THIRD PERSON'S POV Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Red upang mahanap ang lugar kung saan tinago nina Jameson at Cassandra sina Heather at Ela. Hindi na sila nagtaka ng malaman na malapit lamang sa EK ang pinagdalhan ng mga ito sa dalawa. Agad na tinawagan ni Red ang kanyang mga tauhan habang nauna sila ni Sadiki na pumunta sa lugar nina Jameson. "Be careful Red, marami sila. " sabi ni Sadiki at ibinigay kay Red ang Sniper Gun na may silencer. Pumwesto sila sa isang tagong halaman hindi kalayuan sa dalawang lalaking nagbabantay. "Mauna ka na sa loob, Sadiki. Tatapusin ko lang to." matalim na sabi ni Red habang nakatutok sa isa sa mga bungo ng bantay ang kanyang baril. Naglakad si Sadiki ng marahan at dumaan sa likod. May nagbabantay rin dito na dalawa. Agad niyang pinagbabaril ang

