6

1305 Words
SHAO’s POV Ang tagal kong naghintay kay Bebeng sa club. Hindi ko alam kung papasok ba siya ngayon. Anong oras na ay wala pa rin siya? Paalis na sana ako nang makita ko itong humahangos sa pagpasok sa daanan nila sa likod. Bababa na sana ako ng aking kotse, nang makita ko itong lumabas na sa likuran. Iyon pa rin ang suot niya. Pinagmasdan ko lang siya at nakita ko itong sumakay ng taxi. Sinundan ko ang sinasakyan niyang taxi. Kaya lang ay ma-traffic kaya nag-iba na ako ng daan. = = = = = = = = = = = = = = VIENNE’s POV Lumabas na ako ng club. Hindi pa ako sure kung ito na ang last day na pagtuntong ko rito. Depende sa pag-uusap namin ng customer ko kagabi. Kaya nga siguro malaki ang perang ibinigay sa akin ngayon ay kasama ang tip niya para kagabi kahit iniwan ko siya. “Ma’am, dito na po tayo.” Wika ng driver. Dahil hindi ko naman kabisado ang lugar, tiningnan ko muli ang hawak kong papel at yung number lang ng apartment ang pwede kong pagbasehan na nandito na nga ako. Wala naman akong telepono para para tingnan sa map kung nandito na nga ba talaga ako. Mabait naman si Manong driver kaya naniniwala ako sa kanya na hindi niya ako ililigaw. May mga tao rin naman akong nakita sa pagpasok sa subdivision na ito kaya hindi naman siguro masamang loob itong pupuntahan ko. Sana nga. Pagkabayad ko kay Manong driver ay bumaba na ako. Ito nga ang number at nagpalinga-linga pa ako at nakita ko ang name ng street. Ito na nga. May sasakyan sa garahe. Malaki rin ang apartment dahil up and down ito. ‘Yung garahe niya, mas malaki pa sa inuupahan namin na barong-barong. Ilang susi ito, may tag kung para saan. Hinanap ko ang para sa gate. Sana lang ay walang makakita sa akin dito at tanungin ako kung kaano-ano ko ang nakatira? Pwede ko naman sabihin na taga-linis ako. Kaya lang ay gabi na. Hindi naman siguro sila mag-iisip ng ganoon dahil may hawak akong susi. Nakapasok ako sa gate na walang nagtanong. Maluwag akong nakahinga. Para akong may pagsubok na nalagpasan sa klase nang paghinga ko. Next ay main door. Ang pinaka-malaking susi ang para rito. Ipinasok ko na ang susi at saka ko iniikot. Lock ang pinto. “Ano kaya ang ginagawa ng may-ari ng bahay rito?” tanong ko sa sarili ko. Bukas ang ilaw at may mahinang musika na baka nanggagaling sa component niya. “Good evening po.” Hindi ko alam kung lalakasan ko ba o hihinaan lang ang pagsasalita ko. Kaya lang ay baka hindi ako marinig kung mahina lang ang boses ko. Hindi rin naman ako papapuntahin dito siguro na nandito ang pamilya niya. Anong sasabihin na lang na sa ganitong oras ay may nakapasok sa bahay nila? Naglakad-lakad pa ako. Wala pa rin akong nakikita ni anino. Nalagpasan ko na ang sala. Patungo na ako sa kitchen, wala rin tao sa dining area at sarado ang ilaw roon. May naririnig akong tunog ng niluluto. Parang nagpiprito. Hindi ako sigurado. Matagal na akong nakarinig ng ganoong tunog dahil simula ng lumipat kami ni Inay rito sa Manila ay lahat bili namin. Wala kaming mga gamit pang-kusina bukod sa mga pinggan, baso, kutsara at tinidor. Marami kaming ganoong gamit sa probinsiya pero hindi na namin dinala dahil wala naman kaming lugar na eksaktong patutunguhan sa pagbalik namin. “Magandang gabi po. Si Vienne po ito, pumasok na po ako dahil iyon po ang instruction sa akin ni Madam. Binigay po niya ang address ninyo pati na rin po ang susi nitong kabahayan.” Malakas kong salita at hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa kitchen. Amoy pa lang ng niluluto ay nakakagutom na. Hindi na ako nakakain ng dinner dahil sa club na lang sana pero bigla naman akong pinapunta rito kaya hindi