SHAO’S POV Nag-uusap pa ang mga parents namin ng mahal ko nang lumapit kami sa kanila. Isahan na, tutal nandito na rin naman sila at sila lang din ang kailangan namin sa ngayon. Pumayag naman ang mahal ko na ipaalam na namin sa kanila pati na kay Tita Malou. Ilang buwan akong mawawala kaya hangga’t maaari ay makapagpakasal na kami ng mahal ko. Kung ipagpapabukas pa, mababawasan pa ang araw para sa paghahanda. Hindi naman uso sa pamilya namin ang bonggang kasalan. Parang ang parents ko at mga kapatid ni Daddy. Simple ngunit puno ng pagmamahalan. Ganoon din ako para sa aking mahal. Gusto kong maiparamdam sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Magkahawak-kamay kaming lumapit sa kanila. Nakita ko na nakatingin si Tita Malou sa kamay naming dalawa ni Bebeng. Nagtatanong ang kaniyang mga mata.

