RED'S POV Pinauna kong pumasok si Sadiki sa loob. Itinutok ko ang sniper gun na hawak ko sa ulo ng isa sa mga nagbabantay sa main entrance. "Bull's eye" napalatak ako ng sakto sentido at agad bumulagta ang aking target. Nagulat ang isa sa nagbabantay ng makita nito ang pagbagsak ng kasamahan, imbis na magtawag ng back up ay inihanda nito ang sarili at inilagay ang daliri sa gatilyo habang nagpalinga-linga sa paligid. Hinahanap kung saan nanggaling ang balang tumama sa kasama. "Id*%t!" napataas pa ang gilid ng aking labi dahil sa maling desisyon na ginawa nito. Ibinalik ko ang aking mata sa lens at inasinta ang ulo nito. Napasipol ako ng muli kong tinamaan ang ulo nito. Lumabas ako sa hamanan kung saan ako nagtatago at naglakad patungo ng entrance. Maingat ang aking bawat galaw, ini