na ako nakakain. Ngayon tumutunog na ang tiyan ko. Nakatungo pa ako at hawak ko ang tiyan ko. Naghihintay ako ng isasagot sa akin ng kung sinoman na nagluluto sa loob. “Sumunod ka sa akin at kumain muna tayo.” Wika ng baritonong boses nito. Napa-angat ako nang tingin para makumpirma ko kung kaninong boses ito. “Tumutunog na ang tiyan mo,” dugtong pa niya at nagtama ang aming mga paningin. Siya ang nagbayad sa akin? Siya ang may ayaw na magtrabaho pa ako sa club? Lumakad na siya pero tumigil siyang muli para lingunin ako. Napahiya naman ako kaya nagmadali na akong naglakad kasunod niya. Inilapag muna niya ang pagkain at saka niya binuksan ang ilaw. Tumalikod siyang muli at pagbalik niya ay dala na niya ang mga utensils. Nakatayo lang ako at hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako tagarito para maupo na lamang basta at umasta na talagang bisita. Napansin niya na nakatayo ako kaya lumapit ito sa akin. Para akong kakapusin ng hangin sa paglapit pa lang niya. “Maupo ka na rito,” malamyos niyang wika. Ipinaghila pa niya ako ng upuan kaya naman nahiya akong lalo. Bakit ganito siya? Sumunod na lang ako sa kanya. Nagulat pa ako dahil hindi siya kaagad umalis sa tabi ko. Mas lumapit pa siya dahil ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko. “Kumain ka na, Bebeng. Bawal tumanggi sa pagkain. Natatandaan mo ba? Ito ang madalas sinasabi sa atin ng Mama mo. Kainin kung ano ang nakahain. Iyan lang ang alam kong mabilis na lutuin at iyan lang din ang meron dito sa bahay.” Para naman hinaplos ang puso ko. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami at pinapakain kami ni Mama. Ang sinabi ni Shao ang mga salitang laging sinasabi sa amin ni Mama. Kahit noong kami na lang na magkasama sa probinsiya ay ganoon ang laging wika ni Mama. Masamang tumanggi sa biyaya. “Mamaya na tayo mag-usap. Kumain na lang muna tayo.” Sambit pa ni Shao at naupo na siya sa katapat kong pwesto. Hindi ko magawang i-angat ang mukha ko. Sa pagkain ko na lang itinuon ang aking atensyon. “Dahan-dahan, maaga pa para magmadali ka.” Wika nito dahil narinig niyang nahirinan ako. Mabilis din niyang iniabot sa akin ang baso na may lamang inumin. Pagkatapos kong uminom at nalinis na ang aking lalamunan ay saka lang ako nagsalita. “Salamat,” muli akong yumuko at inilagay kong muli sa pagkain ang aking atensyon. Luncheon meat at piniritong itlog ang ulam namin ni Shao pero para sa akin parang ito ang pinakamasarap na natikman kong luto kahit alam ko kung paano ginawa. Kahit nakatungo ako ay nakikita ko rin ang kanyang plato at magana rin siyang kumakain. Marami ang kanin na inilagay niya sa plato ko. Hindi ko naman ginalaw lahat. “Ayaw mo na?” tanong niya sa akin nang nakita niya na ibinaba ko na ang kutsara at tinidor na gamit ko. “Busog na ako. Ang dami ko ng nakain. Alam kong bawal ang mag –“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niyang kinuha n ang plato ko at isinalin niya ang tira kong kanin sa plato niya. Balewala lang sa kanya na may sinasabi pa ako. Mabilis siyang kumuha ulit ng ulam at kinain niya ang tira kong pagkain. Noong bata kami ay natatawa kami kapag ganito ang ginagawa niya. Kasi nailigtas niya kami sa sermon ni Mama. Kahit tira ng mga kapatid niya ay kinukuha niya rin. Ngayon, hindi ako makatawa. Talaga bang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago? Parang wala lang sa kanya na matagal na kaming walang komunikasyon. Ang sarap ng kain niya. Kaya siguro maganda ang katawan niya. Wala na akong alam sa kanya. Isa lang ang nakatatak sa isipan ko – may mahal na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD