RED'S POV Sakay ng Helicopter ay nagpunta ako ng Romblon upang hanapin ang pamilya ni Tatay Frederico. Hindi ako naniniwalang ilang dekada ng patay ang matanda. Ilang taon palang para sa akin ng huli kaming magkita. Maaaring pumanaw na ito pero hindi dekada ang pagitan. Napadpad kami sa isang baryo sa Sibuyan Island, Ilang milya ang pagitan mula sa bayan na aming kinalakihan ni Ela. Natagpuan namin ang bahay ng malapit na kamag-anak ni Tatay Frederico. Ang bahay ng mga ito ay yari sa light materials. "Magandang Araw po!" Bati ko sa isang dalagitang nakaupo sa lilim ng isang puno ng santol na nasa loob ng kawayang Tarangkahan. "Sino po sila?" tanong ng bata nakatunghay sa akin at tila nagtataka dahil kasama ko pa ang aking mga tauhan na nasa apat na pawang mga nakaitim. "Dito po ba n

