ELA'S POV Kinabukasan ay mukhang nakampante na si Red nang dumating ang bagong makakasama ni Heather magbantay sa akin kaya pumasok na ito sa trabaho habang ako naman ay pumasok sa school. Naghihintay lang sa Isang waiting shed sa hindi kalayuan ang dalawa habang ako ay nasa room at nagkaklase. "Kamusta klase mo?" tanong sa akin ni Heather Nang makalabas ako ng classroom. "Okay lang naman, nagugutom na ba kayo? Tara, cafeteria tayo" yaya ko sa mga ito since maglulunch na rin. "Ms. Ela!" habol na tawag sa akin ni Lemuel na aking kaklase. Napalingon kaming tatlo sa kanya. "Sino sila? Are they students here?" tanong ni Lemuel Nang makalapit sa amin Pinaglilipat lipat nito ang tingin kina Heather at Cristina aka Cosmos. "They are my friends, students sila sa ibang school lagi lang nila

