Jane Nag aagaw na ang dilim at liwanag nang dumating si Del Carmen. Halata ko dito ang pagiging matamlay nya.Tuloy tuloy lang itong naglalakad papasok at di na ako pinansin pa. Ano yan wala manlang hoy aso dumating na ako. Dahil doon ay biglang napa taas ang aking kilay sa inasal nito. Huwag siya pa ganyan ganyan sa akin at mainit pa rin hanggang ngayon ang aking ulo dahil sa kanya. Kasalanan niya rin naman kung bakit siya palaging pinag sasalitaan ng ganyan. Umakyat na agad ito at dumiretso sa kanyang kwarto. Aba at may pagka maldita din ata ang isang ito. Balak ko na sanang sundan ito pag akyat, pero di ko na lang ginawa. Palalampasin muna kita ngayon pero di na ito dapat maulit pa. Sa isip isip ko. Mag na nine na ng gabi pero hanggang ngayon ay di pa rin lumalabas si Del Carmen

