SHAO’s POV Second day namin dito sa resort. Hindi pa namin na-explore ang lugar dahil naging abala ako sap ag-explore sa katawan ng mahal ko. Ilang araw din kaming hindi nagniig. Okay na ako roon dahil nabawi ko naman simula pagdating namin. Puro pa-room service na lang ang food namin hanggang kaninang lunch. Ayaw ko naman lumabas kami na hinang-hina pa. Nakabawi na ng lakas ang aking mga tuhod. Nakakalakad na rin kahit papaano nang maayos ang aking mahal. Niyaya ko siyang mag-dinner at uminom sa bar na nandito rin sa loob ng resort. Kaming dalawa lang naman. Kasama ako, kaya puwede kami mag-shot. Pandagdag pampainit lang naman. Hindi kami magpapakalasing. Pumili siya ng simpleng dress. Nakalitaw ang isang balikat at okay lang naman sa akin. Ako lang din ang titingin sa kaniya kaya wa

