang angking ganda ng anak natin kaya hindi impossible na mapili siyang mapangasawa ng isa sa mga magiging bisita natin sa araw na yan.” Nangangarap ng gising na sabi ng Ama “Naririnig mo ba ang sinasabi mo Felipe? Just for the wealth you will sell your daughter. Ayoko na makipagtalo sa’yo dahil mukhang bulag ka na sa pangarap mo. Basta ako, I will support your children sa lahat ng gusto nila sa buhay.” rinig kong sabi ni mama Agad akong tumakbo sa aking kwarto upang hindi maabutan ni mama na nakikinig ako sa usapan nila ni Papa. Nahiga ako sa aking kama. Wala akong pakealam kung pumayag si papa sa pagpasok ko sa medisina o hindi, dahil ako ang may hawak ng kapalaran ko kaya ako ang magdedesisyon kung saan ko dadalhin ang kapalaran ko. Ang mahalaga ay nailigtas ko ang buhay ni Abuela. First Mission Complete!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD