Avril Nagising na lang ako kina umagahan na parang may malambot pero mabigat na bagay na naka dagan sa aking binti at tyan. Dahan dahan ko naman minulat ang aking mga mata upang tingnan ang bagay na yun at tumambad sa akin ang isang diyosang may maamong mukha pero masama ang ugali. Naguguluhan man kung bakit ito nandito sa kwarto ko at naka yakap pa sa akin ay di na lang ako kumibo. Hinayaan ko na lang muna ito na lalo lang nag sumisiksik sa aking leeg ang mukha nya. Bigla naman nanindig ang aking balahibo sa ginawa nito. Di ko maiwasang pinamulahan ng mukha. My god ang bango niya at ang lambot. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon na ito dahil hindi ko alam kung kailan pa ito mauulit. Baka nga panaginip ko lang ito. Ramdam ko kasi ito lalo na at sobrang dikit nito sa akin ngayo

