49

1100 Words

SHAO’s POV Ang tagal niyang lumabas ng bathroom. Kanina pa siya nasa loob nito. Nandito lang ako sa labas. Sobrang tagal niya, parang bawat segundo ay mas lalo akong naiinip at nag-aalala. Ganoon ba talaga kasakit ang tiyan para manatili siya ng halos isang oras sa loob ng banyo? “Mahal, okay ka pa ba?” mahina pero nag-aalala ang boses ko. “Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Sabihin mo lang sa akin kung ano ang nararamdaman mo. Kanina ka pa riyan.” Kumatok pa ako para mas makuha ko ang kaniyang atensyon. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ko na itong sinabi. Paulit-ulit, naging dialogue ko na sa loob ng isang oras. May ilang minuto lang akong tatahimik at muli na naman akong kakatok at tatawag. Kung nagagalit na siya sa kakulitan ko, okay lang. Ang nais ko lang ay malaman an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD