ELA’S POV Nang sumunod na araw ay hindi na nakita ni Ela pumasok si Lemuel ganun rin ng mga sumunod na araw. Hindi niya na rin ito nakasabay na nagtake ng kanilang exam. “Cosmos, may alam ka ba tungkol sa nangyari kay Lemuel?” tanong ni Ela sa katabi niyang agent. Si Heather naman ay ang nagmamaneho. Pauwi na sila galing eskwelahan. Kakatapos lang ng aming exam at ilang araw na lang ay bakasyon na. Pwede na akong magpetiks. Pero bumabagabag sa aking isip ang tungkol kay Lemuel. “Hindi mo na dapat tinatanong ang bagay na yan, Ela. Alam mo naman ang nangyayari sa mga taong gusto kang saktan.” sabat ni Heather na pasimpleng tumingin sa rear mirror ng kotse. Natahimik ang dalaga sa sinabi ng kanyang bantay/ driver/ sparring partner/ friend. “Pero bakit naman gagawin sa akin yun ni

