" Do you have any proof, na traydor siya?" Hindi pa rin ako naniniwala sa sinasabi nito. Si Makszim ang isa sa aking pinagkakatiwalaan maliban kay Sadiki. Lahat ng lakad, plano maging mga confidential informations ay alam nito. Kita ko ang madilim na awra na bumabalot sa katauhan ni Diego. Mula sa likod nito ay may inabot kay Diego ang isa nitong tauhan na isang envelope at malakas na inihagis sa akin. Binuksan ko ang laman ng sobre at nakita ang mga larawan ni Rheyfuss kasama si Makzsim. Isa-isa kong tiningnan ang mga larawan na iyon at may mga larawan pa kung saan kasama si Jameson at ang ate ni Ela na si Cassandra. " Kung hindi ka pa kuntento ay panoorin mo ito." tila bored na sabi ni Diego habang iniharap sa akin ang laptop. Isa itong recorded video ni Makzsim kausap si Rheyfuss

